Subscribe to Apple of my Eyes Subscribe to Apple of my Eyes's comments

EID Mubarak

Posted by anna. Comments (7).

Ang tagal ko rin palang walang update. Medyo nalibang kasi sa dami ng mga games sa facebook like farmtown,farmville,fish bowl, etc…. Naging farmer ako for a while, then naging mangingisda naman, ang hirap magtanim sa madaling-araw…hehehe. Pero addicting din pala ang mga games sa facebook kaya kung di nyo pa nasusubukan better na wag na at masakit sa mata.

Bakasyon pa rin kami dito sa Gitnang Silangan dahil sa selebrasyon ng pagtatapos ng Ramadan. Although hindi kami mga “M” syempre kasama rin kami sa mga walang pasok (para namang may pasok ako). Imagine from September 17-25 ay walang pasok kaya hirap din mag-isip kung saan-saan pwedeng gugulin yung bakasyon para di mainip sa bahay ang mga bata.

Nagswimming kami ulit sa Baher Beach Resort. Ang daming tao…di na pinayagan na pumasok pa yung iba. Mas marami kasi yung mga galing Riyadh na dumayo dito para makaligo sa beach (walang dagat sa riyadh). Feeling mo nasa Pilipinas ka lang dahil sa dami ng pinoy noong araw na yun. Kaya lang yung guard sa gate nagtaas ng fee, yung dating sr50/head naging sr75/head, alam kasi nila na dadagsa ang mga tao.

Kahapon naman ng gabi ay matyaga kaming naghintay sa taunang fireworks sa pagtatapos ng Ramadan, inabot kami ng alas dose ng gabi sa paghihintay sa wala. Tumambay na lang sa paboritong restaurant (Brasa de Brazil) kahit nag coffee lang.

Meet the good looking and very accomodating waiters of Brasa de Brazil….naks!

Pero kanina bumalik kami ulit sa corniche dahil may nakapagsabi na tuloy na raw ang fireworks, 8pm pa lang andun na kami para makakuha ng magandang anggulo. At around 10pm nakarinig na kami ng sunod-sunod na putukan…nagsimula na ang fireworks. Na miss ko bigla ang Pasko at New Year sa Pilipinas. Almost 30 minutes din siguro ang itinagal ng fireworks. Nag-enjoy ang mga bata dahil hindi naman kasi common dito sa saudi ang mga ganitong pagdiriwang.

Pictures taken by KD. ENJOY!

Happy Birthday Justin!!!

Posted by anna. Comments (20).


Thanks Daryl for this one.

It’s Justin’s birthday yesterday. Eleven years old na sya, ang bilis talaga ng panahon. I still remember noong ipanganak ko sya, sa kanilang tatlo sa kanya ako nahirapan nang husto sa tindi ng sakit sa paglalabor. Naisip ko pa nga noon na baka pasaway at matigas ang ulo nito paglaki dahil sa tyan pa lang eh sobrang sakit na yung bigay sa akin.

Pero kabaligtaran pala, mula baby sya ay napakabait, hindi iyakin. Basta may hawak na dede ay natutulog mag-isa, walang tantrums kahit magising sa gabi. Lumaki sya na madaling kausap, masunurin at mabait sa mga kapatid. Sabi ko nga kay KD, buti andyan si Justin pambalanse namin sya sa kakulitan ni tin-tin at joshua. Sabi nga minsan sa akin ng isang titser nya, “Mrs, si Justin po opposite po ni Joshua ano po?”

Meron sya actually birthday celebration sa July 9 pa sa isang private resort with some friends na mag bibirthday din pero dahil sa 2 makukulit na kapatid ay napapayag nila na dapat may celebration din sa mismong araw ng birthday nya kaya kami napadpad dito sa “Brasa de Brazil.”

Nasabi pala ng kaibigan namin sa isang waiter na birthday ni Justin kaya nagulat kami nung bigla nila kaming paikutan at may dalang piraso ng cake at candle sabay kinantahan ng “Maligayang bati.” Nakakatuwa ng mga singing waiters dahil iba-iba ang nationality nila pero kung ano ang lahi ng mga costumers ay yun ang version nila ng Happy Birthday song.

Ang Brasa de Brazil ay isa sa mga bagong restaurants dito sa saudi na may kakaibang way ng pag seserve ng pagkain sa costumers. Smorgasbord sya na may super daming appetizers (dami rin arabo sa paligid ng table kaya di ko napiktyuran) at ang sasarap talaga. Doon pa lang ay sulit na yung bayad na sr110/head ($30). At ang pinaka main course nila ay 15 varieties of barbeque na umuusok pa pag serve syo.


By the way, sa bawa’t table pala ay may makikita kang parang traffic light na maliliit may “stop” and “go” sign….hehehe. Ine explain kay Josh kung paano ang paggamit sa mga red and green signs na ito. Dinatnan namin na nasa itaas lahat ang red habang kumakain kami ng appetizer nila. Kapag gusto mo na ng main course, baligtarin mo lang para green yung nasa itaas at automatic na maglalapitan na syo ang mga waiters na dala ang nakatuhog na barbeque.

Now, naka green na yung sign kaya lapit na yung waiter na may dalang 3 varieties of barbeque, yung celebrant muna syempre.

Joshua: It’s my turn and that’s all mine….hehehe.

Next, shrimps naman na ang sarap pala pag inihaw.

Pata yata ito ng dinosaur….hehehe.

Next , baby lamb daw kaya nakasakay pa sa stroller….hehehe.

Tin: What’s that?

Waiter: Baby camel.

Josh: What? kakain tayo ng camel?

Ang tagal ko na rin dito sa saudi pero kagabi lang din ako nakatikim ng meat ng camel. Hindi lang kami nag enjoy sa sarap ng pagkain kundi pati na rin sa excitement at curiosity kung anong barbeque ang susunod na darating hangga’t naka green sign ka sa table mo.

Si Josh ang unang nag red sign.

Me: Why Josh? Are you done?

Josh: I’m full. Ayaw ko na po! Ang dami ng animals sa tummy ko.

Other varieties of barbeque served last night were turkey, chicken, beef, ostrich, salmon fillet, shrimps, hamour fillet (lapu-lapu), tenderloin steak, etc. hindi ko na matandaan yung iba pa.

During our 3-day vacation in Bahrain kasama sa itinerary ang swimming, matagal na rin naming naririnig sa mga kakilala na napapasyal ng Bahrain ang tungkol sa Lost Paradise of Dilmun, sabi nga ni Josh kaya daw pala ganun ang pangalan ng resort eh talagang ma lolost ka sa laki at lawak.

Maaga kaming dumating sa place kaya wala pang masyadong tao sa resort.
Sa unang tingin iisipin mo na nasa beach ka dahil sa buhangin sa dalampasigan pero nasa gitna kami ng disyerto kaya for sure na hindi ito dagat.




Sa harapan nito ay ang pool na may artificial wave, although hindi na ito bago sa pinas nag-enjoy pa rin talaga ng mga bata dahil hindi mo ito inaasahan na makikita sa disyerto dito sa middle east.



Tatlong giant slides yata ang nakita ko sa loob at isang medyo mababa lang para sa mga kids. Isa sa mga giant slides na nagpabaon sa amin ni Justin ng bukol at medyo nakaka traumang experience. Inaya kami ni KD na umakyat sa isang napakataas na slides, nakasakay naman sa salbadida na pandalawahan, kasama ko si Justin at si Josh naman si KD. Sa kalagitnaan ng slides ay mayroong parang basin kung saan magpapaikut-ikot ka muna bago ka pumasok sa isang hole deretso na sa ibaba. Sa halip na dumeretso kami ni Justin sa hole ay pahalang na bumara ang salbabida namin sa hole at di kami makababa.

Hanggang sa maipon ang apat na salbadida sa basin at nagkabangga-banggaan na kami sa loob. Kasama sa apat ang salbabida nina KD at Josh. Sinubukan ni KD na iayos ang salbabida namin ni Justin pero hinigop na kami pababa ng hole at sa halip na paharap ay patalikod kaming pumasok sa butas.

Nag panic si Justin at nakabitaw sa salbabida, nakita ko syang nahulog at hahawakan ko sana sa kamay kaso dahil sa hindi na balanse ang salbabida ay bumaligtad na rin ako. Hindi ko alam kung ilang tumbling kami sa loob ng slides at kung gaano kadaming tubig ang nainom ko basta ang nasa isip ko ay kung safe ba si Justin or what?

Pagbagsak ko sa ibaba ay si Justin agad ang hinanap ko kahit na parang hilo pa ako. Mabibilis naman ang mga lifeguards at dinala kami agad sa mababaw na parte ng tubig. Iyak nang iyak si Josh dahil nakita nya pala kaming nahulog sa salbabida. Ok naman si Justin dahil nakapag balanse naman daw sya sa pagbagsak nya although pareho kaming may bukol dahil sa pagkaka-untog sa gilid ng slides. Mabuti na lang at sarado ang slides mula sa itaas at ang opening lang nya ay doon sa parteng ibaba kung saan babagsak lahat ng galing sa itaas, kundi ay kita kami ng lahat ng tao doon na patumbling-tumbling sa slides.

Nag-enjoy din kami dito sa “lazy river” kung saan pwede kang mag relax habang inaanod ka ng mabagal na agos ng tubig paikot sa buong resort ng Lost Paradise. Wala pa akong bukol dito kaya nakangiti pa…hehehe.

Nakasama namin doon ang ilan sa mga members ng Middle East Shutter Squad (MESS) at
Gulf Photographers Network (GPN). Sana maulit muli……

And as expected……..

...tulog pagdating sa hotel ang tatlong makukulit sa pagod at sakit ng katawan sa maghapong paglalaro sa tubig. Sulit ang byahe at mahal ng bayad sa entrance fee. Imagine paying BD13/each (Php1,600) or DB65 (Php8000) sa aming lima.

At dahil na curious ako sa pangalan ng resort naitanong ko kay uncle google kung ano ba itong Lost Paradise of Dilmun?

“Dilmun was probably located in what is now Bahrain. Dilmun was an ancient holy land and part of a trade route between the Indus Valley and Mesopotamia. Evidence about Dilmun in the stone age comes from flint tools and weapons. From later periods, it comes from cuneiform tablets, cylinder seals, pottery and correspondence between rulers. When the Indus Valley lost its importance in the middle of the second millennium B.C., Dilmun, too, lost its importance. In the eighth century B.C. Dilmun was a vassal of Assyria and by 600 B.C., Dilmun was part of the Neo-Babylonian Empire.
Dilmun may have been the location of the Garden of Eden and was described as paradise in the Epic of Gilgamesh.”

From a Blogger friend, Mari

Posted by anna. Comments (17).

Noong una akong mapasyal sa blog ni Mari, napansin ko agad ang mga paintings at sketch designs na gawa pala nya personally. Nagcomment ako sa isang entry nya na baka pwede rin nyang gawan ang mga anak ko, nagbakasakali lang naman ako dahil syempre hindi rin biro ang mag sketch. Kailangan mo rin talagang bigyan ng quality time. Sumagot sya na sige raw ipadala ko sa email yung mga pictures.

So, after few months ipinadala nga nya by email yung mga finished products ng aking tatlong anak. Here they are……thank you so much Mari!