Kakabalik lang namin from a 2 months vacation in the Philippines. Bakit kaya kahit gaano kahaba yung bakasyon parang laging feeling bitin pag malapit na ang date pabalik?
Naiwan na si Tin sa pinas. Noong una di pa maramdaman masyado yung nalalapit na separation dahil busy pa sa pag-aasikaso ng dorm, enrollment, pagbili ng mga gamit, etc. Pero noong ihatid na namin sya sa Baguio a day before our flight parang ang bigat sa dibdib. Ako ang nag-ayos ng mga gamit nya sa locker kasi si KD parang di na kaya, nakatingin na sa kawalan. Nagsimula na tumulo luha ni tin noong magpaalam na kami. Alam nya kasi na maiiwan na sya talaga, mas gusto ko na yun na hindi na sya maghatid sa airport. Parang ang hirap makita na papasok ka sa airport at maiiwan sya sa labas.
Wala kaming kibuan ni kd habang pababa ng Baguio, walang gustong magsimula ng usap. Tahimik din ang driver namin dahil nakikita nya paminsan-minsan na nagpapahid ng luha si kd sa tabi nya. Walang hinto si tin ng kakatext hanggang makarating kami ng Bataan. Hindi ko alam kung paano ako natapos sa pag-eempake para sa flight namin kinabukasan habang inaalo ko si Justin at Joshua na umiiyak din dahil maiiwan na raw si ate nila sa pilipinas. Naka-ilang tawag din si tin nung gabing yun dahil hindi raw sya makatulog. Ayoko na sana syang tawagan dahil nauuwi lang sa iyakan. Napaluha lang talaga ako pagkabasa ko sa text nya na, “Ma, parang di ko kaya.”
Kinabukasan, araw ng flight namin. Walang hinto ang tawag nya hanggang maka-akyat kami ng eroplano. Wala na halos ako maintindihan dahil puro “mama” na lang naririnig ko habang iyak sya nang iyak. Palipat-lipat ang phone kay kd, kay josh at justin. Hanggang ipa off na ang mga cel sa plane ay ayaw pa rin ibaba sandali na lang daw. Nakatingin na nga lang sa amin yung ibang katabi namin sa upuan. Malungkot din sila na i’m sure na nakakarelate sila dahil sila man ay siguradong may mga iniwang pamilya sa pilipinas.



June 21st, 2010 - 7:58 pm
Pati ako rito ay naluluha na habang binabasa ko itong sinulat mo.
Ganyan talaga ang buhay. Si Tin ay kelangan na ring lumayo upang mag-aral para sa kanyang kinabukasan. You have both boys around for now. Later on you’ll all get used to Tin’s absence.
All of us who have left home can relate.
June 23rd, 2010 - 10:45 pm
Talagang ganyan, ano magagawa natin, diba? Kung sa bagay, mas mahirap yang experience ninyo dahil sa bansa ang layo ninyo sa isat-isa.
Noong lumuwas ako papuntang States, ang tuwa lang ng kapatid ko dahil sa kanya na raw yung silid ko(hayopak talga yun!) Pati ba naman yung mga kakilala kong chicks e pinormanhan, hehehe. Pero, dats how the panutsa crumbles, ika nga.
Don’t worry, things will work out for you folks and Tin-tin. She will grow to love you more. Hehehe, susunod niyan, pag nasanay na alowans na tawag.
June 24th, 2010 - 12:00 pm
that is sad…
im wishing for things to be well with Tin!
im sure everything’s gonna be fine.
regards to all….
June 26th, 2010 - 8:06 pm
naiyak ako sis…alam ko ang sakit ng mawalay sa asawa…how much more sa anak….
I hope that both of you can adjust kaagad lalo na si tin….
where sya mag aaral sis?
June 27th, 2010 - 6:00 am
sorry to hear that tita ann
ganun talaga buhay e, nagdesisyon kayo na magkalayo muna pansamantala para rin sa future nya.
nakakalungkot nga lang.
June 29th, 2010 - 4:53 am
kinakarir ko na nga hehehe, Nikon D5000 gamit ko pero mas madalas ko gamit yung Yashica, naadik ako sa film
July 2nd, 2010 - 2:22 am
Like to date online? Try CHUZI.PH!!!
July 2nd, 2010 - 1:22 pm
Hi Ate Ann! Tagal ko nang hindi nakakadalaw…
Naiyak naman ako sa post mo. I could feel the heartbreak in your post. I’m sure Tin will be alright.
God bless Ate Ann & regards to Sir KD.
July 4th, 2010 - 12:43 pm
medyo makabagbag damdamin ito..
July 7th, 2010 - 4:27 am
parang di ko din kaya ang ganyan… ok lang sana kung nasa pinas kayong lahat, lapit lang bisitahin sa baguio… pero mahirap pag dagat na ang pagitan niyo.
para sa kinabukasan ng anak, kakayanin nating magulang yan.
smile Ann.
July 10th, 2010 - 6:42 am
Kakaiyak Ann, nakakarelate ako. College na rin pala si Tin, College na rin yung anak kong babae. Studies rin ang reason kaya naiwan sila sa Pinas. Kaya ang Deal namin every four months umuuwi ako.
I’m sure masasanay din si Tin. Be strong and smile
August 14th, 2010 - 1:39 pm
hi ann, just read this now.
kumusta na kayo? kumusta na si tin? i hope nakapag-adjust naman siya ng maayos. kumusta na kayo ni kd? nasasanay na ba kayo ngayon?