I’ve been very busy for the past few months, di namalayan 2010 na pala at wala pang update ang aking bahay ![]()
For a start, simulan natin sa isang family day that is really full of fun. Ginagawa ito yearly sa school but this time super daming families ang dumating at nakisaya.
Andyan din syempre ang mga palarong pinoy na kahit malayo sa bansang pinas ay dapat ding makilala at malaro ng mga batang dito na ipinanganak at nagsilaki.
pabitin……
palosebo……
Bonding with friends…….
Two weeks before the school affair nagsabi na si Justin at Josh na kung pwede wala munang catering for that day, nagtatampo na kasi dahil lately lagi akong absent sa mga school programs nila. Si Josh super excited dahil nagplano pala silang magkakaklase na magtitinda daw sila ng anything during the family fun day. Ibili ko raw sya ng mga pwede nyang ibenta at mag rerent sya ng table sa school. Syempre medyo kunsintidor ang nanay so go…..
Tuwang-tuwa sya at medyo nalilito sa pagbibigay ng sukli kaya lagi lang ako sa tabi nya. Naiinis sya pag may mga friends kami na marami ang binibili..hahaha! ibang klaseng nagbebenta. Natuwa yung ninong nya na nakita syang may tindahan kaya bumili ng marami sa kanya, sabi ba naman, “Bakit nyo po inubos? Wala na akong ibebenta nyan.” Kaya after ilang oras lang wala na syang paninda.
After nya magtinda sya naman ang nag-ikot sa mga tindahan at namili, dala pati puhunan ko sa tindahan nya….hehehe.
Dito sya talagang excited, after nyang kumain ng lunch nag prepare na sya for their basketball exhibition. Ilang months na rin sila ni Justin na nag-aattend ng basketball clinic sa school pero ngayon lang namin sila makikitang maglalaro. BTW, basketball clinic is free para sa mga students na gustong matuto….thanks sa may idea nito sa school

Uy! Kasali sya sa first 5 pero parang hindi yata sya nakatalon ….hehehe
Excited din ako na kinakabahan dahil baka kasi madapa sya sa pagtakbo or hingalin or mapagod….
Nakakatuwa yung panalo nila dahil last second ay na i-shoot ng kasama nila ang bola. Takot pa yatang humawak ng bola si Josh kaya hanggang depensa lang sya, sa laki nya pag hinarangan nya yung kalaban ay di na makalampas….hehehehe.
Napagod ako sa kaka cheer at kakatawa sa game nila, sabi nga nung announcer para daw “agawan ng buko”
Naglaro din si Justin pero sa medyo mas mataas na level na sila at medyo serious na laro. Sad nga sya kasi talo sila….better luck next time.


The family fun day was a success…..ang galing ng mga organizers….sana next year ganyan din kasaya!



















January 16th, 2010 - 1:58 pm
It sure looks fun! Nakakatuwang makita ang mga batang natutuwa at nagsasaya!
At least sa murang edad he’s already business-minded. The only thing to teach him now is how not to spend the profits including mommy’s puhunan. Hehe.
January 17th, 2010 - 11:36 am
Hey Ann! Buti naman at naka-update ka na.
Nakakatuwa ang iyong kwento. Gusto ko yung idea of letting the students sell stuff - masaya na, matututo pa sila maging business minded. Di bale ng nawala yung puhunan mo afterwards…hehehe!
Paki sabi kay Josh at Justin na buti magaling silang maglaro ng basketball… talo pa nila ako…hehehe!
Aabangan ko ang susunod na update.
January 17th, 2010 - 11:50 am
NEBZ,
Dati nga ang hirap nyan gisingin pero nung friday mabilis na naligo kasi nga ihahanda pa raw nya yung paninda nya….hehehe.
January 17th, 2010 - 11:54 am
KEITH,
Bigla ko lang na miss mag blog, sana nga maka-update na ako ng regular.
Aliw talaga akong nanood ng basketball nila, lalo si Josh can’t imagine na kaya nyang tumakbo buong 1st half ng laro. Paglabas nya tawag agad sa akin si Joel sa cell (nasa magkabilang court kasi kami) at bigyan ko raw agad ng tubig ang baby nya…hahaha!
January 17th, 2010 - 11:29 pm
Wow, ang saya-saya! Teka, for Pinoys lang ba ang family fun day na ito o for everyone?
Welcome back from your long vacation, Ann. I missed you and your interesting posts.
January 20th, 2010 - 12:29 am
Katuwa naman itong activity na ito - Pinoy na Pinoy at ang saya-saya!
As usual, panalo na naman ang kuwento tungkol kay Josh - hahaha!
Looking forward sa next get-together… ingat!
January 21st, 2010 - 6:08 pm
yay!tayo`y magbalik blog at wag naman puro fb,hehe
puro pinoy ba sa school nila?ang galing naman,ang laki pala ng population ng pinoy dyan?
kakatuwa talaga si bunso mo,at kitang kitang “maliit” sha compare sa iba ha?
January 23rd, 2010 - 12:39 pm
Ang saya naman! Kahit dito Pinas bihira na lang ako makakita ng palosebo. At may tindatindahan pa!
February 6th, 2010 - 12:25 am
waaaahhh ang saya saya, wala man lang ganyan dito sa France!!!!
kumusta sa lahat, ang lalaki na ng mga anak mo, haha
February 22nd, 2010 - 8:00 am
buti sis, kahit na nasa Moslem country ang mga kids, the parents really exerted their efforts to keep their lives normal at maintroduce sa kanila ang Pinoy culture..Kudos to you guys
March 5th, 2010 - 3:16 pm
Uy, tagal mo ng absent. Miss na miss ka na namin. Nasaan ka na Ann….
March 9th, 2010 - 12:16 pm
Ate Ann, sobrang nai-imagine ko kung paano ka mag-cheer noong nagba-basketball ang dalawang boys mo. For sure, halong palakpak, tawa, lundag at sigaw every time nasa kanila ang bola.
Ang saya ng event Ate Ann… talagang mukhang super enjoy lahat ng um-attend!
Happy Tuesday!
March 23rd, 2010 - 4:12 am
It has been 7 long years since i have since IPSA. It’s good to know that it has gotten better.. including the covered court.
We have had the family day since 1995 if memory serves me right. I was part of the original students who signed up for the bball clinic. Sina Mr. Mohammad Ho and my Dad pa dati. Also part of the first ever IPSA Bluebells, volleyball varsity.
So many memories
wish i could come back someday with my own family.
March 24th, 2010 - 1:16 pm
mareng hnd ya uso el myspace kay facebuk yayo pirmi. ara lng yo abre mi myspace hehe.. man add kmgo na face book. si OJ chne ya facebook pati si rizza.
March 24th, 2010 - 2:16 pm
Sana makapanood din kami in the future hehe. Happy Monday and have a great week ahead!
April 15th, 2010 - 1:51 pm
I have been folowing your blog for 3 days and now I want to say that I like your article.
How do I to subscribe your blog? Waiting your next posting.
Regards,
Sam