Subscribe to Apple of my Eyes Subscribe to Apple of my Eyes's comments

Extended Vacation

Posted by anna. .

After Ramadan holidays ay excited na akong pumasok ang mga bata, sabi nga ni Josh bakit daw parang happy ako na papasok na sila. Sino kaya ang di magiging happy na mapapahinga ako sa kakaligpit ng bahay. Imagine almost 10 days din yung wala silang pasok.

Mga 2pm yata yun ng Friday ay may naresib akong text message at sabi extended daw ang vacation nila until October 17, it means 3 weeks more na wala silang pasok! Ang saya nila kahit hindi pa alam kung ano ang reason at ganun kahaba ang bakasyon ng lahat ng schools dito sa kingdom. Nalaman ko din later from a friend na utos daw ng Ministry of Education dito marami ang nagsilabas ng bansa noong holidays at bilang pag-iingat sa swine flu kaya self quarantine muna ang lahat.

Akala ko mapapahinga na ang mga computer at PSP sa bahay eh mas lalong humaba ang bakasyon. Kaya si Josh tuloy ang ligaya…….

joshinjured3

joshinjured2

Mabuti na lang at ginawang October 10 na lahat ng upper elementary at highschool kaya nakapasok na rin sila last Saturday. Na excite na rin sila dahil na rin siguro sa instant haba ng bakasyon. Kaya lang last Monday ay umuwi si KD na halos bitbitin na lang si Josh paakyat ng building namin at lalong lumakas ang pag-iyak noong tanungin ko kung ano ang nangyari.

Naitulak daw sya ng kaklase sa hagdanan ng stage (up to 2nd steps) habang naglalaro sila at medyo masama yung bagsak nya kaya di makalakad. Noong una ay hindi ko makita kung saan ang part na na sprain dahil lahat sa paa nya ay namamaga…hehehe. Pero kinagabihan ay lumabas na yung part na nabugbog at namamaga na talaga. Hindi na rin sya makalakad at umiiyak sa sakit.

joshinjured1

joshinjured

Paglabas pa lang nila sa pintuan ay wala na akong ipinagdarasal kundi sana safe silang makarating sa school at safe ding makabalik. Kaya lang minsan talagang di maiwasan ang mga ganitong insidente lalo at nakikipaglaro. Natuwa lang ako sa kanya dahil unang reaksyon ko ay tinanong ko kung sino ang tumulak sa kanya. Sabi nya, “Mama, friend ko sya at klasmeyt pero hindi naman nya sadya kasi nag lalaro kami pero nag sorry naman sya, saka tinulungan naman ako ng mga bff ko.”
What? anong bff?
“Ma, best friends forever yun.”

Tatlong araw lang sya nakapasok at ngayon ay bakasyon na naman….tagal pa naman magpagaling ng sprain….Sana maging ok na sya next week dahil examination na nila for second quarter.

12 Responses to “Extended Vacation”

  1. anna agustin

    kawawa naman si josh! but very good attitude! well done josh and get well soon!

  2. JO

    wawa naman si Josh.

  3. Kibi

    hi Anne,
    i bumped into your blog via Blog ni Ella(after ng DSWD expose nya), nasa Blog roll ka nya. i like the way you write. meron ka bang kilala na gusto mag-blog at wala syang medium to do that. since i’m too busy as a website designer, i can’t write regularly so kelangan ko lang contributors sa blog ko.. its http://www.mindspeaks.com if ok sau, pwede ka ba mag contribute ng article sa blog ko? …hehehe kung meron ka kilala he/she can contact me at my site blog or cell 09192991694. tanx Kibi

  4. nona

    aww, baet talaga ni Josh. Musta na ann? Musta na kaya ang mga tanim ko sa farmtown? Blocked pa rin FB dito. Long time no blog din ako. Nakakapanibago :D

  5. francesca

    mr adik sa pc si josh, lol

    yung photo niya shows too much emotion!

  6. Cielo

    hi sis, long time no hear…

    wawa naman s josh…

    hay naku ang mga bata, pag walang pasok psp at pc ang kaharap..si icko nga niregulate ko yung psp kasi piki ng pikit…

  7. MK

    Uy, ang haba naman ng bakasyon na yan. Musta na diyan - naapekto ba kayo ng Dubai World situation?

  8. Mang Kulas

    Ann,

    Merry Christmas and a Happy New Year!

  9. Web Design Dallas

    I would find discovering the local “color” of a place the most important — things that are off the tourist route and the real people that live in a place that would be the most satisfying if you were living on the road. some of my favorite travel shows where when the host discovered what can’t be seen by a tourist

  10. Marriage counseling Brisbane

    Excellent post and topic. People think it’s all about going on a vacation, but you still have to eat!

  11. Watch Hindi Movies

    nice blog article about this topic. this makes me ask a question though, so i dont really understand the relation of this topic and your entire blog. it just doesnt go together. But nontheless i found it very readable. Cheers, Rizwan

  12. tamil movies online

    The interface of some good places to watch online free movies usually arranges the movies in categories like action, horror, drama etc. other better ones will also have movies further arranged in different languages or countries of origin. This way you can choose whichever movies you want to download easily.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>