Napakabusy ng weekend namin. Sabi nga ni TK ay nakabakasyon daw yata kaming lahat. Nagkasabay kasi na may catering ako at the same time ay exams din ng mga bata sa school. May order sa akin na 200 pieces na lumpiang sariwa. Tinanggap ko yung order tutal weekend naman ,andyan si kd at may makakatulong ako. So nakapag grocery pa kami after mag dinner last Feb 14. Kinabukasan nag prepare na ako para mag cut ng mga vegetables. Biglang sumama naman ang pakiramdam ni kd. Akala ko simpleng sama lang ng katawan. Hala, hindi na makatayo, mataas na ang lagnat. Para akong biglang nagkaproblema, iniisip ko paano ko tatapusin lahat ang lulutuin eh kailangan yun ng 11am the next day.
Nag start ako magluto ng balat ng lumpia ng 5am. Imagine yung 75pcs ay 1 hour syang lulutuin, eh 215 ang nagawa ko, 3 hours na yun pa lang balat ang nagagawa. As expected 11am na hindi pa ako tapos magbalot, buti na lang pinatawag ko si kd sa hotel (reception) at tumawag daw yung parents nung bata (binyag) na medyo late na matatapos yung misa. Actually ninang ako dun sa binyagan kaya lang di na ako nakapunta sa simbahan.
Noong bilangin ko yung lumpia na nabalot ay nagulat ako dahil 195 pcs lang. Habang nagbabalot kasi ako ay kumakain na yung 3 bata dahil may pasobra namang 15pcs. Ganun karami ang nakain nila at sabi si Josh daw ang pinakamaraming nakain, hinayaan ko kasi silang kumain tutal gulay naman, di ko lang inasahan na ganun karami mauubos nila.
Last week naman ay may order for 100 persons na pagkain at kasama ang dessert. Gusto raw nila ng buko pandan. Kinunan ko ng picture para makita ni mmy lei at ate nina kung ano hitsura ng buko meat na ginagamit ko rito. Wala raw silang mahanap dun sa place nila.
Ito yung gamit ko na gulaman. I’m not promoting the product pero sa dami ng nasubukan kong gulaman sa kanya lang ako hiyang (parang commercial yata sa napkin yun..hahaha). Matigas kasi at makunat yung gulaman kaya hindi sya nadudurog pag hinalo na.
Kaong, Nata de Coco, condensed milk and cream
Ito yung nakalata na buko meat. Wala kasing nabibiling fresh dito.

Pero meron namang fresh na pandan leaves .
Haluin munang mabuti yung lahat ng ingredients bago ilagay yung gulaman para hindi madurog sa paghalo.
Mas masarap pa rin syempre kung fresh buko ang gagamitin kumpara sa gamit namin dito.
Narito nga pala yung ingredients para sa preparations ng buko pandan.
2 packs green gulaman
2 bottles kaong
1 bottle nata de coco
2 can buko meat
2 cups cream
1 can condensed milk
Pandan leaves
Just follow the instruction on how to prepare gulaman. Kung ano ang available sa place nyo. In my case I always use mr.gulaman jelly powder. Instead of using 6 cups water in each pack of jelly I use only 4.5 cups para mas firm ang gulaman. Kung walang fresh pandan leaves you can use pandan flavor.










February 17th, 2007 - 11:35 pm
Wala ding buko meat na ganyan dito sa amin. Strip lang ang meron. Thanks for sharing Ann.
February 18th, 2007 - 1:38 am
oi! 2nd ako? =))
sarap ng buko pandan! MmMmM..
paano mo pala niluluto ang fresh lumpia, ate ann?
ako din gumagawa ng jell-o dito lagi at ang nilalagay ko ay assorted fruits naman at minsan hinahalo ko sa yogurt.. pero walang umuorder
nyahahahaha…jk!
enjoy your weekend! hope kuya kd feels a little better now
February 18th, 2007 - 1:51 am
na-amaze naman ako don, de-latang buko meat? (e di… mahal siya?)
paturo ako sa iyo ng mga sukat2 nyan ha, mama ann. pero hahanapin ko muna yang megalicious na yan. ngayon ko lang nakita yan e, parang wala niyan dito.
kumusta na si mang kd? sana magaling na siya.
February 18th, 2007 - 4:11 am
wow, sarap naman ng buko pandan, ann! buti pa jan daming pinoy ingredients. miss ko na nata de coco. ;))
happy weekend!
February 18th, 2007 - 4:22 am
mommy ann, sana ok na si fafa KD. sarap ng buko pandan. pahingi kaunti para sa bday ng boypren ko =)
February 18th, 2007 - 6:43 am
napakagandang negosyo, nalilibang ka na masaya ka pa sa ginagawa mo. pwede pala kayong business partner ni kneeko, habang ikaw nag po provide ng food, siya naman taga pictur piktur
February 18th, 2007 - 7:58 am
dami orders ahh.. magandang sideline talaga. at saka love mo din naman ang magluto. kumusta naman hubby mo? sana ok na xa… tc always.
February 18th, 2007 - 12:02 pm
Buti nakakakaya mo magluto ng mag isa ate ann. Lalo na may sakit pa si kuya KD. Mukang masasarap yan ah.
Sana ok na si kuya KD.
Takaw ni Josh. Haha!
February 18th, 2007 - 12:39 pm
Favorite ko ang lumpiang sariwa… promise! Kapag may handaan sa bahay, ‘di ‘yan nawawala sa mga niluluto ng mother ko. Tulad ng mga kids mo, marami to you and to rin akong nakakain kapag ganu’n.
Buko Pandan… feel na feel ko ang summer kapag may nakikita akong buko pandan. Gusto kong matikman ‘yung buko pandan mo ‘Te Ann… kasi parang iba siya sa nakakain ko rito. ‘Yung buko pandan na nakakain ko rito, may sago at walang kaong at nata de coco… ‘yung sa’yo, meron… mukhang special ‘yung sa’yo!
Happy Sunday to your whole family ‘Te Ann, and get well to KD!
February 18th, 2007 - 3:27 pm
meron palang naka-lata na buco meat.
February 18th, 2007 - 3:55 pm
Hi Ann, Thanks for your email telling me you have a post about buko pandan. Nasa Pinas pa ako with my hubby. Mayron ba dito ng Mr Gulaman brand? I was planning to buy Alsa gulaman brand. I plan to make some when we get back to California next week. God bless!
February 18th, 2007 - 4:00 pm
Parang bigla akong nag-crave sa buko pandan ah! Hehehe
Hindi ako mahilig sa lumpiang sariwa. Pero sa fish lumpia, oo
Sana magaling na si manong KD.
February 18th, 2007 - 4:50 pm
wahhh!
wala ngang buko meat dito, ang hirap naman!!!
lalo tuloy akong nagutom
February 18th, 2007 - 6:33 pm
ang tyaga mo. pwede bang mag-order online? hehe.. pa-express na lang. hihi…
February 18th, 2007 - 7:44 pm
d ba talaga kita nalang kami ni kd sa border tapos hagis nalang nya? bwahahahaha
February 18th, 2007 - 7:58 pm
kamusta na po si mang kd? ok na siya? sana naman…
kapampangan ka ate ann diba? ang sarap mo siguro talaga magluto at mukang sikat ka sa mga kabayan natin jan sa al khobar. sana dito nalang kayo sa bahrain, para maka-order kame parati! o kaya makiki-kain nalang sa bahay niyo, hehe. joke!
mahilig ako sa lumpiang sariwa at buko pandan!! dito ang buko pandan, walang buko. ewan ko ba, dapat pandan nalang tawag, hehe. nagugutom tuloy ako!!
February 18th, 2007 - 8:02 pm
Buti naman at may natira pa sa lumpya mommy Ann hehehe may tatlong pusa pala na itim ang ulo .LOL
sarap naman nyan, galing talga ni mommy Ann sarap mong maging kapitbahay hehhehe
Happy weekend jan, ay samin pala tapos na pala weekend nyo.
February 19th, 2007 - 12:28 am
wow! nakalatang buko meat! As usual, dito puro buko na fresh talaga ang makikita…
February 19th, 2007 - 2:51 am
aw! sarap naman yan ann
sige try ko kung may mabili akong ingredients sa montreal! tnx for sharing !
February 19th, 2007 - 3:26 am
Tandali dimo naman tinuro pano iluto e! Ung gulaman diba lulutuin muna? ung pandan leaves pakukuluin ganun?
tapos paghahaluan lang? wala ng lutuan? ireref lang? hmm basta palamigin lang ung mixed ingridients, tapus, tapos na? diba yan nilulutong parang leche plan? nyhahh
totoo nga gusto kolang malaman from start to finish.. email mu sakin heheh sarap
February 19th, 2007 - 3:31 am
tsalapppp! hrhrhr
siguro kasing sarap yan ng buko pandan sa Max
February 19th, 2007 - 4:16 am
Penge!
February 19th, 2007 - 7:30 am
I was blog hopping i hope you don’t mind me leaving you a comment..ang sarap naman ng buko pandan gosh nakakagutom tuloy
February 19th, 2007 - 7:57 am
Iniisip ko kung ano ang lasa ng buko pandan. Hindi ko pa yata yan natitikman. Ang alam ko lang ay ice-buko o yun buko na nilalagay sa ibabaw ng rice cake. Sa picture palang parang napakasarap na nya. Yan siguro ang i-rerequest ko sa next Filipino gathering dito para naman alam ko kung ano ang na mimiss ko.
February 19th, 2007 - 9:08 am
i hope you don’t mind Ann I’ll add you up okey..btw to answer your question..about my girls pag may migraines ako usually I would call hubby if he is in town pag wala at nde ko talagah kaya I call my bestfriend sya lang kasi din friend ko d2 all my relatives are back in san francisco
February 19th, 2007 - 9:10 am
mas type ko rin ang buko pandan kesa sa buko salad with fruit cocktail…medyo maasim kasi kapag may cocktail.
at least may nabibili diyan na buko meat in can,pareho lang ba ang lasa?
sarap, naengganyo tuloy akong gumawa hehe..
February 19th, 2007 - 10:16 am
buti meron dyan buko meat sa lata
may nagtatanim din dyan ng pandan?
fave ko ang lumpiang sariwa..hhmmmmm yummy!!
February 19th, 2007 - 10:32 am
may business ka pala? ayos ah.
nagutom bigla ako sa entry mo. hehehe…
February 19th, 2007 - 10:34 am
tsalap tsalap!
nag uwi din ako nun ng mr. gulaman oks siya kasi yung iba nalulusaw. may frozen at fresh buko pati pandan leaves sa asian shop dito. may nakita ako sa pinas na pandan flavoring pero mas oks pa rin yung fresh leaves.
February 19th, 2007 - 11:32 am
Meron ka bang recipe and procedure nito Ann? Paborito ko ang buko pandan. Cgurado ako, masarap ang recipe mo. Paki email kung ok lang sau, magluluto ako nyan. Fresh buko talaga ang gagamitin ko.
February 19th, 2007 - 12:12 pm
galeng naman ng business mo?catering!
pa-order nga ako!
ganyan din dito puro de lata,at kita ko sa pics parang pareho din ng mga tinda rito.dito kahit hindi rin fresh ang gamitin talo-talo na!!! hahaha
February 19th, 2007 - 3:19 pm
Mukhang masarap ang buko pandan mo ann. Hindi ko alam kung may nabibili ditong buko meat na ganyan. Bihira kasi akong mamili sa Pilipino store dito. Bukod as malayo sa amin eh mahal din ang bilihin.
Ang nabibili ko dito sa grocery store namin eh yung buko juice na may kasama ring konting buko meat. Kaya lang minsan din lang ako bumili nuon dahil medyo mahal.
February 19th, 2007 - 3:33 pm
@Agring,
Ano yung strip? Yun ba yung macapuno na nasa bote, medyo matigas kasi ang meat nun at di masarap sa buko pandan.
@Dangkin,
Wala bang order..hahaha! Kasi namam maasim na nga yung assorted fruits mo maasim pa rin yung yoghurt. Email ko syo yung lumpia recipe ko ha.
@Cess,
Dyan nga yan nabibili sa pinas, hanapin mo kasi yan ang da best…hehehe.
Yung isang can ng buko meat ay SR4.50(P63). Yung nakikita mong meat na nasa strainer ay bale 4 na can na yun kase yung kalahati ng laman ng lata ay sabaw.
February 19th, 2007 - 4:18 pm
@Era,
Halos meron na nga rito basta mga preserved na ganyan, last time nga nakita ko sa tv meron na rin daw boneless bangus from pangasinan although wala pa dito sa place namin pero nakapasok na raw ng saudi.
@Ria,
Ok na si kd , nakapasok na sya kahapon. Kumuha ka na ryan dagdagan mo na..hahaha!
@Iskoo,
Maganda talagang business ang pagkain. Maganda ang kita. Ayokong business pakner si daga…hehehe.
@Tina,
Noong una nga parang libangan lang kasi nakakainip talaga yung maghapon. Di ko rin in expect na magiging magandang negosyo ito rito.
February 19th, 2007 - 4:26 pm
@Tin,
Madalang talaga ako mag accept ng orders pag hindi weekend at mahihirapan talaga akong mag-isa. Unang-una na sa delivery.
@Wendy,
Masarap talaga ang lumpiang sariwa lalo pag tama ang timpla ng pagkakagawa ng sauce nya.
May natikman na rin ako sa chowking na may sago yung buko pandan nila. Pag kasi commercial ay tinitipid na sa sangkap kaya siguro walang masyadong timpla.
@Tani,
Wala kasing fresh dito, made in thailand yung buko meat na nakalata rito.
@Ate Nina,
Nagulat nga ako nasa pinas ka pala. Meron dyan yung mr.gulaman, di ko masyado gusto yung alsa, medyo malambot kasi sya.
@Sasha,
Sarap nga ang fish lumpia, nagluluto dati ang mother ko noon. Di ko lang matandaan yung isdang gamit nya.
February 19th, 2007 - 4:34 pm
@Mmy-lei,
Saluhin mo sa boarder at papabato ko kay kd…hahaha!
@Evi,
Alam mo ba first time ko mag accept ng order ng lumpia na yan noon eh nasabi ko na di na ako uulit, napaka matrabaho talaga. Kaya lang sayang naman kaya umulit ako…hehehe
@Gracita,
Oo, cabalen nga ako. Para ka palang si mmy lei maggawa ng buko pandan, walang buko kaya jelly salad na lang. Ok na si kd medyo tinamaan lang nang pagpapalit ng panahon.
@Ethel,
Si Josh yung napakalaking pusa na maitim ang ulo…hahaha! Lalo kapag fish fillet ang niluluto ko dapat ang lagayan andun sa mataas na di maaabot ng pusa kundi baka puro sauce ng sweet and sour na lang yung mai deliver ko.
February 19th, 2007 - 7:21 pm
Ann, share mo naman ang proportions. I was bloghopping here yesterday then went to the asian market. May nakita akong buko pandan gels, and I thought of you immediately. I’d like to try making this one time. Share mo naman ang recipe:)
I love fresh lumpia too, I don’t blame the kids for eating it up. Oh, and healthy naman, diba?
February 19th, 2007 - 11:45 pm
napaka sweet :)ang sarap ng buko pandan sigurado.
February 20th, 2007 - 12:34 am
@Jho,
Mas ok nga sa buko pandan ang fresh, iba yung lasa talaga. Dito wala kaming choice.
@Eden,
Yun nga rin pala ang problema sa inyo no? Yung availability ng ingredients.
@Tikey,
Yung box kasi ng gulaman may instruction dun, depende sa mabibili mo yung sukat ng tubig. Kung pandan leaves gagamitin mo pakuluan mo muna yung water, then palamigin mo ulit, tanggalin mo yung leaves. Pag malamig na dun mo ihalo yung jelly powder,then init mo ulit wag na pakuluan pa, lagi mog hahaluin. Lagay mo na sa lalagyan at palamigin sa ref para madaling tumigas.Pero kung yung bar ang gagamitin mo dapat pakuluan mo yung tubig talaga para madurog yung gulaman bar.
February 20th, 2007 - 12:59 am
kakatakam naman nyan.. and im sure the lumpiang sariwa is as yummy kaya nakarami na naman si josh.. hmm, now you get me craving for pinoy foods!
February 20th, 2007 - 12:59 am
@Verns,
Di ko pa natikman yung sa max,sa chowking pa lang. Next vacation try ko.
@MK,
Feel at home.Kuha na, pwedeng take home…hehehe.
@Joyce,
Sarap lang kumain pag buntis eh no? Di uso ang diet.
Ramdam ko rin kasi ang hirap dito kapag nagkakasakit ako, kawawa mga kids. Napipilitang mag leave ang husband ko.
I’ll link you too. Thanks.
@Mon,
Try mo sya tikman, masarap sya talaga…hehehe. Kung dati ay solo ng fruit salad ang pagka #1 sa dessert ngayon may karibal na sya.
@Nona,
Same lang yung meat nya, malambot din. Kaya lang iba na yung lasa ng kaunti dahil yung sabaw nya ay manamis-namis na at syempre may preservatives na rin.
@Tekla,
Walang nagtatanim dito, imported pa yan from India yata. Alam ko kasi yung pandan sa basang place yan dapat nakatanim di ba? Wala akong makitang basang lupa dito…hehehe.
February 20th, 2007 - 2:03 am
ang sarap-sarap naman… hihintayin ko ang time na ipagluluto mo ako ng ganyan mommy ann! nyahahaha! mukhang masarap… yummmyyy!!
pareho kayo ni nanay ng gamit… si mr. gulaman din! hehehehe! makunat kasi yan pag naluto… saraaaaaap!!!
February 20th, 2007 - 3:51 am
sa next vacation sama ako sa Max hrhrhrhr
Pero in fairness iba pa rin ang gawa sa bahay kesa sa mga commercialized di ba
February 20th, 2007 - 7:18 am
Wow, business woman ka pala. My sister cooks ham for Christmas and sell it and my sister-in-law naman cooks kare-kare, palabok, lumpiang shanghai pag may umorder. Kaya ako, order sa kanila pag may celebrations dito sa bahay.
I hope KD is feeling better.
And the Valentine’s gifts for you below are i’m sure priceless. How sweet!
February 20th, 2007 - 7:29 am
masarap din samalamig (juice) na buko pandan, yung gata ng niyog lalagyan ng tubig at arniba na may green gumalam at pandan extract.
February 20th, 2007 - 9:47 am
Naku, yung byenan ko e ang galing gumawa ng sariwang lumpia. Tubong Dolores, Quezon sila. So parang talagang handed down thru generations yung recipe. Sarap.
Ok rin yang buko pandan ah! May recipe pa! Nagiging food blog na rin yata dito hehehe
February 20th, 2007 - 3:55 pm
masyadong matrabaho pala ang lumpiang shanghai,at napagtripan nang husto ng mga bata ha?ang daming nakain?hahaha!
yan pala ang buko pandan,buti nga jan,may mabibilihang buko at pandan,dito wla yata o di lang ako magaling na researcher
February 20th, 2007 - 6:11 pm
bakit parang ang dami yata nung pandan leaves? hmmnn mahal yang gulaman mo kasi imported from philippines pa yan
feeling ko masarap yang buko pandan mo 
February 20th, 2007 - 6:32 pm
Hi Ann, Uuwi na kami bukas - wala akong nakita na Mr Gulaman - Alsa lang ang uwi ko pabalik. Nagattend lang kami ng golden anniversary reunion ng fraternity mg husband ko. Miss na namin ang mga anak namin.
February 20th, 2007 - 10:46 pm
Ann,
Ang natitikman kong buko pandan, (hanggang Cebu pa to) ay plain buko at gulaman lang. Ngayon ko lang nalaman na pwede palang may kaong at nata de coco. Parang buko salad, pandan flavor nga lang.
I just loooooove buco pandan. Pwede yata akong kumain ng isang balde niyan.
February 21st, 2007 - 7:44 am
@Malaine,
Libangan lang noong una sana para bawas homesick, di ko rin in expect na magiging business later on.
@Juana,
Kaya tuloy laging out of stock yung mr.gulaman kasi nga dami ring nagpapabili abroad. Buti pa ryan merong frozen buko, yung nakalata rito medyo iba na rin ang lasa talaga sa kumpara sa fresh.
@Raquel,
Sige try mo yan habang nasa pilipinas ka para masatisfy talaga ang taste buds mo. Iba talaga pag yung original recipe na fresh buko ang gagamitin.
@Yorokobee,
Wala kasi tayong choice di ba? Kaya kahit alam nating puro preservatives eh talu-talo na nga…hehehe.
February 21st, 2007 - 8:14 am
@Niceheart,
Dito halos nasa triple na yung price ng mga filipino foods kumpara sa pinas. Pero yung buco meat ay thailand made. Meron din yang buco juice na sinasabi mo pero iba talaga ang lasa ng fresh sa atin no?
@Jmom,
Basta fruits and vegetables libre silang kumain pero sa rice talagang may limit sila. Ilang years na rin silang on diet pero ang bagal magsipayat.
@LWS,
Sweet nga yan Jane…hehehe. Pero ako mas gusto ko yung hindi masyadong matamis sa buco pandan.
@Analyse,
Favorite nila talaga yung fresh lumpia, ayaw naman pag walang balot, gusto talaga andun yung home made na wrapper.
@Rho,
See! Hindi lahat ng makunat ay nakakainis, meron din palang makunat na nakakatuwa…hahaha! Maganda talaga sya para sa salad at hindi nga nadudurog. Dapat lang talaga maraming supply from pinas.
February 21st, 2007 - 10:11 pm
oh, now ko lang na-realize na wifey ka pala ni Mang KD!
mahilig din ako magluto. dunno kung merong lata ng buko strips dito sa bahrain. ayan, bigla ko tuloy na-miss ang buko pandan!
February 21st, 2007 - 11:08 pm
Favorite ni Lolo Michel ang buko pandan, first time niya natikman sa max fried chicken, sa manila.
Galing mo sa recipe and cuisine Ann, pag dto ka sa France, talo mo pa mga chinese resto dito.
Besides, if dito ka sa Monaco, nakupo, pag aagawan ka, baka di lang 200 plus lumpia magawa mo, baka more than that!
yung gawa ko nga pinagtyagaan ng Madame ko, lalo na siguro sa iyo…
Teka, manenok nga mga recipes mo, lol
February 22nd, 2007 - 9:34 am
Ann, sana pwede din ako mag-order sa’yo… favorite ko ‘yan… buko pandan and fresh lumpia… haaaaaay! Padala mo naman dito.
February 22nd, 2007 - 12:49 pm
mukhang ang sarap! mapili ako sa buko pandan, kse minsan may lasa sya na di ko gusto.
bket walang picture nung lumpia?
kamusta na si kd?
February 22nd, 2007 - 4:33 pm
uhmm its looks yummy!
February 23rd, 2007 - 2:46 am
Magandang araw sayu aking MMy Ann! muahhhhhh
February 24th, 2007 - 10:48 am
@Verns,
Sige EB tayo sa bakasyon, kita tayo sa Max Pata matikman yang buko pandan nila…hehehe.
@Leah,
Ganyan lang din ako nag start, nahihiya pa kasi ako noong una kaya sa mga close friends lang talaga ako nagluluto.
@Iskoo,
May nakita rin nga akong recipe na may gata yung buko pandan. Masarap nga rin siguro, minsan try ko rin sya.
@Watson,
Iba talaga lumpia sa atin kasi ang gamit nila ay ubod di ba? Meron ding ubod dito pero parang mapanghi ang lasa…hehehe. Naka preserved na kasi sa bote kaya iba yung amoy.
@Ghee,
Usually nasa mga asian stores yan. Matrabaho talaga ang lumpiang sariwa dahil sa pambalot na gamit.
@Melai,
Yung pandan kasi naka pack na yun SR2/pck, pero tama ka marami nga kasi di ko sya lahat nagamit.
February 24th, 2007 - 11:24 am
@Ate Nina,
Sayang di ka pala nakabili ng mr.gulaman, di bale pag nagluto ka ng gulaman bawasan mo na lang ng konti yung tubig sa sukat para medyo matigas yung gelly.
Ingat sa byahe.
@Ella,
Naku, lagot ang figure mo sa isang baldeng buko pandan…hehehe. May natikman ako last thursday buko, gulaman at sago lang sya pero kulay red, ang sarap! Tatanungin ko muna dun sa gumawa kung paano ang timpla para masubukan din.
@Pao,
Oo nga, ako yung dakilang maybahay ni kd…hehehe.
Meron siguro rin dyan sa mga asian stores. O kaya sa filipino food section ng mga supermaket.
@Francesca,
Marami nga nagkakagusto sa buko pandan kasi siguro nagsasawa na rin sa laging fruit salad.
Di ko kakayanin dyan sa France, nababasa ko sa blog mo ang hirap pala nila kausapin…hahaha!
@Toe,
Sirain pa naman yan pareho , di pwedeng ipabagahe papuntang cambodia…hehehe.
@Tin-tin,
Habang gumagawa ako ng lumpia noon wala na akong time magpicture pa dahil late na ako sa time ng delivery.
@Niine,
Hello! Try it! It’s really yummy. Thanks for the visit.
@Tikey,
Nahawa ako kay kd…huhuhu.
February 26th, 2007 - 4:21 pm
Buti naman at natapos mong gawin ang mga sariwang lumpia… maramihan talaga ang catering mo, tapos kaw lang gumagawa?? astig…
February 26th, 2007 - 6:28 pm
Oo Ann yon yong macapuno na nasa jar.
February 26th, 2007 - 11:13 pm
Hello Ann kinopya ko ha, at baka kako lang sa sommer makagawa nito, hanapin ko nga dito kung meron si mr gulaman, at wala rin ako makita dito buko kahit sa lata at pwuede naman yata na wala buko ano? ang pandan tingnan ko rin kung meron din dito……. ang sarap sa niloto mo at na miss ko tuloy hehehehe
March 17th, 2009 - 9:59 pm
Thanks for the recipe Im going to give this one a try
Yogurt Makers last blog post..Tribest Yolife Yogurt Maker