Subscribe to Apple of my Eyes Subscribe to Apple of my Eyes's comments

TAG from Liza

Posted by anna. .

Ann, may tag ako sa ‘yo. Interesting kase eh, di bale na ibang utang mo hehe, ito na lang ang gawin mo pag di ka na busy.”

Parang naguilty naman ako rito…hehehe. Ang dami ko na kasing utang na tag sa kanya. Kaya gagawin ko na ito .

The question is, What is your greatest fear as a mommy?

Kahit siguro sinong nanay laging andun yung fear na mawala sa kanya ang mga anak o sya naman ang mahiwalay agad sa mga anak.

Eight years ago, dalawa pa lang kids ko noon (ages 5 and 1). Nagpa general check-up ako dahil sa irregular monthly period ko. After namin makuha yung resulta, ok naman lahat maliban sa ultra sound na kailangan daw kami makausap ng doktor. May nakita raw kasing bukol o cyst sa matris at kailangang ulitin ang ultra sound. Binigyan kami ng referral sa ibang doktor. Kinabahan ako dahil sa mga nababasa ko na wala naman daw usually symptoms ang ovarian cancer.

After ko ma ultra sound ulit, pinaghintay kami ng mga 2 hours para sa result. Habang naka-upo kami ni kd sa waiting room hindi kami nagkikibuan. Para bang 2 days yung 2 hours na paghihintay. Ang daming pumasok sa isip ko. Paano kung cancer ang sakit ko? Paano kung mamamatay na pala ako? Naisip ko mga bata, isang 5 at 1 yr old, napaka-aga pa para mawalan ng nanay. Sino mag-aalaga sa kanila? Kaya bang ibigay ng iba yung pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanila?

Sabi ko nga kay kd noon, kung sakali at mag-aasawa sya ulit sana wag yung aapihin ang mga anak ko dahil babalikan ko sila…hehehe. I’m serious Nagalit pa nga sya sa akin dahil ang layo na pala nang narating ng isip ko.

Pagpasok namin sa doctor’s room, nakangiti yung doktor at sabi nya ,”There’s nothing to worry about. Everything is fine , just an ordinary cyst found in every woman’s uterus.” Parang ang gaan ng pakiramdam ko noon. We really thanked God for that.

Ang dami palang klase ng ovarian cyst, at yung nakita sa akin ay ganito ang explanation ng doktor, “A corpus luteum cyst, another type of functional cyst, forms if the sac doesn’t dissolve. Instead, the sac seals off after the egg is released. Fluid then builds up inside of it. This type of cyst usually goes away on its own after a few weeks. However, it can grow to almost four inches and may bleed or twist the ovary and cause pain. Clomid or Serophene, which are drugs used to induce ovulation, can raise the risk of getting this type of cyst. These cysts are almost never associated with cancer. “

Nag clomid nga pala ako noon para mabuntis kaya siguro nagkaroon ako ng ganitong klase ng ovarian cyst. From then on I make sure na regular ang check-up ko. Reminder sa mga nanay na tulad ko, pap smear is necessary kahit at least once a year.

30 Responses to “TAG from Liza”

  1. Pao

    hey! i’m first. :)

  2. Pao

    ako naman ang worry ko nung di pa kami nakakabuo eh, “shet, baka ako ang baog?!” nagpa-test din kasi si H & ok sya. buti na lang heto’t nakabuo na! :lol:

  3. analyse

    ako naman, takot akong mawala si louna while we’re out, ayaw kasing pahawak ng kamay.. so now, i put a piece of paper in her pocket with our address and phone number, buti na ang sigurado..

    but thanks to the reminder, i need to take an appointment sa ob ko..

  4. liza

    Wow! Hindi ko ineexpect na ganito kabilis.. hehe. At extra pa ako dun sa taas huh. I’m glad at ganun lang ang nangyari sa iyo at hindi iyong mga malalang ovarian cancer. Tama ka talaga me papsmear at least once a year.

    At dahil sa mabilis na paggawa mo ng tag punta ka mamaya sa A Simple Life me surprise ka duon, wink wink.

    Take care and Happy Sunday!

  5. tikey

    Sabi nga nila importante yang popsmear nayan. Diko pa na try e! pero probably i try koyan next year.. hehe!

  6. mousey

    katakot nga mga sakit na may bukol ang unang naiisip cancer na.

    mabuti mama ann ganun lang naging case mo.

  7. Anie

    Alam mo Ate Ann, one of my sister’s students lost his Mom to something close as ovarian cancer. The kid is in preparatory level. He’s 6 and pretty much without a mom. Kaya nga necessary talaga ang check-ups eh. Glad to know things are well for you and your family.

  8. Aisha

    hi sis
    remember me? hehehe
    link-exchange? xD
    ay nko kung ako un mttkot dn ako
    but buti nlng ok lng pla hehe

  9. maxi

    hi mommy ann!
    I’ve been through a lot of test and surgeries because of cysts that turned to cancer, i knew the feeling, right now I’m proud to say that I am a survivor!
    Hope all is well in your side of the world and Merry Christmas to your family too.

  10. verns

    ahhh scary. Naalala ko tuloy yung Mama ko. Grade school pa lang ako noon. When I went to her classroom I saw her crying so hard. She had something kinda serious pala. I was too young to understand but I saw the fear in her eyes that I also started crying. Medication healed her of course but it was a scary moment. I can’t imagine losing my mother.

  11. Tina Ballesteros

    hi ann!

    musta ka na? kagagaling ko sa ob gyne ko for the paps (so timing naman tong post mo…hehehe). thanks dito sa post mo ann, di rin ako mabuntis buntis noon, tapos may pinainom yung ob gyne ko sa akin na di ko na matanda- tandaan… now i reminded, clomid pala yun… and we really thank God talaga, may Jo-Lo na kami.;)

  12. tina

    at least all is well… buti naman at di un delikado. it helps to have check ups ;p

    advance merry xmas!

  13. malaya

    mahirap talagang mawalan kahit sa ano pang paraan kaya siguro dapat paghandaan at gawing special ang bawat araw kasi di na natin mare-rewind ang nakaraan.
    naka-sked na rin ako ng pap smear after two weeks.

  14. Tani

    another effect of Clomid is multiple pregnancies. buti hindi ka nagkaroon ng twins or triplets. pero ok din siguro kung madami ka anak at sabay sabay sila lumabas. :)
    nagusap na din kami ng husband ko ng ganyan (kahit wala ako naging sakit) na kung mamamatay ako, ok lang sa akin magasawa siya basta hindi aapihin ang mga anak ko. lahat naman ng matinong nanay hangad na mabuhay ng matagal para sa kanyang mga anak.

  15. Tani

    Ann, I moved na nga pala to wordpress. :)

  16. Mari

    That is scary. Good it turned out to be one of those things.

  17. rHo

    buti na lang pala at yearly ang pap smear ko pero irregular pa rin ang dating ng buwanang dalaw! pero nakakatakot mag-take ng kung ano-anong gamot noh? aynaku…

  18. razberry

    dapat nga siguro nag papap smear.. si chloe(my baby dog) nga pinapap smear e..hehehehe.

    fear ko talaga na mawala si chloe, anak ko un..aheheheh.. naimagine ko nun niloko ako ni bro na sinugod sa hospital, putik, iyak ako ng iyak… toink!!! nauwi sa aso ang usapan…hahaha

    kung magkakababy ako ng totoo, naku, greatest fear ko yata ang mapariwara sila..

  19. nona

    kakatakot, minsan kapag nakakarinig ako ng mga sakit sakit..nagiging hypochondriac ako.
    Ingat…

  20. lady cess

    i understand na lumilipad na yung utak natin kung saan2 when faced with something that could turn out bad. ganyan din ako. hindi maiwasan kasi nga may anak na tayo :)

  21. Tin

    naku, buti na lang at hindi malala yung cyst na yan. Blessing parin! Hehe. :)

  22. Raquel

    Very intersting talaga, greatest fear as a mommy.

    Buti nalang false alarn yun Ann. Ang auntie ko, sabi ng doki, stage three na daw cnacer nya pero nagpa tingin sya uli sa ibang doctor, stage one lang. Iba-iba talaga ang findings.

    Ang mama ko naman nalaman nyang may cancer sya ay nasa stage four na. No symtoms at all, yun ang nakakatakot.

  23. Raquel

    May nakalimutan ako Ann, True Blue Award for you.

  24. niceheart

    That is also my greatest fear, ann. Yung maiwan ko yung mga anak ko. Kaya siguro hindi ako matutong mag-drive dahil naiisip ko, paano kung maaksidente ako. Sino’ng mag-aalaga ng mga anak ko. I know, it sounds silly. Pero ganuon talaga ako.

  25. Pinky

    I also had an ovarian cyst when I was 15. At that age, natakot na akong baka dahil sa cyst, di na ako magka-anak. Buti na lang, God is good - 3 na ang “gremlins” namin ngayon! :)

  26. era

    yun din ang takot ko.

    buti normal lang n cyst ano?

  27. tin-tin

    wala ngang symptoms ang ovarian cyst noh? ako natanggalan na ng isang ovary, nung 20 (turning 21 in 3 months) years old ako. wala lang.. nagpatingin lang ako sa byne kse may bleeding ako bigla. ayun! may malaking cyst na pala ako. weird talaga. wala din sinabing cause yung sa akin. i don’t drink pills or whatsoever kaya weird talga

  28. nance

    glad to hear that the result was nothing to worry about.
    take care, Ann

  29. arnold cortney

    Hey everyone, i blasted my credit file to bits as a youngster, trust me you really need it later in life, for a home a holiday

  30. paulthe1

    This is a amazing blog , i am really impressed about this site. keep writting,good job !

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>