Subscribe to Apple of my Eyes Subscribe to Apple of my Eyes's comments

It’s Tin and Justin’s graduation day yesterday. Just like any other graduation ceremony lahat tayo ay excited na makita ang mga anak natin na umaakyat ng stage. And just like any valedictorian or guest speaker’s speech the phrase “this is not the end….this is only the beginning” is not new to us, lahat yata ng speech sa graduation meron nyan. Sabi nga ng isang kaibigan kahapon after the ceremony, “It is not common for a highschool and elementary graduation na maging too much emotional, pwede pa siguro sa college dahil on that stage kahit papaano alam mong talagang end na sya ng paghihirap mo sa pag-aaral.” Bakit nga ba ganun ka emotional ang pagtatapos ng highschool dito sa place namin?

DSC_6419g

DSC_6783g

DSC_6719g

DSC_7036g

On our part wherein all my kids were born here in Saudi Arabia, highschool graduation means separation. Wala naman kasing college school dito para sa kanila. Walang choice kundi umuwi ng Pilipinas at mahiwalay talaga sa magulang. For fifteen years na kasama namin dito si Tin-tin, this will be the first time na mawawalay sya sa amin nang matagal. Ang dami kong nababasang status sa facebook ng countdown sa pag-uwi nila sa pinas dahil sa excitement na makita syempre ang pamilya. It is not that I am not excited to go home but this one is different. Pagbalik namin dito after vacation hindi na namin kasama si Tin dahil kailangan na nya maiwan sa pinas.

Iba-iba ang emotions na makikita mo sa graduation kahapon. May masaya…..may malungkot….may parang wala lang……may umiiyak……may nakita rin akong sa simula pa lang ng ceremony ay nagpapahid na ng luha at nung time na patapos na ay hagulgol na sya. I can relate dahil kahi’t anong sabi ko sa sarili ko na I will not cry ay napaiyak pa rin ako.

DSC_6993g

DSC_7000g

DSC_6996g

May part kasi sa ceremony na after nilang kumanta ng farewell song ay lalapit sa parents at mag-aabot ng flowers. Malayo pa si Tin ay nakita ko na namumula na ang mata nya. Sabi ko it’s ok wag na sya umiyak at sandali lang naman ang 5 months at babalik rin sya dito para magbakasyon. Nakuhanan pa ni kd ng picture ang paglapit nya sa akin pero lalong umiyak si Tin nung makita nya Dada nya na umiiyak na rin at yumakap sa kanya. Ilang minuto rin yung napaka emotional part ng graduation ceremony bago nabalik sa normal at tinapos na ang programa.

DSC_7004g

DSC_7006g

DSC_7005g

DSC_7008g

DSC_7016g
(Trying not to cry here….)

Two years ago pinag-uusapan na namin ang pag-uwi nya pero ako ang madalas magsabi, “let’s not talk about it now….napakatagal pa nun.” Pero ang bilis ng panahon dahil ngayon na pala yun.

Tin is a very sweet daughter. She won’t forget to say, ” Goodnight ma, goodnight da, I love you” “Bye ma, I love you” everyday. But lately napansin ko mas sobra yung sweetness nya….dadaanan nya ako sa harap ng pc at yayakapin ng mahigpit and will say, “I love you” or will stay on our bed for a moment na nakayakap ng mahigpit. I know hindi man nya sinasabi alam kong nalulungkot na rin sya dahil malapit na syang umuwi. Sabi ko nga kay kd pagbalik namin dito ay ayokong sumama si Tin sa airport para maghatid sa amin at baka di ako makaalis. Mas gusto ko na maiwan na sya sa dorm at di na nya makita ang paglipad ng eroplano palayo.

I thought I won’t finish this post dahil pahid ako nang pahid ng luha habang nag tatype.