After Ramadan holidays ay excited na akong pumasok ang mga bata, sabi nga ni Josh bakit daw parang happy ako na papasok na sila. Sino kaya ang di magiging happy na mapapahinga ako sa kakaligpit ng bahay. Imagine almost 10 days din yung wala silang pasok.
Mga 2pm yata yun ng Friday ay may naresib akong text message at sabi extended daw ang vacation nila until October 17, it means 3 weeks more na wala silang pasok! Ang saya nila kahit hindi pa alam kung ano ang reason at ganun kahaba ang bakasyon ng lahat ng schools dito sa kingdom. Nalaman ko din later from a friend na utos daw ng Ministry of Education dito marami ang nagsilabas ng bansa noong holidays at bilang pag-iingat sa swine flu kaya self quarantine muna ang lahat.
Akala ko mapapahinga na ang mga computer at PSP sa bahay eh mas lalong humaba ang bakasyon. Kaya si Josh tuloy ang ligaya…….
Mabuti na lang at ginawang October 10 na lahat ng upper elementary at highschool kaya nakapasok na rin sila last Saturday. Na excite na rin sila dahil na rin siguro sa instant haba ng bakasyon. Kaya lang last Monday ay umuwi si KD na halos bitbitin na lang si Josh paakyat ng building namin at lalong lumakas ang pag-iyak noong tanungin ko kung ano ang nangyari.
Naitulak daw sya ng kaklase sa hagdanan ng stage (up to 2nd steps) habang naglalaro sila at medyo masama yung bagsak nya kaya di makalakad. Noong una ay hindi ko makita kung saan ang part na na sprain dahil lahat sa paa nya ay namamaga…hehehe. Pero kinagabihan ay lumabas na yung part na nabugbog at namamaga na talaga. Hindi na rin sya makalakad at umiiyak sa sakit.
Paglabas pa lang nila sa pintuan ay wala na akong ipinagdarasal kundi sana safe silang makarating sa school at safe ding makabalik. Kaya lang minsan talagang di maiwasan ang mga ganitong insidente lalo at nakikipaglaro. Natuwa lang ako sa kanya dahil unang reaksyon ko ay tinanong ko kung sino ang tumulak sa kanya. Sabi nya, “Mama, friend ko sya at klasmeyt pero hindi naman nya sadya kasi nag lalaro kami pero nag sorry naman sya, saka tinulungan naman ako ng mga bff ko.”
What? anong bff?
“Ma, best friends forever yun.”
Tatlong araw lang sya nakapasok at ngayon ay bakasyon na naman….tagal pa naman magpagaling ng sprain….Sana maging ok na sya next week dahil examination na nila for second quarter.






