Ang tagal ko rin palang walang update. Medyo nalibang kasi sa dami ng mga games sa facebook like farmtown,farmville,fish bowl, etc…. Naging farmer ako for a while, then naging mangingisda naman, ang hirap magtanim sa madaling-araw…hehehe. Pero addicting din pala ang mga games sa facebook kaya kung di nyo pa nasusubukan better na wag na at masakit sa mata.
Bakasyon pa rin kami dito sa Gitnang Silangan dahil sa selebrasyon ng pagtatapos ng Ramadan. Although hindi kami mga “M” syempre kasama rin kami sa mga walang pasok (para namang may pasok ako). Imagine from September 17-25 ay walang pasok kaya hirap din mag-isip kung saan-saan pwedeng gugulin yung bakasyon para di mainip sa bahay ang mga bata.
Nagswimming kami ulit sa Baher Beach Resort. Ang daming tao…di na pinayagan na pumasok pa yung iba. Mas marami kasi yung mga galing Riyadh na dumayo dito para makaligo sa beach (walang dagat sa riyadh). Feeling mo nasa Pilipinas ka lang dahil sa dami ng pinoy noong araw na yun. Kaya lang yung guard sa gate nagtaas ng fee, yung dating sr50/head naging sr75/head, alam kasi nila na dadagsa ang mga tao.


Kahapon naman ng gabi ay matyaga kaming naghintay sa taunang fireworks sa pagtatapos ng Ramadan, inabot kami ng alas dose ng gabi sa paghihintay sa wala. Tumambay na lang sa paboritong restaurant (Brasa de Brazil) kahit nag coffee lang.

Meet the good looking and very accomodating waiters of Brasa de Brazil….naks!






Pero kanina bumalik kami ulit sa corniche dahil may nakapagsabi na tuloy na raw ang fireworks, 8pm pa lang andun na kami para makakuha ng magandang anggulo. At around 10pm nakarinig na kami ng sunod-sunod na putukan…nagsimula na ang fireworks. Na miss ko bigla ang Pasko at New Year sa Pilipinas. Almost 30 minutes din siguro ang itinagal ng fireworks. Nag-enjoy ang mga bata dahil hindi naman kasi common dito sa saudi ang mga ganitong pagdiriwang.
Pictures taken by KD. ENJOY!










