Nagsimula sa isang simpleng tanong habang hinihintay naming mag green ang signal light,
“Ma, matraffic ba sa pilipinas?”
“Matraffic as in sobra. Napaka-init pa kapag summer.”
“Eh di sa Baguio na lang ako mag-aaral ng college.”
Parang kailan lang ay nagpost ako dito ng graduation ni tin-tin sa elementary. Then ngayon ay 4th year highschool na sya sa darating na pasukan. Soon to go in college….gusto raw nya ng course na international studies or maybe masscom. Ateneo, UP or La salle ang mga school choices nya. Napag-usapan na naming mag-asawa na hindi kami ang masusunod sa kursong gustong kunin ng mga anak namin. So nagplano kami ng bakasyon sana this year para makapag review sya for the college entrance examination.
Kaya lang, naiisip pa lang ni KD na malalayo sa amin si tin-tin ay puro negative thoughts na lahat ang naiisip nya, saan daw sya titira sa Manila? Paano raw pag nagkasakit eh pareho kaming nasa malayo? Paano sya sasabay sa buhay sa isang lugar na hindi naman nya kinalakihan? At marami pang paano?
Nalaman namin sa isang kakilala na may AMA College dito sa Bahrain (neighbor country) at doon pumapasok ang anak nya. Dinadalaw na lang nila weekly or yung bata ang umuuwi dito sa saudi pag weekends. One hour drive lang kasi kami from here to Bahrain. So nagpalit kami ng skedyul ng bakasyon, di na muna kami uuwi this year tutal kung sa Bahrain sya papasok di na nya kailangan pang mag review for college entrance exams. Which is a big mistake on our part dahil nag decide kaming mag-asawa without telling her. Hindi nga namin sya pipigilan sa anumang course na gusto nya pero kami rin pala ang pipili sa school na papasukan nya, parang ganun na rin yun di ba?
So, nung sabihin namin sa kanya yung plan, ang laki ng “ayaw” nya. Gusto raw nya sa pinas, gusto nya maranasan ang buhay college dun tulad ng mga nababasa, napapanood at nakukwento sa kanya. Para tuloy kaming nagkaproblema bigla. Kaya nga ba nyang magsolo?
Si kd medyo hindi pa kayang tanggapin na sooner or later talagang hihiwalay na sa amin si tin-tin, hindi dahil sa ayaw nya kaming makasama or hindi sya masaya na buo kami as family. I am trying to explain to him na kami rin naman noon nagplano para sa sarili, umalis at lumayo rin sa magulang noong mag-aral ng college, para planuhin yung buhay in the future.
Si Justin naiisip pa lang na sa pinas papasok si ate nya next year ay naiiyak na, mamimiss daw nya. Sabi ko huwag muna iyakan or problemahin yung bagay na matagal pa naman. Sabi ni kd kahit gaano yan katagal darating pa rin yan…..

















