Bakasyon na dito ng mga bata sa school mula pa noong 2nd week of March. Sayang nga at hindi kami uuwi ng pinas this year, gusto ko pa naman sanang maka-attend sa silver anniversary ng batch namin sa highschool. Ang saya sigurong makita ulit yung mga dating kaklase at kaibigan after 25 years.
Mula noong magbakasyon ang mga bata umiikot lang sa computer, psp at wii and buhay nila maghapon. After ng kani-kanilang mga assigned house chores kanya-kanyang pwesto na sa games. Si Tin-tin sa laptop, si Justin at Josh sa games at ako rin sa blog at FB…hehehe.
Distribution of report cards nga pala kahapon sa school. Sa bahay pa lang kabado na si Josh, ano raw kaya kung babalik sya sa grade 3? Sabi ko don’t worry di naman siguro dahil di naman kami pinatawag ng adviser nya. Then sa car pa lang sabi nya tanungin ko raw yung adviser nya kung pasado sya. Pagkakuha ko ng card binasa nya agad at ganito exactly ang sinabi nya,
“Oh! Bakit wala akong line of 7? Is this mine? You ask nga again teacher mama? wait I’ll check again…Joshua D. Salazar , see mama o akin nga. Kuya come, look wala akong line of 7.”
Sssshhh…wag ka kakong maingay, ang dami kayang tao sa gym. Dun kasi lahat ang kuhanan ng card ng buong level.
Noong una para akong laging upset at stressed kapag nag-aaral na kami ni josh, then tinanggap ko na lang na yun lang talaga ang kaya nya. Acceptance lang pala ang kailangan ko para maging masaya yung mga lessons namin kapag review time na. Masaya na ako na kahit lampas kalahati lang yung naiuuwi nya na score sa akin, more than that mas maraming bagay syang nagagawa para mapasaya kaming lahat.
Naalala nya bigla yung promise ko sa kanya na kapag wala syang line of 7 sa card ay may blow-out sya. Kaya after naming mag walking sa tabing dagat ay deretso sa kanilang favorite restaurant.




















