Subscribe to Apple of my Eyes Subscribe to Apple of my Eyes's comments

TFC Interview

Meron ba kayong facebook account? Kung wala pa sign up na at ito yata ang “in” ngayon. Lately kasi napapadalas akong tumambay dun dahil mas mabilis mag-update. At wala pang masyadong mga bogus accounts unlike sa friendster na pag naghanap ka ng piolo pascual ay 10 thousand accounts yata ang lalabas.

Last week nakilala ko sa facebook yung isa sa mga TFC correspondents dito sa KSA. Nag-uupdate ako sa facebook ng mga preparations para sa JS Prom ni Tin-tin. Nag-iwan ng comment si Mr. Raffy Beltran, sabi nya, “Well, my lens will find Tin-Tin on Friday! I will find you too! Hahaha!”

Then kagabi nga yung JS Prom ni Tin. After the program sabi ni tin,

“Ma, hinahanap kayo ni mr. raffy beltran kaya itinuro ko kayo.”

“What? Eh nakita ko nga sya kaya nagtatago ako eh.”

Sabagay sa dami ng mga tao di na ako makikita nun. So, noong nasa dining hall na lahat ng guests and promenaders, lumapit si tin at kasama nga si raffy at bitbit na yung camera nya. Di na ako nakaiwas.

raffy: Ann, konting interview lang ha…para like mother like daughter.

ann: Raffy naman eh, wag na ako…iba na lang saka kumakain pa ako eh.

raffy: sige kumain ka muna, hintayin kitang matapos.

ann: waahhh….pano ba ito? nagtatago na nga eh.

raffy: madali lang naman, sagutin mo lang itong tanong ko ” Bakit sa kabila ng global crisis sa ngayon ay willing pa rin kayong gumastos ng malaki para sa ganitong mga okasyon?”

ann: sige pero praktis muna ha….

ann: ay! Take 2! ….hehehe.

Raffy: Ok take na. Lapit mo yung mic syo at dito lang ang tingin ha!

Ann: Hay…natapos din. Pa picture muna tayo sandali at para ma i-blog kita. (makaganti man lang ako syo…hehehe.)

Josh is Back

Last valentine’s day sinundo namin mga bata sa school. Syempre kasama sila sa date namin that day. Sabi ni Josh, “Ma, I have something for you.” Inilabas nya sa lunch box nya yung ube cake na kakaunti na lang ang laman.

Gift daw nya sa akin kasi valentine’s nga. Kumakain daw sya ng recess bigla nyang naalala na valentine’s nga pala kaya nagtira sya para sa akin, o di ba? kahit tira lang very touching pa rin yung gesture nya. Mas naramdaman ko yung kanyang sincerity.

Sa favorite nilang pizza haus kami kumain. Gusto raw nila sa may terrace ng restaurant kumain para fresh air, kaso naman sobrang lamig ng hangin. At isa pa kaya ganito facial expression ni josh hindi siya maka concentrate sa pagkain dahil merong umaaligid sa tabi nya…hehehe.

Kaya napilitan kaming bumalik sa loob ng restaurant dahil sa takot sya talaga dito.

Kinabukasan naman may pasalubong ulit sa akin, pancit naman na binili nya talaga sa canteen at hindi tira…hehehe. Sabi ni Justin, “josh, tapos na ang valentine’s bakit may gift ka pa kay mama?” Hindi kumibo, then maya-maya sabi nya, “This is my worst day ever.” with matching buntung-hininga pa.

“Josh, why? may naka-away ka ba sa school?” sabi ko sa kanya. “Ma, I have bad news for you.” ” Mababa yung results ng achievement test ko.” Ayun! Kaya pala may pasalubong…..

The other day kasi sabi ko mag review kami for that achievement exam, sabi ni Tin-tin at Justin ok lang daw na wag na mag-aral dahil titingnan lang naman kung may natutunan ka sa loob ng isang taon na pag-aaral, kumbaga ay “stored knowledge.” Napatitig ako kay Josh at napangiti, bigla syang nagalit at umiyak. Sabi ko why? Yung tingin ko daw kasi sa kanya parang iniisip ko na wala syang stored knowledge. Hay…buhay!

Wow! How sweet! Sad to say pero hindi para sa akin yan. Ako lang ang bumili at nag-ayos para sa crush ni Justin. (Ibang girl na naman this time) Two weeks before valentines nagsabi na sya sa amin na may bago syang crush at kung ok lang magbigay ng stuffed toy and chocolates. Sabi naman ni KD, dapat dagdagan na ng flowers. Hindi rin masyadong kunsintidor ang tatay…hehehe.

Kaya kahit medyo masama pakiramdam ko kanina ay lumabas kami at bumili ng mga yan, ayoko rin naman kasi syang ma disappoint. Ang aga naman kasing tumibok ng puso ng mga bata ngayon.

Tinatanong ko nga si Josh kung wala syang bibigyan din. Wala raw syang crush ngayon.

Natuwa lang ako sa mga bata noong isang araw dahil nag-uusap sila then sabi sa akin ni Justin, ” Ma, why don’t you go out on Valentine’s day with Dada? Just the two of you…hindi po kami sasama.” “Yes Ma, hindi pa kayo nag date ng valentines na kayo lang, lagi kaming kasama.” sabi naman ni Tin-tin.

Ewan ko ba pero di rin naman siguro kami mag eenjoy kung hindi kasama ang mga bata. We will celebrate valentines maybe this weekend na lang, may exams pa kasi sila.

Happy Valentine’s day to all!




The Philippines prides itself upon its wonderful tourist hotspots. So, what exactly does tourist spot, in the Philippines, mean? The following statements from me are based from my own experience, since we had recently gone on a road trip involving some of our country’s most beautiful landmarks. One of those is Pagudpud.

Located in the northernmost part of the Pearl of the Orient, it might be hard to get to. But let me guarantee you, here and now, that it’s all worth it once you arrive and feel the cool breeze and see the waves crashing into the shore.