Subscribe to Apple of my Eyes Subscribe to Apple of my Eyes's comments

Hiblang Abo

Minsan, naitanong sa akin ni Josh kung ano raw ba yung mayaman? Sabi raw kasi ng classmate nya ay mayaman sya dahil iba-iba yung ulam nya araw-araw. Sila daw kasi ay umiikot lang sa hotdog,nuggets, eggs at kung anu-anong instant or ready to cook. Hindi naman kasi yun maiiwasan dahil halos working mothers dito. Nagkataon lang na nasa catering business ako , kung sakali siguro baka ganoon din ang baon nila sa araw-araw.

Hirap si Josh na ma differentiate ang batang mahirap sa mayaman, bakit nga naman eh wala naman silang nakikitang batang mahirap dito. Lahat ng batang nakikita at nakakalaro ay magaganda ang suot na damit, sapatos na Nike, Vans, Converse o Sebago, may mga nakasuksok na ipod sa tenga, laging may nakasukbit na PSP o gameboy at elementary pa lang ay naka cell phone na. Hindi rin naman kasi allowed na mag family status ang isang OFW na maliit lang ang sweldo kaya yung qualified na magdala ng pamilya ay can afford talaga na ibigay ang luho ng mga anak.

Last week ay may pinalabas na play dito ang isang grupo ng mga Filipino Artists titled “Oli Inpan.” Tungkol sa mga batang squatters na walang matirhan dahil pinalayas sa lupang pag-aari ng gobyerno. Sabi ko sila yung mga mahihirap na bata na tinatanong nya noong isang araw. Madudungis, sira-sira ang damit, walang sapin sa paa at kulang sa pagkain. Nakita ko syang nagpunas ng mata, naiyak pala. Paano raw kung ganoon ang mangyari sa kanila in the future?

Ang ikalawang play naman titled “Hiblang Abo” ay tungkol sa mga matatanda na iniwan o kinalimutan na ng mga anak at kamag-anak. Mga matatandang naghihintay na lang ng kamatayan sa mga home for the aged.

Naalala ko noong isang gabi na nag-uusap kami sa room ng mga bata bago matulog.

Me : Kids, pag ba matatanda na kami ni Dada aalagaan nyo kami? (walang agad sumagot…)
Josh : Ma, I’m still young and I don’t know how to cook.
Justin : Ma, pano po kung nasa abroad kami?
Tin-tin : Yes ma, pano kung nasa ibang bansa kami?
Justin : Di bale may YM naman.
KD : Kaya ba kaming alagaan ng YM?
Josh : Eh dada, right pag may asawa ka na sya na yung boss? Pano pag ayaw nya na alagaan ko
kayo? (hehehe…natawa ako dun bigla.)
Justin : Eh Dada, bakit po kayo ni mama di naman kayo nag ta take care sa mga parents nyo?
(nagkatinginan kami ni kd, oo nga naman. Umaasa kami na aalagaan kami ng mga anak namin
in the future kami nga ay hindi naman nag-aalaga ng magulang sa ngayon.)
Tin : Ganito na lang, just in case na naka abroad kaming lahat eh di kukuha na lang ng nurse o
yaya na mag-aalaga sa inyo tapos kami ang magbabayad kasi may work naman kami nun.
Justin : Yes! Ganun nga. Pero pag kasama natin sila aalagaan natin sila syempre.

Noong kami na lang dalawa ni kd sa kwarto, sabi nya. “Dapat pala mag-ipon na tayo ngayon ng pambayad sa mag-aalaga sa atin, wala pala tayong aasahan sa mga anak mo”…hehehe… sineryosong bigla ng tatay.

Pero naisip ko rin, hindi nga pala kami magandang halimbawa para sa mga bata. Although may mga kapatid pa rin kami sa pinas na kasama ng mga parents namin, hindi nakalakihan ng mga bata na personal namin silang naaasikaso. Dahil ba sa nakikita ng mga bata na material at financial needs lang ng mga parents namin ang naibibigay kaya yun lang din ang kaya nilang ibigay? Parang nakakatakot tuloy tumanda.

At para hindi tayo agad tumanda mag disco muna tayo with Tin-tin and Joshua. Enjoy!
(Got this from VK)

Try JibJab Sendables® eCards today!