Subscribe to Apple of my Eyes Subscribe to Apple of my Eyes's comments

Nagdiwang ng ika 20th anniversary ang IPSA dito sa Al-khobar last friday. Sinulog Festival ang naging theme ng pagdiriwang. Hindi pa ako nakapanood ng Sinulog sa pinas pero sa ganda ng presentation ng mga anak ng mga ofw dito sa al-khobar ay para ka na ring nasa pilipinas.

Halos lahat ng mga estudyante ng IPSA ay dito na ipinanganak at nagsilaki, malayo man sa bansang pinagmulan ay mulat pa rin sa mga kaugalian at tradisyong pinoy. Hindi biro ang naging gastos ng pagdiriwang, (syempre sagot ng mga magulang…hehehe) pero sulit naman sa ganda ng palabas.

One week before ang celebration ay nagsabi na si Josh na dapat wala akong catering that day. Kaya napilitan akong mag cancel ng order. Maagang gumising at walang sumpong, excited at panay ang bilin na wag kakalimutan ang video at camera.

Konting tyaga lang sa mga pictures at medyo marami but I’m sure mag eenjoy kayo, lalo na yung malayo rin sa bansang Pilipinas.

Last month, sabi sa akin ni Justin, “Ma, lately parang lagi akong kinakabahan for no reasons.” Idinikit ko pa yung tenga ko sa dibdib nya dahil may palpitations daw sya. Tinanong ko nga kung may pain yung palpitation nya para mapatingnan ko sa doktor, wala naman daw.

After 2 days, pwede raw ba syang mag tsek ng friendster account nya? “Sige ok lang basta 30 minutes la lang.” Dati kasi walang dating sa kanya ang friendster. Nagpaturo pa kung paano raw ba magbigay ng comment. Eh di tinuruan ko pa.

Kinabukasan habang nasa supermarket kami, paikot-ikot sa lugar ng mga stuffed toys. Humawak ng isa.

Me: Don’t tell me, gusto mo yan?
Justin: Pwede po ba?”
Josh: Kuya, bading ka siguro no?
Tin: Baka ibibigay sa crush nya.
KD: May crush ka na? Sige yung malaki ang kunin mo.
Justin: Eh Dada, wag na lang kasi baka di naman nya accept. O kaya yung small na lang para kasya sa bag ko.
Josh: Kuya, may crush ka na? Ako, wala na kasi break na kami.
Tin: Why Josh? Kasi nalaman nya na girlfriend mo sya…hehehe.

So, binili yung stuffed toy at nag stay pa ng 2 days sa bahay bago dinala sa school. The night before ibigay hindi mapakali si Justin. Ano raw bang magandang ilagay dun sa card? Sige kako matulog ka na at ako na bahalang maglagay ng ribbon at card. Paano raw nya ibibigay? 3 raw kasi ang choices nya, first, sya mismo ang mag-aabot, 2nd, ipapabigay sa seatmate, 3rd, iiwan na lang under the table ng crush nya. Sabi ko sya na lang mismo ang mag-abot, baka daw kasi di tanggapin. “Eh di ok lang kung ayaw wag mo na ibigay.”

Kinabukasan, pagsundo namin sa kanila, nakangiti si Justin, Nag thank you daw yung girl at sya mismo ang nag-abot. O, sabi ko baka naman mapabayaan mo ang studies mo dahil sa crush crush na yan. Di naman daw kasi inspiration lang yun.

The other day, sa chocolates naman sya paikot-ikot. Sabi ni kd, “Kung gusto mong magbigay ng chocolates, sige na kumuha ka na.” Ang bilis dumampot ng Toblerone. Bigay agad kinabukasan. Kinagabihan, lumapit sa akin. “Ma, ano kaya magandang ibigay ko sa Christmas?” Nagpigil ako ng tawa kasi baka mapahiya. Ang tagal pa kaya ng Pasko! Sige kako mag-aral ka muna at ako na bahala dun, ako na mag-iisip ng ireregalo mo sa Pasko.

Noong isang hapon 4pm na wala pa sya sa car, so baba ako para hanapin sya sa classroom nila. Lumabas na raw sabi ng classmate. Nakita ko sa may bench sa tabi ng canteen at kasama yung girl. Pagkakita sa akin ni Justin, paalam na agad at takbo na palapit sa akin.

“Kaya pala wala ka pa eh nanliligaw ka pa.”
“Ma,kakalabas lang po namin.”

Kahapon medyo late kami ng 15 minutes pagsundo dahil may dinaanan kami. Nasalubong ko yung kumare ko na may anak ding same age ni Justin at sumusundo rin. Kwentuhan at kumustahan.

Me: Hi Mars! Kumusta na inaanak ko?
Mars: Hay naku! Depressed yan ngayon.
Me: Why? Napano sya?
Mars: Kasi nagsabi sa akin noong isang araw, may crush daw sya, sabi ko di nya dapat sabihin dun sa girl na crush nya baka kasi mapahiya yung girl at sya rin pag nalaman ng iba. Sumunod naman sa sinabi ko.
Me: So, anong problema?
Mars: Umuwi 2 days ago na galit sa akin yan at sinisisi ako. Sabi nya ” Yan mommy, it’s your fault. Sabi mo kasi wag muna ako magsabi. Nauna tuloy yung classmate ko na magsabi sa kanya. Then, narinig ko kanina na “babes” na yung tawagan nila.”

Grabe! Halos sumakit ang tyan ko sa katatawa. Imagine 10 years old pa lang sila pero disturb na sila sa mga bagay na ganyan.

Although pinapakita ko kay Justin na very supportive kami sa kanya hindi pa rin nawawala lagi yung paalala na ganyan lang talaga yan. Natural na dadaan sa ganyan ang isang tao, na sobrang mahal mo ngayon pero bukas iba naman ang gusto. Kaya hindi na namin pinatingnan sa doktor, yun pala ang dahilan ng kanyang heart palpitation.

After Ramadan dito parang New Year sa Pinas ang paligid. May fireworks, maraming tao sa mga pasyalan, traffic at maraming aksidente sa mga daan. Kaya pag ganyang panahon di muna kami masyadong naglalalabas. Dito kasi sa place namin ang puntahan ng mga tao na gustong maglibang. Almost one week ang walang pasok kaya sarado halos lahat ang mga tindahan. Mga kainan lang at supermarket ang mga bukas.

Kumain kami sa bagong bukas na Asian Grill dito noong isang gabi. Medyo nabitin kami sa sahog na siomai ng soup dahil 2 piraso lang. SR20 ($5)/bowl na maliit, ang mahal na siomai. Kaya sabi ni Tin-tin turuan ko na lang syang gumawa. Naghanap kami ng wrapper at swerte namang nakakita sa nag-iisang oriental store sa malapit sa amin.


Mas gusto raw nila kung fried siomai tulad nung madalas nilang kainin sa may SM sa pinas. Nakikita kasi namin dati after mag grocery sa SM na parang ang sarap-sarap nang kinakain ng mga tao sa may malapit sa counter, kahit walang upuan at nakatayo lang sila. Nakipila ako at naki order na rin kahit hindi ko alam ang pangalan ng oorderin. Yung siomai na prito sabay turo dun sa kinakain ng katabi ko. In fairness, masarap nga sya with matching sawsawan na toyo w/ calamansi, then yung rice nya medyo kakaiba dahil medyo green ang kulay na napakabango (pandan siguro).

Enjoy si Tin-tin sa paggawa ng siomai kaya lang kakaunti ang wrapper at sobrang dami ng meat. Naalala ko yung nakita ko dati sa isang blog, kay Caryn yata if I’m not mistaken. Yung egg ay binalot ng meat at pinrito rin . Para kasing napakalaki naman kung regular na egg ang gagamitin kaya yung quail egg na lang, may available naman dito nasa lata nga lang.


Hhhhmmmm…yummy! Ang sarap ng kain nila. Pwera sa masarap talaga ang naging resulta ng luto nila mas nagpagana pa sa kanila yung sila ang gumawa.