Subscribe to Apple of my Eyes Subscribe to Apple of my Eyes's comments

Nagkaroon ng 2 day seminar sa Journalism sa school nina Tin-tin para sa mga ilang piling estudyante. Excited sya sa pagtatapos ng seminar dahil sya raw yung napili para magreport sa TFC sa katatapos na seminar. Bata pa kasi sya isa na sa mga pangarap nya ang maging journalist, mahilig syang gumawa ng mga script, poems at certified book adik, kahit nakasandal lang sa pader o sa shopping cart ay nagbabasa yan sa supermarket. After nya magbasa pinapabalik ko sa book section, sayang naman kung bibilhin ko pa tutal nabasa na nya habang namimili ako….hehehe.

Sabi ni KD sa kanya, “Well, kung talagang gusto mo yan dapat handa ka na umakyat sa bundok, makagat ng lamok, maulanan, hindi maligo ng ilang araw, kumain ng tuyo at sardinas at magpakidnap sa Abu Sayyaf.” Biglang umiyak.

Malabo ang pagkakarecord dahil cellpone lang nagamit ko. After ng palabas sa TFC ay marami ang nagtawagan sa bahay at napanood nga raw nila si tin-tin. Marami ang nagsasabi rito na hawig daw si Tin kay Maxene Magalona. Di ko yun napapansin siguro dahil nakikita ko sya from time to time. Pero dito sa video parang hawig nga yata.

May mga kaibigan kami na nag for good na sa Pinas ang nakasama namin noong nakaraang bakasyon. Nagkita-kita kami sa wedding ng anak ng isang kasamahan din namin dito. After ng kasal ay nagtuloy kami sa SM para mas marami pa yung time na magkabalitaan.

Pumasok kami sa Pizza Hut at nag order muna bago ang kwentuhan. Sa tagal kasi ng hindi pagkikita at dami ng dapat pag-usapan ay hindi namin napansin na mag-iisang oras na pala kami doon ay wala pa yung order namin. Hindi rin naman napansin ng mga bata dahil pasta yung order nila at agad din namang naibigay. Napansin ko lang yung mga nasa tapat ng table namin na halos kasabay naming dumating ay nagbayad na dahil tapos na silang kumain.
(halata bang inip na sila?)

Ilang follow-up pa kami at sabi ng mga crew ay parating na raw. Wala pa rin. Inip na kami lahat. Tinawag ni mil yung supervisor at nagreklamo. Hinanap ni bisor yung kumuha ng order namin, nakalimutan pala, akala daw naibigay na. Eh di sorry dito at sorry doon ang narinig namin sa crew at visor. Eh si mil galit na dahil yung mga baso namin na ice tea ang laman ay softdrinks ang nai refill ng isang crew sa katarantahan yata. Kaya pinalitan lahat ng baso, galit na rin si bisor sa mga crew. Buti na lang nasa tabi ko si Diether at laging nakangiti …hehehe.

Maya-maya, lapit si bisor may dalang pizza at inilagay sa table namin. Sabi ni MIL, hindi ganyang pizza ang order namin (galit pa rin). Sabi ni bisor, “complimentary lang po namin yan habang niluluto po yung order nyo, pasensya na po talaga.” Libre lang pala eh di tanggapin na di ba? Kaya nung dumating yung talagang order namin ay take out na lang dahil busog na. Akala ko nga discounted pa yung order namin pero sobra na yata yun..hehehe.
Paglabas namin ng Pizza Hut, panay pa rin ang sorry nila. Sabi tuloy ni Josh, “Ma, pag ba nagalit ka sa restaurant free na yung food mo?”

1st quarter

Katatapos lang ng 1st quarter exams ng mga bata kaya medyo ang gaan na sa pakiramdam at kung isa ka ring nanay na tulad ko alam mo ang ibig kong sabihin. Kung nasa elementary ang anak mo babalik ka rin sa elementary sa mga lessons nila. Kailangan mong balikan lahat para alam mo kung ano ang irereview mo sa kanila.

Dati ay naka tutor si Josh pero nakiusap sya na kung pwede mag quit na ako sa sbd at ako na lang daw ulit magtuturo sa kanya. Napilitan akong magbawas ng load para lang magkaroon ulit ng time sa kanya sa pagtuturo. Medyo malaki na rin yung development nya kumpara sa mga nakaraang taon. I don’t expect too much from Josh compared sa ate and kuya nya. Tanggap na namin kung hanggang saan lang yung kaya nya.

“Ma, what is hihimatayin? It means ba mamamatay ka?” tanong nya sa akin yan before the exam. Sabi ko hinde, yun lang magiging unconscious ka or parang makakatulog pero gigising din. Bakit ba? Sino ba may sabi nyan?

“Hay, salamat! Buti na lang. Kasi sabi ni titser baka daw himatayin yung nanay pag nakita yung mga test papers.” Asan ba kako mga quizzes mo? “Dun po sa bag pero promise hindi kayo hihimatayin?” Pagkakita ko sa mga quizzes, “Oh my! bakit ganito? San napunta yung nirereview natin gabi-gabi?”
“Ma, nag think naman ako dyan but don’t worry sabi ni titser add naman daw lahat yang scores na yan so dadami din yan right?” Yun pala pagka-intindi nya sa pagkuha ng average.

To complete your day visit my update here …bawal ang tumawa.

Birthday ni Josh kahapon, 8 years old na sya. Kinukulit ako na magdala raw ako ng pagkain sa school para lunch ng mga classmates nya (lunchtime lang yung allowed time) kaso naman ang hirap lumabas ng ganung time ngayon at 45*C lang naman ang temperature. Sabi ko wag na lang at buy na lang kami ng cake at ice cream dito na lang sa bahay. Ok naman sa kanya kaya lang everyday bago yung birthday nya may countdown sya at panay ang parinig sa akin ng mga birthday wishes nya.

Kaya morning ng birthday nya habang nasa school sila ay di ko rin natiis at nagluto na ako, tinawagan ko ang ilang close friends para mag invite. Pagdating nila ng 5pm from school di naman sila nagtaka dahil sanay na sila na lagi akong nagluluto. Sabi ko may catering ako.

Bumili si kd ng ice cream at cake, gusto na ngang kainin sabi ko later na lang di kasi nya alam na handa nya yung niluluto ko at may mga bisitang darating. May tumawag na isang bisita para sabihing medyo late na sya makakarating. Busy ako sa kitchen kaya sa speaker phone ko sya sinagot. Sabi ni Josh, “tito, it’s my birthday today pero wala pong handa, ice cream lang at cake.” “Wala ka pang bisita josh?” Biglang tumalikod si Josh at umiyak. “Mama, pls call them (referring to our friends) invite mo sila kahit cake lang para happy yung birthday ko.” Kinuha yung phone at sya na lang daw ang magtatawag bigay ko lang daw yung mga numbers sa kanya…hehehe. Buti na lang maya-maya nagdatingan na yung mga bisita kaya nagulat talaga sya pati si Justin at Tin-tin .

After ng party, nag thank you si Josh sa akin at happy daw sya kaya lang yung gusto raw nyang toy wala sa mga gifts nya, pwede raw bang bilhin namin mamaya para talagang happy yung birthday nya…hehehe.

Share ko lang yung hirit ni Josh noong nakasakay kami sa plane pauwi ng pinas. Sabi ni Tin-tin, “Josh, maglagay ka ng earphones sa ears mo mamaya para pag landing ay hindi masyadong masakit sa ears, lagay mo rin seatbelt mo kasi pababa na yun.” Nung mag announce na yung pilot ng landing nataranta na si Josh di alam kung ano ang uunahin. Nilagay yung earphones ng ipod at nilakasan ang music, kinabit ang seatbelt habang nagsasalita. Kinalabit ako ni kd (nasa may likuran kasi namin sila nakaupo ni Justin) kasi biglang nagtawanan yung mga katabi namin pati sa kabilang lane ng upuan. Dahil may earphones sa tenga nya di namalayan na malakas na pala syang magsalita. Eto lang naman sinabi.

“ Oh no! Lord this is it! Guys! Hold on to your panties!

Pagbaba namin hinarang sya ng isang stewardess at sabi, “Balik ka ha?” Hindi sya makatingin dahil nahihiya..hehehe.