Subscribe to Apple of my Eyes Subscribe to Apple of my Eyes's comments

Last month, naimbitahan kami ng isang officemate ni KD na indian na panoorin daw yung kasal ng sister nya. Natupad na raw ang isa sa mga dahilan kung bakit sya napilitang magtrabaho sa abroad. Kailangan daw muna nyang maipakasal yung 2 kapatid nya na babae bago sya naman ang magpakasal. Naihanap na raw nya ng magiging asawa yung panganay at naipakasal na nga nya. Ngayon naman daw ay yung pangalawa ang pag-iipunan nya para maihanap na rin ng magiging asawa. Pag-ipunan? Bakit kako sya yung mag-iipon? Ganun daw sa kanila, ang babae ang gumagastos sa kasalan. Swerte naman ng mga lalaki pala dun.

Kapag nakaipon na raw sya at wala pa ring mahanap ay magpapa advertise daw sya ulit sa newspaper tulad nang ginawa nya sa una. Nagugulat ako sa mga kwento nya at akala ko hindi totoo. Ipinakita nya sa akin yung copy nung nakaraang pinalagay nya sa classified ads ng dyaryo.

” Muslim parents seek alliance for their daughter, 28, based in india. She has an excellent credentials in academic and Islamic education. Well connected with financing industry. Groom must be educated and well settled in india or in the middle east. Groom may send biodata with photo to aaa@hotmail.com.”

Sa pinas ipinagbabawal yung mga mail-order bride pero sa kanila pala legal yung magpa advertise ng mapapangasawa..hehehe. Naalala ko lang ito dahil sa isang email na naresib ko , may mga sumasagot din pala sa mga ganitong advertisement. Pakibasa yung email ng isang applicant at tulungang mag decide kung magpapakasal..hehehe.

Reply to an online Matrimonial from a Punjabi Boy:

Madam:

I am an young uncle living only with myself in Ludhiana . Having seen your advertisement for marriage purposes, I decided to press myself on you and hope you will take me nicely.

I am a spoiled son from inside Punjab . I am nice and big, six foot tall and six inches long. My body is filled with hardness, as because I am working hardly. I am playing hardly also. Especially I like cricket and I am a good batter and I am a fast baller. Whenever I come running in for balling, other batters start running. Everybody is scared of my rapid balls that bounce a lot.

I am very nice man. I am always laughing loudly at everyone. I am jolly. I am gay. Especially ladies, they are saying I am nice and soft. I am always giving respect to the ladies. I am always allowing ladies to get on top. That is how nice I am. I am not having any bad habits.

I am not drinking and I am not sucking tobacco or anything else. Every morning I am going to the Jim and I am pumping like anything. Daily I am pumping and pumping. If you want you can come and see how much I am pumping the dumb bells in the Jim.

I am having a lot of money in my pants and my pants is always open for you. I am such a nice man, but still I am living with myself only. What to do? So I am taking things into my own hands everyday. That is why I am pressing myself on you, so that you will come in my house and take my things into your hand.

If you are marrying me madam, I am telling you, I will be loving you very hard every day. In fact, I will stop pumping dumb bells in the Jim. If you are not marrying me madam and not coming to me, I will press you and press you until you come. So, I am placing my head between your nicely smelling feet and looking up with lots of hope.

I am waiting very badly for your reply and I am stiff with anticipation.

Expecting soon,

Yours and only yours

Harbachan Singh born by mother in Patiala and become big in Ludhiana , Punjab .

Read more of our zoobic adventure here.

Sa mga ngayon lang napasyal sa bahay ko, continuation lang po ito ng bakasyon namin sa pinas…..

dsc_0023-small.jpg

On our 4th day, nakarating na kami ng Laoag City na tanging road map at sasakyan na laging full tank (in case na maligaw) ang dala.

dsc_0046a-small.jpg
dsc_0029-small.jpg

Kuha ito sa Musoleo ni Marcos, bawal ang camera sa loob, mahigpit ang bantay. Dito nakahimlay (ang lalim ng tagalog) ang wax na replica ni dating Philippine President Ferdinand Marcos. Pagpasok sa loob, kikilabutan ka dahil medyo madilim, malamig (ang lalaki ng mga air-conditioning unit sa loob na naka on daw ng 24 hours, amoy bulaklak ng patay..hehehe. at may music na napakalungkot. Sa gitna ng room ay andun yung katawan na nasa loob ng glass coffin. Hindi kami nagtagal sa loob dahil nagpalabas si Josh, natakot kasi.

dsc_0025-small.jpg

Ang malaking bahay sa may likuran namin ang ancestral house ng mga Marcos. Hindi sya open for public pero maayos at malinis pa rin sa paligid. Private property pa rin kasi sya.

dsc_0100-small.jpg

Ito naman ang tinatawag na “Malacanang of the North.” May P20/each na fee sa gate dahil under na sya ng Dept of Tourism. Pinagawa raw ito ni Marcos noon para kahit nasa Ilocos sya ay para rin syang nasa Malacanang. Para mo na rin daw napasok ang Malacanang sa Manila sa style ng mansyon na ito.

dsc_0112-small.jpg
dsc_0128-small.jpg
dsc_0136-small.jpg
dsc_0139-small.jpg

May malaking terrace sa likod ng bahay at napakaganda dahil nasa background nito ang Paoay Lake.

dsc_0157-small.jpg

Hindi mabilang ang mga naglalakihang aircon na nakakalat sa buong bahay.

dsc_0175-small.jpg
dsc_0163-small.jpg

Isang kwarto pa lang sa mansyon na ito ay kasya na yung buong bahay namin sa pinas. Hindi ko mabilang kung ilang rooms mayroon ang Malacanang of the North sa sobrang dami at laki ng bahay.

dsc_0221-small.jpg

Ito naman ang Fort Ilocandia. Sa layo ng byahe namin at liblib ng lugar hindi mo iisipin na may isang napakagandang hotel sa lugar na ito. Sabi ng mga tao doon, ipinatayo daw ito ni Marcos noon para sa kasal ng isang anak nya. Dito raw lahat tumuloy ang mga bisita na mula pa sa Manila at ibang bansa.

dsc_0231-small.jpg
dsc_0280-small.jpg

Pagkatapos ng nakakapagod na maghapon, sa sasakyan pa lang ay tulog na ang mga bata.

dsc_0212-small.jpg

At ako naman, basta may time kahit sandali lang naisisingit pa rin ang blogging. Thanks sa new Smartbro Prepaid Card at may internet ako kahit saan.

dsc_0206-small.jpg

“Idol”

Noong nasa Pilipinas kami may nadaanan kaming banner sa isang malaking restawran sa malapit sa bahay namin. Napasigaw si tin-tin dahil nabasa nya na may show daw si Dennis Trillo doon sa mismong restawran. Gusto raw nyang manood at makita ito sa personal. Sa saudi pa lang kasi ay lagi na nya itong pinapanood sa Zaido yata yun sa PinoyTV.

Kinuha yung contact number ng restawran, tinawagan at inalam ang mga detalye tungkol sa concert show. P1,000 daw per head. Kung sasama kaming lahat eh di P5,000 na yun agad..parang ang mahal yata. Sabi ko sya na lang at magsama na lang sya ng isang makakasama nyang manood tutal di naman din interesado sina Justin at Josh kay Dennis Trillo.

img_5342-small.jpg

Inaya ang kanyang lola na manood ng concert. Mabuti na lang hindi sya tinulugan. Isama ba naman ang 65 years old sa show ni Dennis Trillo…hehehe.

img_5387-small.jpg

Medyo malayo raw sa stage yung table nila kaya hindi masyadong magaganda ang mga kuha nya pero umuwi syang masayang-masaya dahil nakita nya sa personal ang kanyang idol. May bonus pang Katrina Halili.

img_5376-small.jpg

Noong nasa Pilipinas kami ay dumaan kami sa bahay ng isang kaibigan para kunin yung invitation para sa kasal. Kinuha kasi akong ninang sa kasal ng isang kaibigan dito at sabay kaming nagbakasyon sa pinas. Nakabili sya ng isang malaking farm sa Pampanga at excited sya na ipakita sa amin ang mga alaga nyang hayop at mga tanim sa paligid ng bahay nila.

Nagpatayo pa sya ng malaking piggery sa may dulo ng farm, almost 2 hectares kasi yung lupa nila. Nagpilit ang mga bata na bisitahin yung mga inahin na may mga bagong silang na biik.

Tandaan ko nung bata ako madalas kong marinig sa mga nakakatanda na kapag nakapula ng damit ay sinasabing baka raw habulin sila ng toro or baka. Hindi naman ako naniniwala sa ganun noon pero after kaming habulin ng baka ay bigla akong naniwala..hehehe.

dsc_1450-small.jpg

Papunta pa lang kami sa piggery ay napansin na ni KD na parang masama ang tingin sa amin ng mga baka, tuloy pa rin kami sa paglalakad.

dsc_1461-small.jpg
dsc_1460-small.jpg

Eksaktong pagtapat namin sa kanila ay bigla kaming hinabol. Kanya-kanyang takbo kaming lahat, hawak ko si Josh dahil baka mahulog sa pilapil, matalim kasi yung pinag-anihan ng palay. Pero yung kaibigan namin na may-ari ng bahay ay biglang nawala. Nahulog pala sa pilapil dahil doon naisipang tumalon sa takot na abutan ng mga baka.

dsc_1459-small.jpg

Mabuti na lang at tumakbo agad yung kanyang katiwala sa farm para sawayin ang mga baka, nakatali naman sila kaya lang masyadong mahaba yung tali kaya aabutan pa rin kami kung sakali.

dsc_1486-small.jpg
dsc_1469-small.jpg

Hinihingal kaming lahat pagdating sa loob ng bahay pero hindi mapigil ang tawanan kapag naaalala yung nangyari.

dsc_1465-small.jpg

Si Josh biglang nawala, deretso pala sa sasakyan sa tindi ng takot at uwi na raw kami, hindi na raw sya babalik sa Pilipinas…hehehe.

Kung inabutan kami ng mga bakang yun eh di wala sanang pinakabatang ninang sa kasalan… ehem..hehehe. Buti na lang hindi napilayan yung nanay ng bride dahil nangyari yun 2 days before the wedding.

dsc_1553-small.jpg