18 years ago, sabi ng mga friends and relatives namin,
” Kelan lang kayo nagkakilala magpapakasal na kayo agad.”
“Baka mahirapan kayong mag adjust sa buhay may-asawa.”
“Are you sure? kilala mo na sya talaga?”
“Baka malakas maghilik yan…hehehe.”
At marami pang mga negative comments kaming narinig. And now, through the years, we proved them wrong because we are…….

Graphics for Marriage Comments
Kaninang umaga tinanong ako ni KD kung saan ko raw gustong kumain. Sabi ko KD na magluluto na lang ako sa bahay at huwag na kaming kumain sa labas tulal medyo may sandstorm pa sa labas. Huwag na raw magluto kasi mapapagod pa ako
Kaya right after school sinundo namin ang mga bata para deretso na sa restaurant kaya lang gusto ni Josh sa McDo, si Justin naman sa KFC, si Tin-tin ok daw kahit saan. Ang hirap pag may date na kasama ang bata, gusto lagi sa fastfood. Pwede raw ba habang nag-iisip sila ay maupo muna at magpalamig sa Starbucks.
After mga 45 minutes na meeting nila….ok na raw next time na lang sa fastfood. Sa Casper and Gambini kami nag dinner.
While waiting for our order
Cookies and cream, their all time favorite kahit sa ice cream or zagu (pinas)
Tenderloin steak for Tin-tin.
Club sandwich for Josh, medyo masama ang loob dahil gusto sa Mcdo kaya sandwich lang daw sya..hehehe.
Grilled chicken for me and salmon fillet for kd.
Chicken Pesto Pasta for Justin, hindi lang maganda ang presentation pero masarap daw.
May word of honor si Josh, hindi talaga kumain ng iba. Sandwich lang talaga ang order nya.
Sa kabayanan ng Vigan ay may office ng Tourism kung saan may mga available silang tour guides para sa mga turista, fee is Php500/half day. Pero hindi na kami kumuha dahil may complete list naman si kd ng mga tourist spot sa Ilocos.
Dumaan muna sa church bago simulan ang nakakapagod na maghapon.
Sumakay na lang kami ng calesa papunta sa mga magagandang lugar sa Ilocos, fee is Php300/hour. Sabi nung taga Tourism kasya na raw kami sa isang calesa pero kahit anong tingin ko sa kabayo ay di kami kakayanin kaya kumuha kami ng dalawa.
Tuwang tuwa sina Justin nung mag overtake ang calesa namin sa calesa nina kd, sakay ba naman si kd at josh…hehehe.
Hindi na kami sumama ni Josh na akyatin pa yung pinaka tore ng Bell Tower, nakakalula kasi.
Then, tumuloy kasi sa pottery, may isang lalaki doon na nag dedemo for free para sa mga turista. After nya mag demo ay ituturo nya yung kanyang tindahan ng mga souvenirs sa may harapan ng pottery pero simple lang daw kami pagpunta run dahil nagagalit daw yung mga katabi nyang tindahan..hehehe.
Next, ang dating bahay at opisina ng mga Crisologo na museum na ngayon. Libre din ang entrance pero may donation box sa may front door so bahala ka na magbigay para sa maintenance daw ng building. May mga sasalubong syo na mga students(OJT) at iikot ka sa buong (napakalaking) bahay.
Luma na lahat ng gamit sa buong bahay pero kung titingnan mo ay obvious na nabuhay ng napakarangya ang mga dating nakatira dito.
Gulat si Josh pag-upo nya sa bed kasi lumubog sya…hehehe.
Hindi kaya dapat ang kabayo ang magmukmok sa bigat ng dala nya…hehehe. Gutom at pagod na kaming lahat sa tindi ng init ng summer kaya parang ang sarap-sarap ng halo-halo sa “Cafe Leona.”