Subscribe to Apple of my Eyes Subscribe to Apple of my Eyes's comments

Natuloy din ang EB last April 15 sa MOA. Pero before kami nagkita-kita madami muna palitan ng mga text messages. Galing talaga ng technology, walang ligaw sa meeting place.

“i myt b l8, ns btngas ct p me, sasakay p lng ng bus..”

“Mom ann,jan na po kayo? Coding po ako, waah,bka malate po ako…medyo maraming load po ofis..”

“nku malayo p aq, ns south luzn hway p q, more thn an hour trvl p bgo mkrting s moa. hntayn nyo ko ha?”

“Te aNn, san max s M0A, punta na kmi .”

“On my way hiway”

“Sa middle building ba ang max? Hanapin ko sa directory. Nasa Taft na ako”

“Punta n kami dyan. Kararating lang namin moa”

“Andyan na kayo?” Meron pa dating? D2 lng ako next bldg”

“Cge. Wil b there.”

“Hi ann, wer on d way to moa unfortunately we r caught in trafic.”

“Moa na ako. I’ll be there in a minute”

“Wer already here at m0a.”

“Sang max? Di naming kyo mkta dun s max n pnunthan namin.”

“Hi po ate ann. Asan po kayo? Kumain lng po kami kc knina p gutom tong ksma ko hehe.”

“Cno n po ksma nyo dyan? Sunod n lng po ako.”

dsc_0476.jpg

From left:
Master, Cess, me and Josh

dsc_0481.jpg

From Left:
Watson, Razz, Inkee, Master and Cess

dsc_0473.jpg

bloggers-eb03.jpg

From left:

Razz, Inkee, Greys, Rems, Cess, KD, Ann and Tin-tin

bloggers-eb01.jpg

From left:
Watson, Penoy, Rachel,Rems,Wendy,Karen,Noemi,Dine,Tin-tin

05042008380-small.jpg

Hindi masyadong halata na excited si tin2 no? Para lang naman syang homesick na OFW na walang ginawa kundi bantayan ang calendar…hehehe. Wala na kasing pasok kaya inip din sila sa bahay. Binigyan ko sila ng tig-iisang maleta at sila bahalang maglagay ng mga gusto nilang dalhinna damit para maging busy sila.

Tanong ni Josh kung totoo raw na may ipis sa pinas, sabi ko madami saka langgam at lamok. Umiyak di na raw sya uuwi..hehehe.

bank-small.jpg

Galing nga pala kami sa banko noong isang araw. Madalang lang kasi akong mapasok sa bank dito dahil halos online na ang lahat ng mga transactions ngayon. Pag kasi over sa ATM limit ang wiwithdrawin mo dapat over the counter talaga. Nakakapanibago kasi walang pila, unlike sa pinas ginagawa ko kukuha muna ako ng number then punta ako ng salon or shopping mall, pagbalik ko minsan hindi pa rin natatawag yung number ko.

18032008353-small.jpg

Kahapon naman nagpunta kami sa dentist na ninang ni Josh. Nagpa cleaning kaming lahat, sa car pa lang sabi ni Josh bata pa raw sya kaya ok lang na hindi muna sa magpapacleaning ng teeth. Oo muna ako para walang iyakan. Pagkatapos naming apat , sabi ko baka hindi sya makasama pag-uwi sa pinas kapag madumi teeth nya dahil may guard dun sa airport na taga tsek ng teeth. Kapag madumi ay hindi pasasakayin sa airplane. Eh di napa-upo rin sa dental chair, takot lang nya na maiwan.

Kaya lang mula pa kagabi nakaka ilang beses na syang nagtatanong kung malinis pa rin daw ba mga teeth nya..hehehe.

03042008372-small.jpg

===============================================

Remember yung post ko about tin2 dito. May nagbigay kasi na friend ni Josh sa kanya ng relo na may design na bungo. Pagkakita ni tin2, sabay bola kay Josh at sa kanya na lang daw. Syempre hindi pumayag..hehehe. After few days sabi ni Josh, “Ate , it’s ok you can have my watch now.” Tuwa si tin2 at hinanap yung relo, sabi ni Josh , “Kaya lang, it’s missing.” Kaya pala pinamigay kasi nawawala..hehehe.

Kasama pa akong naghanap pero di talaga makita. Nitong mga nakaraang araw nagtatapos ako ng mga labahin dahil nga pabakasyon kami. Pagkakuha ko ng mga damit sa washing machine, andun yung kawawang relo…hehehe. Naibulsa pala ni Josh sa isang pants nya at di ko naman nakita noong maglagay ako ng labahin.

As expected syempre di na sya gumagana noong mailigtas ko sa tubig.

04042008377-small.jpg

I might go on hiatus for a while but I’ll find time to update while on vacation. See you guys sa EB.