Ang tagal kong hindi naka update. Nagulat lang ako sa tagboard ko ang daming bagong bloggers. Si Josh nga pala straight na one week hindi pumasok dahil pabalik-balik ang lagnat kaya nakapag exam sya ng weekend na. Kailangan na raw kasi ang mga grades mai-submit the next day. Kaya wala ng pasok ang dalawa sya andun sa school at kumukuha ng finals noon.
Mula noong magbakasyon ang mga bata sa school nahirapan na akong makahanap ng skedyul sa blogging. Nag-iba yung oras ng tulog nila, gising sila magdamag at ayaw magsitulog. Pabor rin naman sa akin dahil may kausap ako habang naghahanda ng SBD. Pagdating ng 9am sabay-sabay kaming matutulog at mga 5pm na ang gising. Kapag gising naman sila ay ganito ang scenario sa bahay kapag bakasyon .
Kanina natulog din si kd pagdating nya ng 4pm, biglang nagising ng mga 6:30pm. Biglang tayo at bakit hindi ko raw sya ginising , late na raw sa office, akala pala ay umaga na. Hahayaan ko sanang maligo at pumasok sa office…hehehe.
Pero ang isa pang dahilan ng pagiging busy ay ang sponsored post, parang blogging nakaka-adik din pala. Imagine 3 blogs ko ang may paid post ngayon kaya after 2 months ay nakabili na ako nito;
Ano kaya susunod kong bibilhin….kotse kaya….hehehe.
Examination week ngayon ng mga bata at busy lahat sa kakareview. For the first time narinig ko kay Josh na excited syang magpahatid sa tutor nya dahil marami pa silang aaralin. Kaya pala ay alam nya na ilang araw na lang bakasyon na sila. Kaso lang bigla syang nilagnat last Sunday kaya hindi sya nakakuha ng finals.
Kami lang dalawa sa bahay noong Sunday, nasa pc ako at nakahiga naman sya sa sofa. Bigla na lang syang nagsisigaw at takot na takot. Itinuturo yung baso sa may dining table at halos hindi makapagsalita. Pinakalma ko muna sya at niyakap, then tinanong kung napano sya. Nakita raw nya yung baso na gumagalaw mag-isa sa table. Sabi ko baka nahilo lang sya kaya tingin nya ay gumagalaw yung baso. Pero nakatingin din ako sa baso baka nga biglang gumalaw.Tinanggal ko yung baso sa table para mawala yung takot nya dahil nanginginig talaga sya. Then bigla syang nag diarrhea, sa takot yata.
Dinala namin sya sa doktor noong hapon, dami ring bata sa hospital, uso na naman ang lagnat dito. Marami rin pala sa school nila ang maysakit. Nagulat lang ako sa clinic dahil dati bago tingnan ng doktor yung pasyente ay kinukunan na muna ng temperature, height and weight, ngayon pati blood pressure. Hindi kasi ako sanay makakita ng batang ginagamitan ng sphygmomanometer. Noong si Josh na natawa yung nurse kasi halos di magsarado sa braso nya yung parang tela ng sphygmomanometer.
Pag-uwi sa bahay masakit daw ang tummy nya at pinapahiran ko ng oil. Narinig ko na nagsasalita sya, “Why? Why is this happening to me?” Natakot ako sabi ko, “Josh sino kausap mo?” “Nobody, I’m just talking to myself.” Akala ko kasi nagdidiliryo sa lagnat.
Natuwa sya kanina dahil Wednesday na daw at last day sa school. Sabi ni Justin, “Josh kami lang ang last day dahil ikaw papasok ka pa sa Saturday, Sunday and Monday para kumuha ng exams.” Akala pala nya dahil maysakit sya exempted na sya sa examination.

Create Fake Magazine Covers with your own picture at MagMyPic.com
Subscribe to Fortune Magazine at a 76% discount!



Create Fake Magazine Covers with your own picture at MagMyPic.com
Subscribe to Seventeen Magazine at a 67% discount!



Create Fake Magazine Covers with your own picture at MagMyPic.com
Subscribe to PC Gamer Magazine at a 84% discount!



Create Fake Magazine Covers with your own picture at MagMyPic.com
Discount Magazine Subscriptions - Save big!


Buti na lang napapayag ko si Ghee na i-tag ako rito para naman may mailagay ako sa blog ko…hehehe.
Habang busy pa ako pagmasdan nyo na lang muna ang aking 3 makukulit na tsikiting. Dami kasing dapat asikasuhin sa ngayon.
Una,pabakasyon kami sa pinas next month..yeheyyy!!! EB! EB! EB!
Hindi pa ako nakakapag shopping ng mga pasalubong kaya kung may bilin kayo pwede pa..hehehe.
Next week, finals na ng mga bata sa school.
SBD ko hanggang katapusan pa this month.
May mga naka book pa akong catering up to the last week.
Sarap minsan maging busy, walang time para mahomesick.