Subscribe to Apple of my Eyes Subscribe to Apple of my Eyes's comments

After kong mag post about “taken by cars” feeling ko na “taken for granted” na rin itong blog ko sa sobrang kabisihan. As you all know busy ako lagi sa aking daily preparation ng “South Beach Diet” na tulad nito;

img_5112-small.jpg

Pag weekends naman may mga extra catering pa ako. Ano masasabi nyo sa table setting ni kd? Pang prof na ba ang dating?

img_5024-small.jpg

And lately, may bago akong pinagkakaabalahan na extra income rin. Buti na lang hindi kailangan magbayad ng tax ng ofw kung hindi baka hinabol na ako ng BIR..hehehe.

Kaya tuloy nakalimutan ko na nagsabi nga pala si Josh na birthday nung crush nya last Wednesday. Nakalimutan kong bumili ng regalo. Nagpapabili kasi ng gift and flowers pa daw. Sabi ko baka pwedeng chocolates na lang (buti meron ako sa ref) at wag na flowers dahil hindi pa naman yun maaapreciate nung crush nya. Nabola naman at pumayag na chocolates na lang.

18022008291-small.jpg

Wala rin nga pala akong wrapper, tinali ko na lang ng ribbon. Buti pasado sa magreregalo.

18022008292-small.jpg

Pag-uwi galing school, wala naman kasing party yung bata, nagdala lang daw ng spaghetti at KFC yung nanay sa school. Kinumusta ni kd kung nagustuhan yung regalo nya? Sabi ni Josh,
“Yes, Dada! Ang sarap nga eh!”
“Why? ikaw ang kumain?”
“No! She just asked if I want some pag open nya, kaya humingi ako.”
“Sana kiss na lang hiningi mo.”
“Dada! you’re so bastos ah!”

Bastos nga naman yung tatay….hehehe. Seven years old pa lang si Josh ganito na, pano kaya pag totoong nanliligaw na sya?

Nakakapanibago kapag lumalaki na mga anak mo, iba-iba na yung gusto. Just like tin-tin, kapag may lakad kami sya yung pinaka unang maliligo pero pinakahuli pa ring lalabas ng room sa tagal mag-ayos at magbihis. Para bang laging pupunta sa pictorial ni master. Paglabas ng room ganito ang hitsura nya:

06022008283-small.jpg
Sabi nga ni Justin minsan, “Ate, wala ka lang crystal ball pero para kang yung manghuhula.”

Padala nga pala ni Greys yang ibang mga suot na dekorasyon ni tin2, thank you ma’am teks.

Kung ano naman yung kawalan ko ng hilig sa music opposite naman kami. Magkasundo sila ni Dada nya when it comes to music although magkaibang panahon. Tandaan ko si kd noon ay Beach Boys at Journey yung mga tapes nya(di pa masyado uso cd nun). Si tin naman ngayon mahilig din sa mga band/group singers. Lately nga ay itong “taken by cars.”

taken_by_cars.jpg
Laging surf sya sa internet kakahanap ng songs ng band na ito. Local bands sila pero pag napakinggan mo raw yung music nila para silang international singers. May album daw sila kaya lang hindi naman yata available dito sa ME. May nakikita na ba kayo sa mga malls sa pinas na album ng “taken by cars?” Any idea how much? Just got this information from their website.

“All videos are produced by Splintr which uses professional camera crews to film bands at gigs and during special “Sessions” (soon to launch) to create the highest possible quality. The site’s content is exclusively produced, maintained, and uploaded by SPLINTR to create a streamlined, professional and clutter-free website.”

tbc_front_spread.jpg

Medyo busy na naman this month sa dami ng catering, kaya laman na naman kami ng mga supermarket. Dito sa saudi ako nakakakita ng mga fruits and vegetables na medyo kakaiba, hindi lang sa hitsura kundi mas lalo na sa presyo. Yun bang presyo na hindi mo papangarapin na tikman pa…hehehe.

Tulad ng mga talong (eggplant) na ito. (May fruits yung title ko kasi napanood ko sa tv na yung talong pala ay prutas daw at hindi gulay. Alam nyo ba yun?)

_dsc0042-small.jpg

Noong makita ko sila natatawa ako habang pinagmamasdan sila dahil nga kakaiba yung pagkatalong nila. Kukunan ko lang sana sila ng picture dahil hindi ko naman sila bibilhin. Napansin ko yung mag-asawang arabo na nagbubulungan at nakangiting nakatingin sa akin kaya napilitan akong balutin na sila at bilhin para di halatang inuusyoso ko lang sila. Buti na lang the next day ay may nag order ng kare-kare, kaya yung mga abnormal na talong nasama sa kare-kare.

Pero itong mga repolyo (cabbage) na ito kahit pagtawanan pa ako ng mga katabi ko hindi ko sila bibilhin…hehehe. Actually dumampot na ako ng isa at inilagay ko sa trolley, napansin ko yung price bakit nagkamali yata yung naglagay. Bumalik ako sa vegetable counter, tama nga yung price. Imagine isang piraso ay Php488. Ilang kilong beef na ba ang mabibili nun?

05112007073-small.jpg

Eto pa ang isa, kapatid din daw ito ng repolyo. Medyo matingkad lang ang kulay kaya siguro mas mahal…hehehe. Php577/each. Sabi nung nasa counter US cabbage daw kasi yung mga yun kaya mahal. Sabi ni kd siguro daw sa first class sila sumakay papunta ng saudi…hehehe.

05112007074-small.jpg

Minsan naman kung kailan kami nagmamadali dahil late na dun pa mangyayari ang ganito.

02052007002-small.jpg

Nagtuturuan pa yung mga nasa counter kung sino ang maglilinis eh sila naman ang nakabasag. Sabi ni kd sya na lang para lang makaalis na kami, wag na daw dahil nagpatawag na sila ng maintenance. Ano kaya iniisip ni Josh habang pinagmamasdan yung mga basag ba itlog?

Last week, may tumawag sa akin at nag ooffer na ako na lang daw mag cater sa office nila , 70 persons daily for lunch, 6 days/week. Sabi ko return call na lang ako at pag-iisipan ko. Gusto ko na sanang tanggapin kaya lang naisip ko yung sbd ko. Kung tutuusin mas ok sya dahil may off ako ng friday, at hindi masyadong matrabaho tulad ng sbd. Kaya lang naisip namin ni kd yung mga costumers ko naman sa sbd, actually kasi kaya tuloy pa rin ang sbd ko yung iba hindi dahil nagpapapayat pa sila kundi parang maintenance na lang dahil highblood, high cholesterol at diabetic naman yung iba.

So, tinawagan ko yung sa lunch catering at hindi ko tinanggap yung offer. Pag naaalala ko kasi kung paano magpasalamat yung mga sbd ko parang nakaka guilty na iwan sila. Dun sa lunch catering pwedeng gawin ng iba pero sa sbd sa ngayon ay ako pa lang ang gumagawa dito. Sabi nga ni kd hindi lang naman sa pera lahat, mas may darating pang magandang opportunity. Mas malaki nga ang kita pero andun naman yung guilt , parang wala rin. Sa ngayon satisfied na ako sa mga blessings na dumarating sa amin at may asawang very supportive sa lahat ng bagay.

Tag ito ni Patricia of Jo para kay Josh.

9 random things about Joshua

1. Timbang ni Josh noong ipanganak ko sya ay 2.5kls (5.5lbs). Ang liit nya noon, then payat pa. Kaya hindi ko inasahan na magiging ganito sya kataba ngayon.

<kids1-small.jpg

2. Pinakama-itim sya sa kanilang magkakapatid. Sabi nga nung kumare ko di raw kaya naipalit sa anak ng Indian sa hospital. Madalas nga syang mapagkamalan na hindi nila kapatid noon kapag may nakakakita dahil nga payat na maitim pa.

3. Mula noong bata pa sya all time favorite nya ang Mcdonalds. Kahit pag umuuwi kami sa pinas hinahanap pa rin nya ang Mcdo.

img_1130-small.JPG

4. Hindi sya makatagal sa tubig.Mula pa noong baby si Josh ako lang lagi nagpapaligo sa kanya. Mahirap kasi syang paliguan, nalulunod sya sa tubig. Hindi sya makatagal sa shower kaya shower hose ang gamit ko sa kanya. Pinakahuli dapat ang shampoo dahil kapag naunang nabasa ang mukha nya para syang isda na tinanggal sa tubig. Para ba syang nauubusan ng hangin. Kaya pag naliligo sa beach or pool hindi rin sya makatagal na nasa tubig.

5. Hindi sya mahiyain. Kahit anong lahi pa ang makaharap nya wala sa kanya yung inferiority complex. Minsan nga kumakain kami sa isang restaurant. Nagtuturuan ang ate at kuya nya kung sino ang oorder ng desserts. Tumayo at sya na lang daw, tinawag yung waiter. “Sadiq, do you have strawberry shake? Give us 2 chocolate shakes and 1 strawberry ok?” O eh di naka order…hehehe. (Sadiq nga pala in arabic “friend.”)

6. Marami syang crushes. Ang bilis magpalit ng crush at very vocal sya kapag crush nya ang isang girl. Sinasabi nya talaga.

7. Very thoughtful kahit kanino mas lalo sa ate at kuya nya. Pag alam nyang may mag bibirthday sa mga klasmeyts nya kahit wala kaming invitation kukulitin ako nyan para magbigay sya ng gift. Pag nasa supermarket kami kasama namin syang namimili (madalas kasi hindi na sumasama yung 2), Pag may kinuhang food/juice o kahit anong pagkain ay laging 3 para daw sa ate at kuya nya. Hindi sya maramot, madali syang hingan ng kahit paborito pa nyang pagkain.Sabi ko nga kay kd sana hanggang sa paglaki nya ganun sya.

8. Super lambing, lalo sa akin. Sabi ko nga kagabi habang katabi ko sya sa bed. “Josh , kahit highschool ka na papakiss at hug ka pa rin kay mama ha?” “Ok” “Kahit may girlfriend ka na ha?” medyo nag-isip pa then “Ok” “Kahit may asawa ka na ha?” Nabulyawan ako ni kd kasi daw kaya nagiging spoiled dahil sa akin.

9. Komedyante. Hindi man nya sinasadya madalas ay napapatawa nya kami, marunong syang mag adlib at nasa timing ang mga pasok nya. Tulad kaninang umaga habang nagbibihis sila para pumasok sa school. Sa kanilang 3 kase silang dalawa ni tin2 ang hindi masyadong magkasundo. Isang mapang-asar at isang pikon..hehehe. Ganito usapan nila;

Josh: Ate you know I will pray for you everyday, sana maging good girl ka na.
Justin: Anong pray mo Josh?
Josh: Sana maging mabait sya sa akin o kaya pag hindi pa rin sya good girl sana kunin sya ni papa jesus at gawin syang angel.
Tin: Waahhh..mama o si Joshua, gusto na akong mamatay.
Justin: Josh, bad yun, kasi pag naging angel si ate it means patay na sya.

Ibig lang palang sabihin ni Josh sa angel ay yung mababait dahil lagi nyang napapanood sa tv na pag angel ka ay mabait ka.