Subscribe to Apple of my Eyes Subscribe to Apple of my Eyes's comments

Nagsayaw sina Tin-tin noong foundation day nila sa school. Syempre ang role ng parents ay manood , pumalakpak at manguha ng litrato. Ano pa nga ba?

dsc_0253-small.jpg
dsc_0252-small.jpg
dsc_0251-small.jpg

Sinenyasan ako ng isang nanay at itinuro si Josh na feel na feel yung pagsasayaw ng ate nya. Noong una ay nakaupo lang sya, siguro hirap bumanat ng sayaw kaya tumayo. Kaso pinaupo sya ulit nung isang teacher at hindi raw makita sa may likuran.

dsc_0272-small.jpg
dsc_0269-small.jpg
dsc_0270-small.jpg
dsc_0271-small.jpg

Last week naman nagkaroon ng Spelling, Science and math Quiz Bee. May elimination sa bawat level at yung top 10 lang ang kukunin para ma qualify sa Quiz Bee. Pag-uwi nila galing school ay unahan sa pagbabalita

Justin: Ma, kasali po ako sa Science.

Tin: Ma, ako po sa Spelling.

Josh: Ma, ako wala. All subject wala!

Me: Baka di ka sumali?

Josh: Ma, I told them sasali ako pero ayaw ni titser eh.

Justin: Josh, elimination yun, hindi pwede yung basta ka na lang sasali.

Josh: Ano ba yung elimination?

Natawa kami dahil very eager pa sya na nakikisingit at parang proud na hindi sya kasali, napaka inosente pa talaga ng batang ito.

After the Quiz Bee, Tin-tin won 3rd place sa buong higschool department. Happy raw ba ako na 3rd lang sya? Sabi ko very proud dahil 2nd year lang sya pero nasama sya top 3 .

Si Justin eliminated na raw pagdating sa difficult. Sabi ko, “It’s ok at least you did your best.”

Favor nga pala sa lahat ng wordpress na may bantay na napakahigpit na si Tatang Akismet, paki tsek naman ang spam comments nyo kasi dun yata lahat pumapasok ang mga comments ko sa mga blog nyo. Hindi ko alam kung bakit hindi makalusot ang ip ko sa wordpress.

Nagkaroon ng “singaw” virus dito sa place namin since last month pa. Ang daming nilalagnat na mga bata sa school at dahil daw sa singaw sa bibig, pero kakaiba dahil hindi lang sa bibig kundi hanggang lalamunan. Sabi ng nanay ko noon pag mainit daw ang panahon uso talaga ang singaw, nagyeyelo nga rito sa lamig eh. Pag daw hindi ka naliligo araw-araw pwede ka rin daw magka singaw or pag di ka regular na nag totoothbrush. Hindi siguro.

Then si Josh bigla na lang nilagnat at masakit daw ang throat, nahawa na rin pala. For 2 days ay iyak sya nang iyak dahil gusto nyang kumain pero hindi raw nya talaga kaya. Nakatitig sya sa food sabay tumutulo ang luha dahil hindi sya makalunok. Juice at tubig lang naiinom nya pero kita pa rin sa mukha nya na hirap talagang lunukin.

After 4 days medyo ok na sya at sinamahan ko sa school pagpasok. May nakita akong kaklase nya na umiiyak sa isang sulok. Nilapitan ko at tinanong bakit sya umiiyak. “Tita, masakit po lalamunan ko, may ulcer po ako.” “ Ha? Ulcer ? Di ba sa tummy dapat masakit syo pag ulcer?” “No, tita, the doctor said it’s ulcer.” Pag-uwi ko sa bahay tinanong ko agad si Mr. Google kung bakit may ulcer sa lalamunan? Tama nga yung bata…hehehe. Yun pala yung term sa singaw.

“Oral ulcers / minor aphthous ulcers.”

This is the most common and least severe form of the disease. Aphthous ulcers develop in childhood and adolescence, and continue sporadically throughout life. Aphthous ulcers occur exclusively on non-keratinized, moveable mucosa, such as buccal (cheeks) and lingual mucosa, the floor of the mouth, and the soft palate. It is characterized as a yellow-gray ulcer surrounded by an erythematous halo less than 10 mm in diameter. They tend to heal without scarring in 7–10 days. Typical treatment is with topical steroids, although treatment is not necessary for healing to occur.

After one week ok na si Josh, sumunod naman si Justin. Ganoon din lagnat muna then saka sumakit ang lalamunan at umiiyak na rin sa sakit. Last week nagkaroon din si kd….hehehe. Pinagtatawanan ko sya dahil sabi ko pambata lang yung sakit na yun eh nakigaya pa sya. Tapos kahapon paggising ko parang dry ang pakiramdam ko sa lips ko…wahhhh…meron din ako. May gamot naman na bigay ang doktor pero masakit pa rin. Ang hirap magsalita. Di ako sumasagot ng phone, text na lang saka chat…hehehe. Baka may alam kayong ibang gamot please sabihin nyo na.

Technorati Profile

Natanaw na naman namin sa langit ang napakaliwanag na spotlight, ibig sabihin may bagong tindahan na naman ang nagbukas. Syempre dapat makita kung ano yun. Pagdating namin sa place ang sikip sa parking pa lang. Pinagkaguluhan talaga nila (kasama na kami).

11122007182-small.jpg
11122007003-small.jpg

Pasok si kd sa men’s section, (remember hiwalay dito ang pinto ng babae sa lalaki), labas sya ulit dahil hindi makasingit sa haba ng pila. So ako na lang ang nakipila sa pinto ng mga babae, ilang minuto rin bago ako nakalapit sa may harapan. Buti na lang puro pala mga pinoy ang crew kaya senyasan na lang kami na sabi ko isang box at bahala na sya sa flavor. Senyas din sya na dun na lang daw sa counter, eh di nauna pa kami sa mga dinatnan namin dun..bad..hehehe.

Heto yung pinagkakaguluhan ngayon dito na ewan pero di ko sya masyadong gusto dahil sobrang tamis. Feeling ko diabetes ang kalalabasan pag nakaubos ako ng 2 piraso. Mas type ko pa rin ang Dunkin Donuts.

dsc_0141-small.jpg

Pagbukas namin sa car ng box yung 12 pcs na order ko ay 14 pala. Pag kababayan ang nagtitinda madalas ipamigay ang tinda ng amo nila…hehehe.

11122007180-small.jpg

Price nga pala dito ng Krispy Kreme ay SR4/each or around P45/each. Ok lang ba ang price kumpara sa pinas?

Believe it or not but it’s true, may snow sa Saudi. Grabe ang lamig dito sa amin ngayon. For more than 14 years na andito kami ngayon lang kami nakaranas ng ganito kalamig na winter. Mahirap dahil ang mga bahay dito ay hindi naman naka design para sa napakalamig na winter. Umaasa lang sa mga portable heater or heater sa mga aircon.

Nagugulat nga si Josh dahil bakit daw umuusok ang bibig nya pag nagsasalita sya. Dati kahit winter di mo yan mapagsuot ng jacket, ngayon kahit hate nya magsuot ng gloves wala syang choice dahil hindi nya rin makayanan ang sobrang lamig.

Noong maliit pa si Tin-tin hindi mo yan mapapatulog sa gabi kung hindi mo muna babasahan ng book. Kahit paulit-ulit lang yung binabasa mo ok lang sa kanya. Ngayon iba na yung mga kwentong gustong naririnig. Paulit-ulit na pinapakwento kung saan at paano raw kami nagkakilala ni Dada nya… at kung anu-ano pa. Then noong isang araw sabi nya,
“Ma, ilang taon kayo nag-asawa?”
“22″
“Eh, ilang taon kayo nagkaroon ng first boyfriend?”
(Nag-isip muna ako, sasabihin ko ba?)
“Ma! Ilang taon kayo nag ka bf?”
“15, pero 4th year na ako nun.”
“Pwede na ba ako magka boyfriend?” (Hindi nya sinabi ito naisip ko lang na baka ito ang kasunod…hehehe. )

Ipaghanda ko raw sya sa birthday nya (13 na sya) dahil marami syang invited friends. Pwede raw ba syang mag invite ng boys? Magpaalam ka kako kay Dada. Di bale na lang daw kasi sigurado na hindi papayag…hehehe.

dsc_0416-small.jpg

Kung pwede raw wag na lang syang bilhan ng cake kasi hindi na sya bata. Kaso makulit yung tatay pinagawan pa rin. Noong magsisimula na ang kainan, lumabas si tin-tin sa kitchen, “Ma, si dada pinagboblow ako ng candle sa cake, nakakahiya sa mga klasmeyts ko, ang tanda ko na eh.” Buti na lang may nag volunteer na bata…hehehe.

dsc_0420-small.jpg

Just imagine kung ano hitsura ng room nila after ng party, buti hindi bumigay yung bed sa dami ng mga bata.Parang ang tahimik nila no? Kasi yung iba nasa PS2, merong nasa pc, gameboy at PSP. Ganyan kasi ang buhay ng mga bata rito, medyo kulang sa outdoor activities.

dsc_0412-small.jpg

Bagong cellpone ang hiningi ni tin-tin na birthday gift. Katabi na nga sa pagtulog at laging nakadikit sa tenga at ginawang MP3, ni loadan kasi ng mga songs. Sinita ko minsan dahil nakita ko na puro pictures ng mga boys ang wallpaper nya. Natawa sa akin si kd dahil mga artista pala yun ng highschool musical yata .

dsc_0505-small.jpg

Minsan naman, early in the morning nasa bathroom sya at naghahanda para sa pagpasok sa school. Naririnig ko ang ringtone na may mga pumapasok na text pero di ko naman mahanap ang cellpone. Sinundan ko yung tunog at nakatago pala sa mga damit nya sa cabinet. Kinuha ko para sana tsek kung sino ang text nang text. Di ko mabuksan dahil may security code.

04122007176-small.jpg

Paglabas nya ng bathroom sinita ko bakit may code pa ang cellpone nya. Sabi ba naman, “Ma, give me privacy please.” “Privacy-privacy ka ryan, sige mula ngayon ikaw na bumili ng load mo, gusto mo pala ng privacy.” “Ma, di ka na mabiro, yan o wala ng code, binabasa kasi minsan ng mga klasmeyts ko inbox kaya nilalagyan ko ng lock.”

Tumawag ang ninong nya (andito rin sa saudi) at tinatanong kung ano ang gustong gift? “Ninong, text ko na lang ho mamaya.”

Heto yung text, “Ninong pwede po bang apple ipod shuffle na color pink na lang.” Ok daw sabi ng ninong. Kaya kinabukasan dala na yung gift.

05012008257-small.jpg

Kung may inaanak kayo na teenager wag nyo tatanungin ng gusto at baka humingi ng N95 na cellpone. Papakumpilan ko nga pala si tin-tin this year baka gusto nyong anakin…hehehe.