Subscribe to Apple of my Eyes Subscribe to Apple of my Eyes's comments

Busy ako sa pagsusulat ng mga bibilhin para sa catering nang bigla kong maalala na matagal na nga pala akong walang update. Nasa tabi ko si Josh at naglalaro ng PSP, habang bukas ang tv at palabas naman ang eat bulaga. Sabi ko kay Josh, ” Josh can you dance kagat-labi, then i’ll post it on my blog, wala pa akong update eh.” “Nag-isip sandali then “ok.”

So habang busy pa ako at di makabloghop si Josh muna bahalang mag entertain sa inyo rito. Problema lang hindi ko sya alam ayusin…hehehe. Baka alam nyo please…. para hindi mahirap panoorin.

Maraming salamat sa lahat ng mga bumati sa text, sa YM, sa Ringo, sa friendster, sa blog…etc.

Late na nagsitulog ang mga bata dahil hinihintay daw nilang nag 12midnight para mabati nila ako ng happy birthday. Isa-isa silang nagsipasok sa kitchen para magkiss at mag greet. Pinakahuli si Joshua sabay sabi,

“Mama, you know we will have a surprise for you tonight. We will buy flowers, chocolates, teddy bear and we will go to a nice restaurant.”

“No need anak for a teddy bear because I already have papa bear, joshua bear ,justin bear and tin-tin bear.”

Tawa nang tawa kasi alam nya dahil malaki ang tummy nya. Narinig ni Justin usapan namin,

“Josh, why did you tell the surprise? It’s our secret right?”

“Kuya, you didn’t tell me it’s a secret.”

“Josh talaga!”

Mamaya na lang ako post ng pictures sa celebration. Thanks to all.

Birthday Update

Ito pala yung sinasabi ni Josh na surprise.

dsc_0151-small.jpg

Palagay ko nagbabasa ng blog itong mga anak ko eh, may pa-award award pa sila…hehehe.

dsc_0156-small.jpg

Hhhmmm…ano kayang masarap dito?

dsc_0164-small.jpg
dsc_0167-small.jpg

Makikain muna kayo sa handa ko.

dsc_0183-small.jpg
dsc_0184-small.jpg

With matching singing waiters pa. Medyo nakakahiya lang pala kasi lahat ng kumakain sa restaurant ay nakatingin sa table namin habang kinakantahan ako ng happy birthday ng mga waiters.

dsc_0192-small.jpg
dsc_0194-small.jpg

To KD and my 3 beautiful kids, thanks for a wonderful birthday!!!

TAG from Liza

Ann, may tag ako sa ‘yo. Interesting kase eh, di bale na ibang utang mo hehe, ito na lang ang gawin mo pag di ka na busy.”

Parang naguilty naman ako rito…hehehe. Ang dami ko na kasing utang na tag sa kanya. Kaya gagawin ko na ito .

The question is, What is your greatest fear as a mommy?

Kahit siguro sinong nanay laging andun yung fear na mawala sa kanya ang mga anak o sya naman ang mahiwalay agad sa mga anak.

Eight years ago, dalawa pa lang kids ko noon (ages 5 and 1). Nagpa general check-up ako dahil sa irregular monthly period ko. After namin makuha yung resulta, ok naman lahat maliban sa ultra sound na kailangan daw kami makausap ng doktor. May nakita raw kasing bukol o cyst sa matris at kailangang ulitin ang ultra sound. Binigyan kami ng referral sa ibang doktor. Kinabahan ako dahil sa mga nababasa ko na wala naman daw usually symptoms ang ovarian cancer.

After ko ma ultra sound ulit, pinaghintay kami ng mga 2 hours para sa result. Habang naka-upo kami ni kd sa waiting room hindi kami nagkikibuan. Para bang 2 days yung 2 hours na paghihintay. Ang daming pumasok sa isip ko. Paano kung cancer ang sakit ko? Paano kung mamamatay na pala ako? Naisip ko mga bata, isang 5 at 1 yr old, napaka-aga pa para mawalan ng nanay. Sino mag-aalaga sa kanila? Kaya bang ibigay ng iba yung pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanila?

Sabi ko nga kay kd noon, kung sakali at mag-aasawa sya ulit sana wag yung aapihin ang mga anak ko dahil babalikan ko sila…hehehe. I’m serious Nagalit pa nga sya sa akin dahil ang layo na pala nang narating ng isip ko.

Pagpasok namin sa doctor’s room, nakangiti yung doktor at sabi nya ,”There’s nothing to worry about. Everything is fine , just an ordinary cyst found in every woman’s uterus.” Parang ang gaan ng pakiramdam ko noon. We really thanked God for that.

Ang dami palang klase ng ovarian cyst, at yung nakita sa akin ay ganito ang explanation ng doktor, “A corpus luteum cyst, another type of functional cyst, forms if the sac doesn’t dissolve. Instead, the sac seals off after the egg is released. Fluid then builds up inside of it. This type of cyst usually goes away on its own after a few weeks. However, it can grow to almost four inches and may bleed or twist the ovary and cause pain. Clomid or Serophene, which are drugs used to induce ovulation, can raise the risk of getting this type of cyst. These cysts are almost never associated with cancer. “

Nag clomid nga pala ako noon para mabuntis kaya siguro nagkaroon ako ng ganitong klase ng ovarian cyst. From then on I make sure na regular ang check-up ko. Reminder sa mga nanay na tulad ko, pap smear is necessary kahit at least once a year.

Habang busy pa ako sa pag-aasikaso sa skedyul ng aking negosyo hatulan nyo muna si KD sa kanyang bagong hobby. Walang bolahan ha? Para kung wala syang future sa putography ay maturuan ko na ring magluto…hehehe.

Problema lang dito sa place namin walang magandang subject para kuhanan dahil bawal sa labas. Kaya dyan lang sya sa rooftop kasama ang mga satellite dish. Minsan nabobola ang 3 anak para maging models pero may kasama pang suhol na Mcdo yan…hehehe.

dsc_0172-small.jpg
dsc_0168-small.jpg
dsc_0160-small.jpg
dsc_0177-small.jpg
dsc_0154-small.jpg
dsc_0175-small.jpg
dsc_0019-small.jpg
dsc_0060-small.jpg