Subscribe to Apple of my Eyes Subscribe to Apple of my Eyes's comments

Malapit na ang Pasko, panahon na naman ng mga christmas party. Magiging very busy na naman ang aking munting negosyo. Ang sarap mag business dito dahil hindi uso ang “pay later.” Minsan advance pa nga ang payment para sure na hindi makalimutan yung order nila. Lahat kasi may trabaho at may sweldo. Sarap sana kung sa pinas lahat ng tao may trabaho, wala nang lalabas ng bansa at wala na ring homesick na ofw.

Kung sa isang kasalan sinasabi nila na hindi nawawalan ng mga iilang kapalpakan. Meron din nangyayari sa catering ko na hindi maiwasan. For almost 2 years in the business may mga ilang unforgetable experiences na rin kaming naranasan. Sana hindi nagbabasa ng blog ko yung mga costumer ko rito. Lagyan natin ng tag na ganito:

(Nakakahiya) Last summer nag cater ako sa isang birthday party. Alam nyo naman ang summer dito sobrang init talaga. Pagdating namin sa venue ng 6pm(private resort) wala pang tao, ang init sa place, kabubukas pa lang ng mga aircon. Hinintay pa namin yung maintenance ng resort. Worried ako sa mga ulam baka masira. Pagdating ng mga bisita ang dami pang activities na ginawa bago nagpakain. Mga 9:30pm nag start na mag dinner. Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkabukas ko sa fried rice, may amoy na. Napanis yung 3 malalaking tray. Nakapila na ang mga bisita. Hay…buti na lang may spaghetti at kahit papaano parang rice na rin yun kaya lang nakakahiya talaga dun sa nag pa birthday. Nagpabili sila ng rice sa labas pero halos tapos na rin magsikain noong dumating dahil medyo malayo ang resort.

Nagbayad pa rin ng full yung nagpa birthday dahil sabi nya wala naman daw may gusto nang nangyari. Kinabukasan ni refund ko sa kanya yung half ng price sa fried rice dahil hindi ako nakatulog noong gabi sa kakaisip sa nangyari. After 2 months tumawag yung nagpabirthday at gusto raw nya mag SBD. Pwede raw ba makahingi ng discount, hindi sya nag dalawang salita at oo agad ako. Parang bawi ko sa kanya dun sa nangyari sa party nya.

(Nakakainis) May catering ako ng Friday night, usually pag ganyang araw Wednesday night pa lang namimili na ako para Thursday ay start na ako mag prepare ng mga vegetables. Tumawag yung nag oorder ng wednesday night , papacancel daw nya yung order kasi nagkaproblema sila ng husband nya. Hindi na raw matutuloy yung party, naipamigay na nga yata ibang mga invitations, ok na rin yung booking sa venue. Ano naman syempre ang isasagot ko eh di ok lang kahit nakapamili na ako. Buti na lang yung ibang napamili ko nagamit ko sa sbd pero marami pa ring nasirang vegetables.

(Nakakatawa) Nangyari ito last year pa, naalala ko lang kasi tumawag ulit yung isang kasamahan nila at malapit na ulit yung anniversary ng grupo nila kaya mag-oorder ulit. Sabi nung kausap ko sa grupo noon, “Ate Ann, 11o’clock ang delivery nyan sa Thursday ha, dun na lang sa bahay ni tito jun, tawagan mo na lang ako sa cel sigurado andun na ako.” So mga 10 am malapit na akong matapos magluto sabi ko kay KD tawagan yung tao para tsek kung may tao nga dun sa venue, walang sumasagot. Tinawagan ko yung contact ko sa cel nya at ganito usapan namin. Tawagin ko na lang syang pedro at baka ma search nya sa google…hehehe.

Me: Hello! Pedro, asan ka?
Pedro: Andito pa ako sa office ate ann, why?
Me: Anong time ka pupunta dun sa venue, tumatawag kasi ako walang sumasagot.
Pedro: Wala pa talagang tao dun. Pero mga 4pm andun na ako dahil mag-aayos pa ako ng mga tables.
Me: ha? Why 4pm? Anong time ba yung party nyo?
Pedro: Mamaya pang 12midnight ang start kasi overnight yun kaya nga 11pm ko pinapadeliver para mainit pa bago mag 12.
Me: Ah..ganun ba. O sige eh di mamaya na lang mga 11pm.
Pedro: Ok Thank you. Bye.

Pagkababa ko ng phone, tinawag ko si kd at masakit na ang tyan ko sa katatawa. Ano raw ba ang nangyari? Pagkasabi ko sa kanya natawa na rin sya, bakit daw hindi ko nilinaw yung oras? Malay ko ba naman na 11pm yun. Ngayon pa lang may nag order sa akin na 12midnight pala magkakainan.

Problema….anong gagawin ko sa mga pagkain na luto na? Nilagay na lang namin sa ref at ininit na lang bago mag deliver kinagabihan, kaya sana hindi ito mabasa ni Pedro…hehehe.

Minor incidents na lang yung mga nakalimutan yung mga serving spoons, pink yung nadalang table cloth eh boy pala yung may birthday, naiwan yung sauce ng calamares or camaron at lately lang last friday nakalimutan yung bagoong sa kare-kare. What is kare-kare w/o bagoong di ba? Buti na lang may dalang bagoong yung isang nag cater din.

Pero dahil sa mga pangyayaring ganito naging extra careful na ako para maiwasan yung mga ibang kapalpakan. Lagi ko na rin sinisigurado kung AM or PM ba yung time.

The Performer

dsc_0015-small.jpg
dsc_0018-small.jpg
dsc_0014-small.jpg
dsc_0017-small.jpg

Nagkaroon ng mini-concert (recital) noon dito ang isang grupo ng mga kabataan. Napanood pa nga sa TFC, middle east. After the concert ang daming bumabati sa amin kahit saan, lalo na sa mga supermarket na nakakakilala kay Joshua.

“Wow! Josh, ang galing mo palang kumanta.” “Josh, nakita kita sa tv last friday.” “Josh, congrats singer ka pala.” “Tita Ann, kumakanta po pala si Joshua.” “Josh, sample naman tulad nung kinanta mo sa recital.” “Tita Ann, hindi po pala Joshua ang tunay nyang name?”

Isa lang naman ang sagot ni Josh sa kanila lagi. “What? I don’t know what you’re talking about. I’m not a singer.”

Napapagod na rin ako sa kakasagot sa mga nagtatanong na hindi nga sya yung kumakanta na nakita nila sa TFC. Kamukha lang. Noong unang makita ni kd yung batang yun sa school na nakatalikod akala nya si joshua rin. Medyo matangkad at mas mataba lang kay Josh.

dsc_0065-small.jpg
dsc_0112-small.jpg

Last friday ay may catering ako sa isang birthday party. Actually, dalawa kaming caterer dahil medyo malaki yung party at di kakayanin ng powers ko. Dyan nga yung kumanta ulit yung bata. Kinunan ni kd ng picture para makita kung kamukha nga ni joshua at napagkakamalan lagi. Sabi nga ng isang kabayan baka raw anak sa labas ni kd. Natawa ako sa biro nya pero parang bigla yata akong nag-isip….hehehe.

Usapang bahay:

Me: Justin, you call ate, kakain na tayo.
Justin: She’s on the phone.
KD: Tin, sino kausap mo?
Tin: Classmate ko po.
KD: Babae o lalaki?
Josh: Yes, boy or girl?
Me: Para tayong nasa police station, ang higpit ng mga bantay.
Tin: Pati naman tong si Joshua nakikisali , parang tatay.
Josh: I’m not tatay! I’m buntis!
Justin: hehehe…yes buntis ka nga! Laki ng tummy mo eh.
Josh: Mama! What’s that you told me…I’m buntis ba? Yung last baby mo?
Me: Bunso! not buntis.
Josh: Oh, that’s it! I’m bunso not tatay ok ate?

Hindi masyadong mahigpit si kd no?

Kinagabihan namili kami ng damit ni Tin-tin na gagamitin sa foundation nila. Ang hirap talaga kapag lumalaki na ang mga bata, sila na ang namimili. Unlike dati kung ano yung bilhin ko yun ang isusuot nila. Buti pa si Josh kahit anong kulay oks lang sa kanya sa ngayon.

Bumili si Tin-tin ng sunglasses, sobrang laki na halos takip na yung kalahati ng mukha nya. Hindi ko sana gusto kaya lang sya naman daw ang magsusuot. Then may dinampot na kulay silver na relo, babayaran ko na sana kaya lang napansin ni kd yung design. Bakit daw ang daming “bungo?” Noon ko lang din napagmasdang mabuti, pati yung pinakabilog na orasan ay may design na malaking X (parang sa logo ng poison). As expected, hindi pumasa sa tatay.

Lumabas kami sa mall na nakasimangot si Tin-tin. Sabi kasi ni kd, ibang design na lang daw ang kunin at huwag yun na parang pang adik ang dating. Eh anong design daw? Hello Kitty? (sarap kutusan ng anak…hehehe.) Katwiran nya, iba na raw ang panahon namin sa panahon nila. Napahaba tuloy ang usapan. Ang hirap minsan magdisiplina ng anak kapag lumalaki na sila. Ang hirap pagpaliwanagan na iba man ang panahon ngayon hindi ibig sabihin ay hahayaan na lang silang sumunod sa agos kahit nakakasama sa kanila. Kaya nga may mga magulang para gabayan sila.

Si Justin at Josh, at their age dapat fascinated pa sila sa mga toys. Pero iba na rin ang hilig, pag napapasok sa mall mas may attraction sa kanila ang mga ganito:

02112007042-small.jpg
02112007040-small.jpg
02112007039-jpg

Mas alam pa nila kaysa sa akin ang mga bagong models ng cellphone at computers.

Investiture

Last Wednesday nagkaroon ng investiture ng mga boy/girl scouts sa school. Sabi nga ni tin-tin punta raw ako dahil sya yung emcee sa program at the same time kailangan din ako para sa paglalagay ng scarf. Tutulungan daw nila akong magluto at magprepare ng sbd para matapos ako nang mas maaga. Alam kasi nila na oras ng tulog ko yung time ng investiture. Wala sana akong plano na pumunta kaya hindi ako nangako sa kanila. Sabi ni Justin, “Ok lang mama, sige po matulog na lang kayo, yung iba hindi rin daw po makakapunta yung parents nila.”

Pero kahit wala pa akong tulog kinabukasan ay sumama na rin ako sa kanila sa school. Dati ang hirap gisingin ni Josh sa umaga pag papasok na. Noong sabihin ko na sasama ako ay ang bilis tumayo at nagpaligo.

img_5243-small.jpg

Andun si Tin-tin sa stage, di ko makuhanan ng malapitan at bawal lumapit sa harapan.

Pagdating sa school, lapit agad sa akin yung isang bata na anak ng kaibigan ko. “Tita, pwede po magpalagay ng scarf mamaya, may pasok po si mama eh, hindi makakapunta.” So ako muna ang nanay ng batang ito sa investiture. After ko kay Josh ay sya naman ang nilagyan ko ng scarf.

pict0556-small.jpg

Meron ulit 2 girl scouts ang lumapit na kung pwede raw lagyan ko sila ng pin dahil wala rin silang parents. Sabi ko sige after nung isa isunod ko naman yung isa tutal magkatabi lang naman sila. Mabuti na lang biglang dumating yung tatay ng isang bata, nagpaalam yata sa boss nya kaya nakasaglit sa school kahit isang oras lang. Makikita mo talaga sa mukha nung bata yung saya sa biglang pagdating ng daddy nya.

pict0565-small.jpg

Naisip ko tuloy kung sakali na hindi ako nagpunta malamang isa rin sina Josh at Justin sa mga batang naghahanap ng kakilala para lagyan sila ng scarf. Nakakaawa yung ibang bata na walang parents na dumating, kita sa mga mukha nila yung lungkot habang nakatingin sa mga kaklase na may picture taking pa kasama mga parents nila. Kung bakit naman kasi ginawa yung program ay Wednesday at oras pa ng pasok sa mga opisina.

Habang kinukunan ko ng picture si josh may isang batang ayaw paawat sa nanay ang pilit sumasali sa pila nila. Naiisip ko na baka maipit o madaganan eh kawawa naman, sana man lang kung maliit si Josh….hehehe.

img_5257-small.jpg
img_5258-small.jpg

Start na sila ng martsa at cheering, andun pa rin yung bata. Maya-maya yung nanay na nasa tabi ko tumatakbo na kasi yung anak nya naapakan na yata.

img_5255-small.jpg

Buti na lang hindi si Joshua ang nakadagan dun sa bata.