Subscribe to Apple of my Eyes Subscribe to Apple of my Eyes's comments

Namimili ako ng gulay para sa sbd noong isang araw. Napansin ko yung mga corn sa malayo na medyo kakaiba dahil hindi dilaw ang kulay. Mga decorations pala para sa Halloween. Na curious na rin kaming tingnan pa yung iba’t-ibang pumpkins.

22102007-small.jpg

Ang cute ng mga ito. Ewan kung hindi lang lumaki or talagang ganyan lang talaga sila.

22102007001-small.jpg
29102007004-small.jpg

Ito namang mga ito, nakakatawa kasi iba-iba yung hugis nila. May mukhang ampalaya, bayabas, melon at talong pero kalabasa sila talaga. Kumbaga sa produkto ay parang mga reject pero noong mamili ako ulit sa supermarket ay halos paubos na sila. Hhhmmm…isinahog kaya sila sa pinakbet?

29102007006-small.jpg

Ito naman yung corn na kulay itim. May ganyang kulay ba talaga ng corn o kinulayan lang kaya?

22102007003-small.jpg
29102007005-small.jpg
22102007002-small.jpg

Eto ang cute, pang halloween ba ito eh mukhang napakalambing. Sabi ni kd bilhin daw namin at magandang pang display. Tinimbang ko sya almost 1 kilo ang bigat. Hinanap ko yung price at pagkakita ay ibinalik ko sa lalagyan…hehehe. SR102/kl (P1,224).

22102007004-small.jpg

Naalala ko noong isang bakasyon namin. Sinundo ni kd si Tin-tin sa bahay ni Mil at dumaan daw sila sa memorial park para dalawin ang puntod ng daddy ni kd. Last na punta kasi nya run ay noong libing pa. Pagdating nila sa bahay ay napansin ko na parehong namumula pa yung mga mata nila. Sabi ko, “mukhang nag-iyakan pa kayo sa memorial ah?” Nagtinginan silang mag-ama at sabay nagtawanan. Pagdating daw kasi sa memorial hindi matandaan ni kd yung puntod ng daddy nya kung nasaan. Tandaan lang nya andun sa tabi ng malaking puno sa tabi ng poste. May nakita silang puntod na walang pangalan at huling kita raw ni kd ay wala pa ngang pangalan yung sa daddy nya.

Nagsindi sila ng kandila, nilagay yung flowers, nagdasal at may iyakan pa nga raw. After nilang mag emote na mag-ama sa harap ng puntod ay uuwi na sana sila pero si tin-tin ay nalibang daw sa pagbabasa ng mga pangalan sa bawa’t puntod. Wala kasing cemetery dito. Sabi raw ni tin2, “Dada look! Same ng name ng daddy nyo ito.” Lapit naman daw si kd. Mali pala sila ng puntod na iniyakan…hehehe. Inilipat na lang daw nila yung candle at flowers dun sa totoong puntod ng daddy nya. Eh di kako iyakan kayo ulit? Hindi na raw kasi si tin2 daw di mapigil sa katatawa.

Ilang araw na rin akong nakakatanggap ng ganitong email na kumakalat ngayon dito sa middle east. Lumalaki na kasi ang problema ng ibang ofw lalo na yung maliliit lang ang sweldo, ramdam nila ang pagbaba ng dollars laban sa peso. Just want to share this email :

MGA BINIBINI, GINANG AT GINOO,

ITO PO AY IDEA NG ILAN NATIN KAPWA OFW NA LUBHANG NAAPEKTUHAN DAHIL SA
PATULOY NA PAGTAAS NG PISO, AT INAAKALA NILANG “ARTIFICIAL” LANG. . .

AYON SA IBANG NAKAKA-ALAM, ANG MASAKIT PA NITO AY PERA PO NG OFW ANG
GINAGAMIT NG BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS PARA PALAKASIN ANG PISO. KAYA
SINASABI NILA NA BINIBIGTI NATIN ANG ATING SARILI. . .

SA MADALING KUWENTADA, KUNG ANG ISANG OFW AY NAGPAPADALA SA KANYANG
PAMILYA NG $1,000 KADA BUWAN, ANG HALAGA NOONG AY 54,000 PESOS. SA
NGAYON AY 44,000 PESOS NA LANG. NABAWASAN NG 10,000 PESOS KAAGAD, DAHIL
SA EXCHANGE RATE. IDAGDAG PA DITO ANG PATULOY DIN NA PAGTAAS NG MGA
BILIHIN SA ATIN, KAHIT NA ANG PISO AY LUMAKAS. SUMA-TOTAL, PARANG
SPAGHETTI NA TAYO. . . PABABA NG PABABA ANG HALAGA NG PERANG PINADADALA
NATIN, PATAAS NG PATAAS NAMAN ANG MGA BILIHIN, KAYA YONG “GAP” AY LALONG
LUMALAKI. . .ANGAL NG ANGAL DIN ANG ATING PAMILYA SA PINAS. .
KAYA ITO ANG NAISIP NILANG PARAA. . . BASAHIN. . . . .

Mga Kabayan,

Baka click itong suggestion na ito… Subukan nating wag magpadala mula Nov. 1 to 5 na para malaman natin kung may epekto o wala…Siguro nga kung lahat ng OFW, magkaka-isang hindi magpadala baka magkarun ng epekto…subuk lang naman…ipasa nyo sa lahat ng kaibigan nating OFW… Another alternative would be for all participating OFWs not to send money on certain dates so that we can see how far we can do it. If it becomes successful then we will wage another ” no sending remittance” scheme again on a particular date.

For example : ( Kailangan po dito ay sabay-sabay na di magpapadala, para malaki ang puwersa, di maaaring isa-isa) Kailangan pangkalahatan ito,
pero ating paghandaang mabuti para pamilya natin di umasa).

1. NOBODY will send remittance on Nov.1 - All Sainst Day. - Patayin din natin ang pagpadala sa Pinas. One day lang.
2. Next date : Bigger Group : Nov. 2, All Souls Day - Pataying din nating ang pagpadala sa araw ng mga multo este ng mga kaluluwa. One day lang to.

According to one of the money changer information, isang oras or dalawang oras lang na walang magpadala, malaking kababalaghan ang
mangyayari sa money remittance system.

Kung ganun pala, KUNG LAHAT TAYO AY MAGKAKAISA NA WALANG MAGPAPADALA SA NOV. 1 OR NOV. 2, MALAKING PINSALA ANG MANGYAYARI SA REMITTANCE SYSTEM AT LEAST KAHIT SA PINAS LANG, DI WORLDWIDE.

How about you? Affected din ba kayo ng pagbaba ng dollars?

After Ramadan ay may 10 days vacation dito ang mga tao. (yung iba 4 days lang).Sarado lahat ng mga tindahan maliban sa mga supermarket at restaurants. Nagkalat ang mga OFW na galing pa sa iba’t ibang panig ng disyerto. Kanya-kanyang paraan kung paano mawawala ang homesickness. Sa mga okasyong ganito kasi mas lalo nilang nararamdaman na malayo sila sa pamilya nila.

Nagplano kami na mag beach kaya lang nagkasakit naman ako. 2 days akong napahinga, sarap magtulog maghapon. Lumapit skin si Josh sa bed, tanong kung maysakit pa rin daw ako, sabi ko medyo. Sana raw gumaling na ako kasi kawawa naman sila dahil yung ibang friends nila ay pupunta sa beach. So kahit medyo nahihilo pa ako ay pinag handa ko sila ng gamit para makasama sa group outing.

Pagdating sa beach (public), ang daming tao. Ang dami ring kalat sa paligid. Isang problema rin kasi dito ang basura sa beach kapag holiday. Naghanap na lang kami ng medyo malinis at malayo sa mga katutubo. Yung damit nila na pampalit nakalimutan pa sa bahay kaya binalikan pa ni kd. More than 1 hour lang naman ang byahe…hehehe.

Hindi naman ako makaswimming kaya pinagbilin ko na lang si Josh kay Justin na alagaan ang kapatid nya. Nakakatuwa kasi hindi ko nakitang binitawan niya ang kamay ng kapatid nya. Mula sa paglusong sa tubig hanggang sa pag-ahon. Maalaga talaga si Justin , si Tin2 paglusong sa tubig ng hapon madilim na noong makita ko ulit.

May dumating na 2 katutubo sa tabi namin, ganda ng car naka chedeng pa. Naglabas ng 2 upuan at inayos yung kanilang fishing rod. Ano kaya ang mahuhuli nilang isda sa beach…hehehe. Ang lakas kaya ng alon, baka alimasag pwede pa.

Doon naman sa bandang likuran nina Josh ay may 2 babae na naliligo. Saan ka naman nakakita nang naliligo sa dagat ay naka abaya pa. Yung isa may takip pa sa ulo at yung isa naman ay mata lang talaga ang nakalabas.

dsc_0145-small.jpg
dsc_0147-small.jpg
dsc_0136-small.jpg

Pag-uwi namin ay may nakita silang spotlight na abot hanggang langit. Pag kasi may bagong bukas na tindahan dito ay laging may ganoon para siguro pang-akit sa tao. Baka raw restaurant kasi gutom na sila. Kainan nga, may Fridays na rin pala rito. Almost midnight na yata kami nakauwi. Kinabukasan maysakit na naman ako, nabinat yata. Pero ok lang at least enjoy ang mga bata, di naman mabibili yung saya nila habang nagtatampisaw sa tubig.

dsc_0001-small.jpg
dsc_0016-small.jpg

Request ni tito Royce, pictures daw ng food sa Fridays.

dsc_0152-small.jpg

Salad nila puro lettuce na may toppings lang na chicken (mas masarap pa yung sbd ko) love your own…hehehe.

dsc_0153-small.jpg

Beef ribs bbq, mas gusto ko pa rin yung sa Chilis.

dsc_0154-small.jpg
dsc_0155-small.jpg

Ito nagustuhan ng mga bata, yung mushroom na deep fried, ngayon lang din ako nakatikim nyan. Ang sarap! Try nyo pag napasyal kayo ng Fridays.

dsc_0021-small.jpg

Natambakan na ako ng mga tags, hindi ko na nga matandaan yung iba but i’ll try to answer them all. Tag ito ni Karen and here’s the question:

You accidentally met your childhood sweetheart that enable the both of you to have an open communication again. Are you going to tell your husband/wife about it or you’ll just try to hide it because you feel it’ll only hurt your partner?”

Few years ago, can’t remember the exact date. I received a text message from an old friend. Medyo kinabahan ako dahil nakita ko yung name, It’s from my first boyfriend. Kumustahan lang dahil almost 15 yrs na yata yung last time na nagkita kami. Excited rin na malaman kung sino naging wife nya and vice-versa.

Now, here’s Karen’s question, “Will you tell it or not?”

Hindi ko na sinabi kay kd dahil baka pagmulan pa ng misunderstanding. Kaya lang mula noon laging nakadikit sa akin ang cel ko baka kasi biglang mag text ay si kd ang makabasa. Ang hirap din pala kasi everytime na mag ring ang cel ko ay medyo kinakabahan ako. So after a week nagsabi na ako. Hhhmmm..walang reaction, tinitigan lang ako then kinuha yung cel ko. Sabi ko “wala na dyan yung mga text messages, deleted na kasi nga ayokong makita mo sana, simpleng kumustahan lang naman at balitaan ang mga yun.” defensive yata ang dating ko…hehehe. Kinabukasan biglang nawala yung name at number ni Ex sa phonebook ko, di na ako nagtanong obvious naman kung sino ang nagtanggal.

But lately bigla ulit kami nagkaroon ng communication thru chatting naman (YM). Internet talaga pinapaliit ang mundo. Hindi na naman ako nagsabi kay kd. Hindi ko kasi alam kung paano uumpisahan. So, balik ako sa kaba kapag sya yung nasa harap ng computer, baka kasi biglang mag buzz si Ex eh sya yung makasagot tulad nang nangyari kay Niceheart…lagot pag nagkataon.

Minsan nasa corniche kami at nagjogging, medyo malayo sa amin ang mga bata at napag-usapan namin ni kd ang mga nakaraan, medyo timing yata para magsabi. So, sinabi ko na yung tungkol sa YM, natahimik bigla. Sabi nya kelan pa? Lately lang kako. Sabi nya, “from now on wala ng internet, wala ng YM, wala na ring blog!” Lagot, pati blogging career ko nadamay. Sabi ko sa kanya, “bakit naman pati blogging? I’m old enough to handle things like this and besides I know my limitations when it comes to chatting.”

The next day nag disappear na yung YM id ni Ex sa list ko, napunta sa ignored section. Medyo nagbawas muna ako ng time sa blogging noon, nagpakabait muna ako…hehehe.

One morning tumawag si kd sa phone, nasa office na sya. Sabi nya tsek ko nga raw yung blog ko at sino yung isang nag comment doon na kapangalan ni Ex. Lagot na naman, si Ex nga! I checked my sitemeter, nabasa na pala ang buong archive ko mula pa sa blogspot. Akala ko noon eh last post ko na yun, pero hindi naman naging issue sa amin ni kd kahit pa naging regular visitor ko si Ex dito sa blog ko ,siguro dahil blogger din sya at naiintindihan nya na kahit sino ay may access sa blog.

Kaya mas ok talaga na sabihin na lang agad para di maging problema pagdating ng araw. How about you ? Will you tell it or not?

Worth nga ba?

Comment ito ni Agring sa isang post ko:

Busy rin ang catering business mo. Okay namn kaya ang reward! I’m talking about the profit.”

Kung profit ang pagbabasehan, everybody knows kung gaano ang kita pagdating sa food, worth talaga ang hirap at pagod. Ang sipag nga ni kd magdeliver dahil naibili ko sya ng camera na gusto nya. Kaya lang lately nakikita ko yung mga pagbabago, napilitan nga akong ipa tutor si Josh dahil nawalan ako ng time sa pagtuturo sa kanya. Si Tin2 na maintain naman nya ang standing nya sa school. Si Justin medyo bumaba nang kaunti.

Sabi nga minsan ni Justin miss na raw nya yung jogging namin sa corniche. Nawala nga pala yun sa itinerary namin dahil sa sbd. Pero mas nag-isip at naapektuhan ako last night sa sinabi ni Josh. Almost 11pm na kase ay ayaw pa nyang matulog, wala raw syang katabi. Sabi ko sige tatabihan muna kita bago ako magluto. Ang bilis nyang nahiga sa bed nya at yumakap sa akin. Sabi nya, ” Mama, I miss you.” “Andito lang naman ako sa bahay bakit mo ako mamimiss?” “Kase, you are always busy cooking in the kitchen.” “Ok cge I’ll stay here hanggang makatulog ka.” “Really? Promise? Ok Thank you Mama..I love you.”

Nag-usap nga kami ni kd after that, sabi ko nagkukulang nga ba ako sa mga bata? Siguro nabawasan yung dating time na naibibigay ko sa kanila pero andito pa rin naman ako lagi para asikasuhin sila. Sabi ni kd, naninibago lang sila dahil dati andito si mil, medyo natatakpan yung ibang time na hindi ko na maibigay lahat kaya noong mawala si mil ramdam nila yung pagiging busy ko. Naisip ko rin yung mga nanay na nasa abroad at hindi kasama ang mga anak, mas mahirap at mas hindi siguro maintindihan minsan ng mga anak na kaya andun sila eh dahil kailangan.

Dahil busy ako sa umaga madalas noon ay hindi na ako umaabot sa preparations ng snacks na baon nila sa recess. Kaya napilitan ako na bigyan ng pera ang mga bata pambili sa canteen.Tuwa naman si Josh dahil malamig daw yung juice na naiinom nya. Katagalan ayaw na magbaon ng pagkain, bibili na lang daw sa canteen at ang lakas humingi ng pera. At sabi ni Justin pinupuntahan pa raw sya minsan para manghingi ng pambili ng juice.(Wala naman syang mabibiling junk food sa canteen dahil bawal.) Napansin ko na hindi na maganda ang epekto sa kanya na laging may hawak na pera kaya pinilit ko na makapaghanda ng baon nila on time at hindi ko na sila binibigyan ng pera.

Kinabukasan, tuwang-tuwa sya na nagkukwento, sabi nya, “Mama, don’t give me money anymore. I don’t need it.” Sabi ko why? “I can drink juice now for free, I just tell my name to tito and he gave me juice, sandwich and everything I like.” “What? Meron bang ganun?” “Yes! You ask tito in the canteen.” So, tinawagan ko ang canteen…waaahhhhh….nangutang pala si Josh, kaya pala kailangan ang name ay para ilista. Pinabayaran ko kay kd at nagbilin na huwag basta bibigyan dahil may baon naman.

Napag-usapan na lang namin na siguro dapat magbawas din ako ng load, sobrang oras na nga naman ang nauubos sa catering ko.