Umuwi na si mil sa pinas last Saturday. Hindi na namin napigilan at tinalo ng homesickness. Nanibago kaming bigla dahil 4 months din siyang nag stay dito. Lalo na si Josh dahil naging sobrang close sila ni mil.
Last week kasi ay nagising si mil ng mga 2am at para daw syang nahihilo, then bigla na lang umiyak kaya dinala namin sa hospital. Sabi ng doktor medyo mataas daw ang blood pressure pero medyo ok pa rin naman sa age nya. Sobra lang daw sa kaiisip. Kaya kinausap sya ni kd, yun nga gusto na raw umuwi. Lately kasi ay hindi sya nakakatulog sa gabi, nakabantay sa akin habang naghahanda ako ng sbd. Then pag may napag-uusapan kaming mga tao sa pinas o medyo malungkot ay umiiyak sya. Sabi ko nga kay kd homesickness yun. Pina book ko sya ng sept 27, parang di nya type at medyo matagal pa raw, sabi ni kd pabook ko na raw kinabukasan…hehehe. Ang available na booking ay after 3 days pa, so nung malaman nya na 3 days na lang sya sa saudi naging magaan ang katawan at nangingiti na.
Noong malaman ni Josh na uuwi na ang lola nya ay biglang umiyak so inalo naman at sabi ay babalik din agad. Natawa lang kami sa sagot ni Josh habang kausap si mil, sabi nya “Mommy, who will scratch my back if you will go home na?” Tabi kasi silang natutulog at sinanay ni lola na hinihimas ang likod para makatulog.
Biglang nabago ang skedyul namin ni kd, dati ay nakakalabas kami na hindi nag-aalala sa mga bata dahil may kasama sa bahay, ngayon di na pwedeng lumabas ng hindi sila kasama. Problema tuloy ang pamimili para sa catering ko.
Napilitan din akong ikuha ng tutor si josh dahil nawalan ako ng time na turuan sya sa mga homeworks nya. Five days/week and 2 hrs/day for $100/month, ok na rin at enjoy naman sya sa tutorial nya. Kaya lang kanina pagdating nya galing sa tutor sabi ko,
“how’s your tutorial?”
“Very very fine! ”
“Nag quiz ba kayo?”
“Yes! Mama, What’s mean by susmaryosep?”
“Why? Sino nagsabi nun?
“My tutor. I gave her the results of my quizzes.”
Natawa ako at kinuha ko agad ang mga test papers nya. Gusto nyo makita? Wag na lang at baka mapa susmaryosep din kayo…hehehe.
Update about my sbd business. I didn’t imagine I can go this far. Akala ko noong una temporary lang, pero ngayon lalong naging sikat ang sbd ko rito. Nagdilang-anghel yung ibang commenters ko dito. Masarap sanang magkaroon ng malaking income kaya lang di ko maiwasan na hindi maging negative minsan. Para kasing bigla yung dating ng opportunity. May nag offer na magtayo raw kami ng restaurant at sya lahat ang bahala sa legalities. Sabi ko pag-iisipan muna namin ni kd.
Kaya para sa mga gustong magbawas ng timbang, eto sample meal para sa inyo.


