Dapat pala hiatus ulit ang title ng post ko sa tagal ng update, hindi halatang super busy ang WAHM (working-at-home-mom) sabi ni Analyze. Sa mga naka miss kay Josh, sya muna ang bida ngayon.
Excited si Josh sa birthday ng isang klasmeyt nya dahil kasama sya sa 7 roses. Pati pala 7th birthday ngayon ay parang debut na ang celebration w/ matching cotillion, 7 roses and 7 candles pa. One week before the celebration ay practice sila everyday para sa dance. Two days before yung party biglang nagback-out yung partner ni Josh. So, sabi ko sa mommy nung celebrant ako na maghahanap ng partner makasayaw lang sya at napapanaginipan na nya yung party…hehehe. May nakuha naman agad na kapalit yung mommy at dumating nga yung bago kasama pa parents sa practice. Excited din yung bata. Noong magsisimula na yung practice biglang dumating yung dati, nagbago raw ng isip at payag na ulit. Mas priority nung nagtuturo syempre yung dati dahil malapit na yung birthday kaysa dun sa bago. Kaya nahihiya man nag sorry na lang yung mommy ng celebrant dun sa parents nung bago.
Hindi dumating sa mismong birthday yung family noong batang papalit sana sa partner ni Josh. Sasama nga naman ang loob ng bata kapag nakitang nagsasayaw ang ibang bata na dapat sana ay kasama sya di ba? Hirap din kasi minsan mag explain sa bata kung bakit ganun ang nangyari, parang ako kay Josh noong magback-out yung partner nya, sabi nya, “Mama, please.. I want to dance.†Hangga’t kaya ng isang nanay na gawan ng paraan eh gagawin ang lahat.
Some pictures taken during the celebration.
Joshua’s “Isang Linggong Pag-ibig.â€
Two weeks pagka start ng klase sabi ni Josh, “Ma, I’ll tell you something. You know I have a crush.” “Oh! really! Who?” “You don’t know her because she just came from the Philippines.” “Ok, pakilala mo sa akin pag punta ko sa school nyo ha?” “Ma, it’s better if you will just buy me a cell phone so I can take her pictures.” (Parang nagpabili ng candy sa grocery…hehehe.)
Pagdating ni kd from office, kwento ko agad sa kanya.Tawa nga nang tawa. Sabi nya , “Josh, dapat bigyan mo ng gift yung crush mo, chocolates or perfume kaya.” “Dada, if I’ll do that my classmates will laugh at me.” Oo nga naman baka tuksuhin sya. Tatay kasi eh kunsintidor pa.
Namimili kami sa supermarket, nakita ko si kd may hawak na pink na ballpen w/ matching decoration pa na heart sa dulo. Bibilhin daw nya para ipabigay dun sa crush ni Josh…hay….
Everyday tuwing uuwi si Josh laging may kwento about dun sa girl, sexy daw at mabait. Alam kaya yung sexy? One day sabi nya, “Ma, she’s mad at me.” “Why?” ” I just told her that she’s my crush and then nagalit na.” “Wag mo na kasing sasabihin na crush mo sya.”
After one week, dumating sa bahay nakasimangot. Si kd pangiti-ngiti lang (sya kasi sumusundo sa kanila sa school). Tanungin ko raw si Josh bakit wala sa mood. Tinanong ko, biglang umiyak. Hindi na raw nya crush yung girl. “I will not go to school anymore. She’s not my crush now.” Ang bilis naman, ano ba kako ang nangyari? “Ma, she told me, her crush is Andrew.” Sabi ni MIL, “Josh, marami pang ibang girls, mas magaganda pa sa kanya.” Parang may anak na akong teen-ager…hehehe.
Birthday ni Josh next week at gusto raw nya sa Mcdo gawin ang celebration. May list sya ng mga invited nya at nakita ko na binura nya yung name nung girl..hahaha! Sabi ko, dapat kahit hindi na nya crush eh kasama pa rin sa mga invited nya, pumayag naman.
Sana dumating sa birthday ni Josh yung bata para makita ko yung unang heartache ng bunso ko…hehehe.