More than a month din pala akong walang update, nakakamiss talaga ang blogging. Hindi po kami nagbakasyon sa pinas. Medyo nagkaroon lang ng conflict sa skedyul. Original plan ko kasi once na nag start na ang pasukan ay stop na rin ako sa sbd catering. Hindi ko rin kasi inakala na magtatagal ito ng ilang months. Sino naman kasi ang makakatiis na puro vegetables and meat lang at walang rice ang kakainin sa araw-araw. May ilang nagtagal ng 2 months at noong pumayat na sila ay nag stop na. Kapag may nagtanong kung paano sila pumayat ay ibinibigay ang number ko at tawag na sila agad sa akin para magpadeliver, kaya up to now tuloy pa rin ang business.
Isa pang dahilan ay nahihiya rin ako kay mil na nagtatagal sa harap ng pc. Wala rin naman kasi syang idea sa blogging. Ayoko namang turuan at baka dalawa na kaming mapupuyat sa kakablog…hehehe.
Ngayon ay medyo adjusted na rin ako sa bagong graveyard shift ko. Start akong mag prepare para sa sbd from 11pm-6am. Buti pa ang mga taga call center may day off. Then sunod na ang breakfast and baon ng mga kids, pag-alis nila ng 7:30 am, it’s my turn to sleep. Natutulog ako from 8am-3pm. Blessing talaga na andito si mil dahil yung time na dapat ay nagluluto ako ng dinner ay sya na ang gumagawa para maturuan ko ang mga bata sa mga homeworks nila.
Dahil routinary na lang din naman yung ginagawa ko ay medyo mabilis na rin ako sa paghahanda. Napansin ko lately na may time pa rin naman pala akong mag blog while on duty, adik talaga. Minsan may mga 1 hour pa before 6am ay tapos na ako so pwede na isingit ang bloghopping.
I’ll try to bloghop later…..


