Subscribe to Apple of my Eyes Subscribe to Apple of my Eyes's comments

Oh! My Gulay!

498763188_2d36046e8b_o.jpg

Toni of Wifely steps is hosting Lasang Pinoy Oh! My Gulay! She invited me to share my gulay recipes/stories. So , here’s mine.

When I was still a kid, I watched Popeye the Sailor Man on TV eat this veggie whenever he’s in trouble. I started wondering how this energy-boosting green leafy vegetable makes Popeye stronger. When I tasted spinach for the first time, the experience was not that so delightful. Josh was right, it tastes yucky….hehehe. But I tried adding it with other recipes like this omelette and it turns out to be okay. However it was not a hit with my kids, I don’t know why, maybe because of the color. Josh said it reminds him of the Incredible Hulk…hehehe. They don’t even bother to taste it.

img_4051-small.jpg

After a week I tried making the omelette again but I lessened the spinach and it looked like this. This time the kids loved it and asked for more.

img_4374-small.jpg

I also tried this Stuffed Chicken Breast for lunch.

8-10 chopped Kalamata Olives
2 minced cloves garlic
1/2 pack frozen spinach, thawed
2-3 tablespoons Low Fat Feta Cheese
2 tablespoons of olive oil
Salt & Pepper
2 large chicken breasts

Mix together first 4 ingredients. Slice a deep pocket into the chicken breast to fit stuffing. Fill stuffing into chicken and lightly brush chicken with olive oil and salt and pepper. Bake for about 15-20 minutes, or until done.

img_4109-small.jpg

(This is the mixture of the first 4 ingredients)

img_4471-small.jpg

Served with green vegetables.

For dinner you can try this mouth watering vegetable salad. I don’t have the exact measurement.

brocolli
cheddar chesse (light)
zucchini
lettuce
cucumber
tomatoes
bell pepper
olives

img_4417-small.jpg

To preserve the freshness of brocolli , just stir-fry with a small amount of oil (olive oil) .

img_4475-small.jpg

Ang tagal ko na palang walang update, ang hirap kasing makasingit sa computer. Laging may ka chat si MIL (lahat kasi ng kapatid ni kd ay nasa ibang bansa).Kung nakikita nyo na laging naka visible ako sa YM, hindi po ako yun. Sabi ko nga gawan ko sya ng sariling account, wag na raw at yung akin na lang gagamitin nya…waaahhh….binabantayan yata ako…hehehe.

Enjoy naman sya rito sa saudi dahil panay ang pasyal namin. Kaya lang kung dati ay natuto nang mag-ayos at maglinis ng room ang mga bata ay bumalik sila sa dati dahil maagap si MIL sa pagdampot ng mga kalat nila. Wala na rin ang laging bundok ko na labada ko, sabi ko nga kay Cess ngayon ko lang nalaman na kapag pala malinis lahat ng damit namin at nakatupi ay hindi kasya sa cabinet…hehehe.

Sabi nga ni kd baka raw pinapagod ko mommy nya…lagi nga kakong may ka text at ka chat at naiinip minsan kapag walang magawa kaya napagdidiskitihan ang mga trabahong bahay. Kaya ako after ng SBD ay medyo napapahinga na at nakakatulog nang maayos. Tuloy pa rin kasi ang SBD, may mga umayaw na dahil malaki-laki na rin yung nabawas sa weight nila. Pero may mga bagong pasok naman kaya tuloy-tuloy pa rin ang business.

Kumakain ba kayo ng baby shark? May mga nakikita kami rito sa bilihan ng isda pero di kami bumibili, pating kaya yun. Nakita ni MIL, masarap daw yun at mahal sa pinas, karlitan yata ang tawag sa atin. Gulat sya kasi sr7/kl (P90)lang eh nasa P120 daw yun sa atin isang slice, mahal nga. Nag request na bumili raw kami. Kaya ngayon sya raw ang magluluto at pating ang ulam namin sa lunch mamaya. Hindi ko na lang sasabihin sa mga bata na shark yun at baka hindi kainin , nakakahiya kay MIL pag di kinain ang luto nya.

= = = = = = = = = = = = = = = =

Two days ago ay dinala namin si Josh sa pedia dahil nag allergy yata sa shrimps. Nagkaroon ng mga pantal sa katawan at makati raw. Sabi ng doktor maliban sa allergy sa seafoods medyo sensitive raw ang balat at dry skin sya kaya dapat ibalik sa baby soap, shampoo, lotion..etc. Kaya balik Johnsons sya ngayon.

Share ko lang yung usapan nung 2 nurse na nakasabay namin sa elevator ni kd, naaliw kasi kami habang nakikinig.

Nurse 1 : Medyo matagal na yang pimple mo sa mukha ah. Ilang weeks na ba yan?

Nurse 2: Oo nga eh. May 1 buwan na yata. Masakit na nga minsan ang kalahati ng mukha ko.

Nurse 1 : Alam mo yung neighbor namin, ganyan ang ikinamatay. Kawawa nga kasi may anak pa
namang baby pa.

Nurse 2: Sobra ka naman! Para pimple lang eh. Baka naman infected na yun.

Nurse 1 : Eh mukhang infected na rin naman yung syo eh.

Di na namin narinig yung ibang usapan nila kasi nasa 4th floor na kami at dun yung pedia ni Josh. Di raw kaya may galit si nurse 1 kay nurse 2 sabi ni kd.

= = = = = = = = = = = = = =

Yan kahit papaano eh nabawasan ang agiw sa bahay ko. Try to bloghop later.

Dumating na si MIL. Excited ang mga bata kaya maaga pa lang ay nasa airport na kami. Delayed lang ng mga 3 hours ang byahe kaya medyo matagal kaming naghintay. Gabi na sya nakalabas ng immigration at nanibago syempre sa paligid. Sobrang dami raw pala ng ilaw sa saudi, napakaliwanag ng paligid.

Maluluwang ang mga daan at walang mga nakasabit na mga kable ng kuryente o telepono sa mga poste (lahat kasi nasa ilalim ng lupa). Pwede raw palang mag drive ng walang ilaw ang kotse kahit gabi sa dami ng mga ilaw. At higit sa lahat natuwa sya sa mga bata dahil ngayon lang nya makakasama ng matagal. Every 2 yrs lang kasi ang bakasyon namin at laging 30 days lang kami sa pinas.

Ang aga ko tuloy natatapos ngayon sa pagluluto dahil tinutulungan nya ako sa paghahanda. Kung kelan naman hindi naging busy sa SBD dun naman ako nawalan ng time sa blogging. Nahihiya kasi ako na nasa harap ako ng pc habang sya ay ligpit nang ligpit. Kaya pa good girl muna ako ng mga ilang weeks…hehehe.

Muntik na raw syang pinagbayad sa airport dahil excess baggage sya. Kaya naman pala eh sobrang dami ng dalang mga pagkain para sa mga apo nya. Kung wala ka sa pinas ay baka mainggit ka…hehehe. Nasira tuloy ang diet ko dahil lahat ay tinikman ko. Taranta nga si Josh at hindi alam kung alin ang uunahin sa mga pagkain.

img_4449-small.jpg
img_4448-small.jpg
img_4451-small.jpg
img_4447-small.jpg
img_4446-small.jpg
img_4461-small.jpg

Pero eto ang talagang una kong kinain, manggang sariwa at ginisang bagoong w/ pork..ang sarap!!!

img_4452-small.jpg

Iba talaga ang lasa ng mangga sa atin…talagang hahanap-hanapin mo ang tamis.

img_3818-small.jpg

Long overdue na itong tag ni Ghee at Mari, sorry at ngayon lang nagawa.

Everytime na may makikita ako sa tv na balita about physically abused children by their own parents, parang ang hirap isipin na totoo. May mga magulang nga palang kayang manakit ng anak. We have different ways in raising our children but not to the extent of hurting them that much.

Loving them unconditionally….

Minamahal, inaalagaan, pinagsisilbihan without expecting anything in return. Naranasan ko ang matulog ng nakaupo dahil karga ko si tin2 habang maysakit at ayaw magpababa sa bed. Magluto habang may kargang bata. Tawagin ang lahat ng santo noong muntik nang maputulan ng daliri si josh sa pagkakaipit sa pinto. Sabayan ng iyak si Josh noong baby pa sya dahil masama ang pakiramdam ko pero wala akong choice kailangan kong tumayo para asikasuhin silang tatlo. Ang hirap ng malayo sa pamilya sa pinas, walang katulong, walang aasahan kundi sarili lang.

Pero ang sayang isipin na nalampasan namin lahat yung mga times na maliliit ang mga bata na lahat ng bagay ay kailangang kami ang gagawa. Minsan lang naiisip ko kung tama nga ba ang ibang paraan ko nang pagpapalaki sa kanila. Hindi maiwasan sa isang magulang ang maging over protective sa mga anak. Minsan ay hindi na pala tama at nakakalimutan na lumalaki na pala sila.

Mula bata sila ay hindi ko sila pinapakain ng isda na may tinik. Kung hindi fish fillet ay boneless lang. Takot syempre ako na matinik sila. Sabi nga ni Justin sa pinsan nya sa pinas na mas bata sa kanya (tilapia kasi ang ulam namin noon) “ang galing mo naman kaya mong magtanggal ng tinik ng isda” sana raw sya rin. Dapat pala sa halip na ibigay ko lahat sa kanila ay ituro ko na lang din kung paano dahil lumalaki na sila.

Since I started my SBD catering marami na rin ang mga naging pagbabago sa bahay. After kong magluto sa umaga ay natutulog ako pero nakahanda na yung lunch namin para paggising nila ay kakain na lang. Noong una ay ginigising nila ako pag lunch time na, later on paggising ko tapos na silang kumain. Ubos ang kanin at ulam….hehehe. Pero natutuwa rin ako na nagawa nila yun na si tin2 lang ang nag-asikaso.

Nagulat tuloy si kd (on leave kasi sya ngayon) na independent na pala ang mga anak nya ngayon sa pagkain. Mas gusto pala nila na wag na akong istorbohin sa pagtulog para raw unlimited sila sa PS2 at computer games, nawala tuloy yung dating skedyul nila sa paglalaro.

Natuto na rin si tin2 maghugas ng plates, kahit pinipili lang nya yung gustong hugasan. Marunong na rin syang maglagay ng damit sa washing machine, kaya lang minsan nahilo na ako sa kakahanap sa cup na pangsukat ng sabon ay hindi ko makita. Naisama pala nyang labhan sa loob ng washing machine.

A real mom is kunsintidor…..

Kahapon ay nagpapabili ng PS2 games si Josh. KD said yes pero after na lang mag grocery. Then after 30 minutes umiiyak na si Josh, yung shop daw ng games ay nagsarado na. Sabi ni kd bukas na lang. Naawa naman ako kay Josh kaya tinawagan ko yung egyptian na may-ari ng shop at kung nasa loob pa sya ng mall ay kung pwede syang bumalik….hehehe. Bumalik naman at nakabili si Josh ng games.

While bloghopping , nabasa ko ang post ni Royce. Touched talaga ako dahil once a year lang sya mag update tapos feeling ko para sa akin yung post nya….hehehe. Thank you! Thank you!

Medyo bitin, bawi na lang next time…..Happy mother’s day!!!!

SBD Update: Day 16

Feeling ko magkakasakit yata ako nitong nakaraang mga araw. Hindi sa pagod kundi dahil sa hindi ako makapag blog…hehehe. Aside from my catering para rin kaming naglipat ng bahay sa mga inayos at pinagawa. Mas mabilis pa nga yatang mag-ayos kung lilipat na lang ng bahay. Nagpagawa kami ng stockroom para doon ilipat ang ibang gamit ng mga bata at lumuwag naman yung room nila.

Bakasyon si kd ng 1 month pero in kingdom vacation lang at hindi na kami umuwi ng pinas. Almost 1 week na yata kaming nag-aayos pero hindi pa rin tapos. Habang naglilipat kasi kami ng mga gamit ay panay pa ang kuha ko ng pix na pang blog syempre. Nagulat ako sa dami ng mga gamit sa dating stockroom na nakalimutan ko na meron pala akong nabiling ganun. Tulad nito…

img_4305-small.jpg

Sabi nga ni kd, bakit may mga attache case dito na parang hindi pa gamit? Natawa ko nung makita ko dahil itinago ko nga pala ang mga yan pagkabili ko dahil may ginagamit pa kami. Nag sale kasi ang Solingen 3 yrs ago pa at nagpanic buying ako…hehehe.

Nakita ko rin itong sangkaterbang negatives ng mga pictures na dati ay ingat na ingat ako sa paghawak at baka magkaroon ng mark, ngayon deretso na sa garbage bag. Malay ba natin na darating pala ang araw na hindi na mauuso ang mga negatives na yan pag magpapa re-copy ka ng pictures.

img_4309-small.jpg

Ang daming old toys and clothes na ewan kung paano naipon eh ang dalas kong mag-uwi sa mga pamangkin ko sa pinas everytime na magbabakasyon kami. Kesa ibalik ulit sa stockroom ay ipapabagahe na naming lahat sa pinas.

img_4403-small.jpg
img_4308-small.jpg
img_4306-small.jpg
3rdbday_5-small.jpg

Noon ko pa kasi balak ipauwi itong malaking slides na dating playground ng mga bata kaya lang medyo mahal ang bayad sa cargo. Timing naman na balak sanang bumili ng sister ko sa pinas para sa mga kids nya pero napaurong daw sya sa presyo noong magtanong sya sa Little Tikes. Kaya sasagutin na lang daw nya yung freight at ipadala ko sa kanya. Kaya ikinahon na lahat ni kd ang lahat ng makita nya na pwedeng magamit sa pinas.

Nakabuo sya ng 7 boxes pwera dun sa mismong slides at iba pang bulky na little tikes toys. Ewan kung hindi umangal ang sis ko na magbabayad sa cargo…hehehe.

img_4401-small.jpg

Darating kasi dito sa saudi ang mommy ni kd next week kaya busy kami sa pag-aayos ng magiging room nya. Visit lang sya ng mga 3 months then kung magustuhan ay pwede syang mag stay up to 6 months yata or 1 year. Habang bakasyon pa ang mga bata sa school para hindi sya mainip. Siguradong maninibago yun dahil ibang-iba ang buhay sa pinas sa buhay dito. Kapag may pasok na mga bata, kami na lang ang magtitinginan maghapon. Turuan ko kayang mag blog para hindi mainip….hehehe. O kaya ihanap ko ng ka chat….malay mo magkaroon pa ng stepfather si kd. (Baka mabasa ito eh mabatukan pa ako….hehehe.)