Subscribe to Apple of my Eyes Subscribe to Apple of my Eyes's comments

Celebration Update!!!

Wala na akong time magluto para sa birthday ni kd kaya lumabas na lang kami with some friends. Syempre kapag ganyang mga okasyon mas masarap kumain sa mga “eat all you can” na mga restoran. At syempre pa rin sino pa kaya ang mga mag-eenjoy kung hindi ang 3 ito.

img_4317-small.jpg
img_4314-small.jpg
img_4321-small.jpg

Nagustuhan ni Josh yung desserts nila na gelatin na parang may leche flan sa ilalim, masarap naman talaga. Ayaw daw ba namin ng desserts? Baka raw pwede sa kanya na yung parte namin…hehehe. Paglabas namin ng resto tinanong sya nung isang kasamahan namin , “Josh, naka pito ka dun sa desserts no?” Sumagot, medyo galit pa. “No! 10 only!” (Hindi pala alam kung ilan ang pito…hehehe).

img_4323-small.jpg

SBD Update- Day 13

Tag from Ghee

Ghee. may daya ito ha kasi wala na akong maisip na reasons before our marriage sandali lang kasi kami naging mag steady, basta pinakasalan ko na lang agad…hehehe, . Yung ibang sagot ko ay mga kabaliwan nya nakita ko na lang during our marriage.

And since It is KD’s birthday this coming Sunday this will be my birthday post for him. Sa mga di pa masyadong nakakakilala sa kanya, you’ll know more from this post.

HAPPY BIRTHDAY DADA! We love you!!!!!!

Ten Reasons Why I Married My Other Half

1. Sincere…..

When he said to me I love you for the first time I knew it’s true and sincere. I had past relationships before and his was different.

2.A good sense of humor…..

He knows when to crack jokes, with the adlibs and good timing. In short hindi sya boring kasama.

3. A singer.….(some won’t agree di ba TK?)

Kinakantahan nya ako sa duty noon kahit hindi pa kami. Nakakaantok kasing mag duty ng graveyard shift at talagang magigising ka sa boses nya….hehehe.

4. He’s not snoring…

Bakit alam ko even before our marriage? It’s not what you’re thinking. Pag kasi nakabantay sya sa akin sa duty ay nakakatulog sya kaya alam kong tahimik lang syang matulog. (Reklamo kasi ng iba yung mga asawa nila na naghihilik).

5. Kind…..

Para raw di ako mainip sa bahay why not explore the net. Ang bagal kaya ng dial-up, naiinis lang ako. Then one time may surprise daw sya sa akin, nagpalagay pala ng DSL. Bago pa lang noon ang dsl dito at isa kami sa mga unang nagkaroon (mahal pa noon). He even bought a new pc para sa blogging karir ko….hehehe. Ngayon di na nya ako kailangan pang piliting mag internet.

I remember naman one time. We watched movies in SM Megamall. Tagalog film ang gusto ko at english naman sa kanya. Sabi ko maghiwalay kami ng movie house….hehehe. Para walang away nanood muna kami ng gusto ko and then lumipat kami sa kabila para naman sa gusto nya tinulugan ko na lang.

6. Patient…..

You know us girls when it comes to shopping, ang tagal mamili. Si kd yung tipo na hindi mo makikitaan ng pagkainip while waiting. Kahit napakalayo at napaka traffic pa sa isang mall na gusto naming puntahan ok lang sa kanya.

7. Outgoing……

He’s an extrovert person. Kung yung iba ay tamad sa mga pasyalan sya naman game na game kaya type syang kasamang mga friends ko back home. Yun bang hindi sila naiilang na kasama ang asawa ng friend nila.

8. Supportive

Noong sabihin ko sa kanya na gusto kong pumasok sa catering. He’s very supportive at sya yung nagpalakas ng loob ko na kaya ko. Kahit na pagod pa yan galing sa office bast may kailangang bilhin sa grocery walang tutol yan. Just like now, he’s on in kingdom vacation for 1 month, pero gumigising pa rin sya ng 6am to deliver sa mga costumers ko.

9. Funny……

Natulog kami after lunch then paggising ko ng mga 4pm deretso na sana ako sa bathroom para maligo (lalabas kasi kami). Sabi ni kd wait daw at hintayin ko sya sandali. Hhhhmmmm…akala ko sasabay maligo…hehehe. Kinuha lang pala yung cellphone nya at ililista yung telephone number na nasa kamay ko…waaahhhh…nakita ko kamay ko meron ngang tel number na nakasulat. May tumawag pala sa kanya habang tulog kami at iniwan yung number nung magtuturo ng guitar kay Tin2. Tinamad bumangon para kumuha ng papel kaya sa kamay ko na lang muna isinulat.

img_4206-small.jpg

10. Generous….

Dito kami hindi madalas magkasundo. Ako kasi more on practical hindi naman kuripot, hindi ako masyadong brand conscious. Pero si kd basta gusto ng mga anak nya at kaya nya go lang sya. See these pairs of slippers. Pag nakita mo yung price kung ako hindi ko sila bibilhin for sure…hehehe.

Ang dami pa sanang dapat sabihin tulad ng hindi ako naghuhugas ng plates, hindi namamalantsa…hehehe…reserba ko na lang sa susunod na post at baka ma edit…hehehe.

At syempre sa last part dapat may pagpasahan, dapat may magtuloy ng tag. So I am tagging tito nick (watson) .

SBD update! Day 12

Nagpunta kami noong isang araw sa Safeway Supermarket para sana maghanap ng ibang variety ng lettuce. Kumpleto kasi rito ng mga items lalo na kung mga fresh produce from US. Nakakasawa na kasi yung round lettuce na lagi kong gamit. Ang dami palang uri ng lettuce na pwedeng gamitin sa salad. Kaya lang muntik na akong mapaurong pagkakita sa presyo, may kasama yatang ginto.

anna17-small.jpg

Imagine a kilo of this kind of lettuce is sr69 (P897). Ang mahal di ba? Yung gamit ko ay sr10/kl lang.

anna28-small.jpg

Pati itong red lettuce na swerteng nabago lang ng kulay ay naging sr69 na rin ang presyo..dun na lang ako sa green na lettuce…hehehe.

anna26-small.jpg

Tumuloy na lang kami sa may fish section dahil may sale daw ng salmon fillet sabi ni kabayan. May sale nga pero sa presyong hindi ko pa rin bibilhin…hehehe. Anong klaseng ginto naman kaya ang nasa loob nito SR79.95/kl (P1,040). Sardinas na lang kaya?

anna29.jpg

Ito pa yung isang nakatawag pansin sa amin, siguro may perlas naman sa loob…hehehe. A kilo of tahong is SR59 (P770). Hintayin ko na lang bakasyon namin sa pinas para makakain nito.

anna34-small.jpg

Katabi ng salmon ay nakita ko itong tag price na ito. Namali yata ako ng tingin bakit 3 digit number eh mga isda lang naman ang andun sa glass na lalagyan. Tinanong ko pa talaga kung tama nga ba yung price ng isda na nasa tapat ng tag eh mukhang mga bangus lang naman yung nakita ko pero Sea Bass ang pangalan ng isda. Tama raw SR109/kl (P1,420). Ayon kay mr.google, nahuhuli daw ito sa napakalalim na parte ng dagat, kaya siguro ganun ang presyo.Sabi nga ni kd kahit daw di ka mag sbd kung yun ang uulamin mo eh papayat ka dahil hindi mo na sya kakainin at titingnan mo na lang…hehehe.

anna30-small.jpg
anna31-small.jpg

Pero may nabili rin kami, nakita kasi ng mga bata itong caviar. SR35/bottle, 50grams (P455). Ano raw ba yun? Pinatikim namin sa kanila pero di nila nagustuhan. Si Josh pagkasubo ay deretso sa garbage can. Ang mahal nga naman eh lasang ewan…hehehe.

img_4152-small.jpg
img_4156-small.jpg

Nagtimpla ako ng chicken barbecue kahapon bago ako natulog after ko mag prepare ng sbd. Para paggising ko ay lulutuin na lang. Nagising ako ng 12:30 dahil kay Josh, gutom na raw. sabi ko give me 45 minutes at luto na. Marami pa naman yung tirang rice noong gabi kaya di na ako nagsaing.

Pabalik-balik si Josh sa kitchen dahil naaamoy nya yung barbecue…at last naluto rin..hhhmmm..yummy..(sabi ni josh).

img_4069-small.jpg

Tumulong pa sya sa pag-aayos ng place mats. Pagsandok ko ng rice sa rice cooker….oh my! Panis yung rice. Hindi ko napansin noong unang tingin ko. Dismayado si josh. Hindi maipinta ang mukha. Sabi ko sandali lang magluto ng rice, wait lang sya sandali. Si Tin2 at justin oks lang sa kanila na maghintay.

Si Josh humirit pa, pwede raw ba kain muna sya ng chicken habang naghihintay ng rice. Binigyan ko pero dami pa rin reklamo habang kumakain. Bakit daw kasi na late pa yung rice? Why I didn’t check it before? Daming tanong…hehehe.

img_4104-small.jpg
img_4107-small.jpg
img_4108-small.jpg

After nya makakain ng chicken medyo ok na sya, nangingiti na…hehehe. After ilang minutes luto na rin yung rice at nakapag lunch na rin sila nang maayos.

SBD update….Day 6

The South Beach Diet catering is actually eating all my time. Everyday, I wake up at 4 am to prepare breakfast and lunch, by 6 am, everything is ready for pick-up. I take my well-earned sleep at around 8 am but I need to wake up again at 12 noon to have lunch with my kids. After eating lunch, I prepare the SBD dinner to be delivered around 6pm. By 7pm, we go to our daily walk at the Corniche. We walk at least 3km. After that tiring jog, we go straight to the supermarket to buy fresh vegetable. Since I started this South Beach Diet catering, I think the earliest time I sleep is 12 midnight.

But I am happy with the result of my catering. Here are some of the text messages and emails I received from my satisfied costumers. So, my next two weeks, maybe months would be very busy again.

“Good morning tita ann. Our group would like to to stay on phase 1. I’ve lost about 3kls and I’d like to keep going. Thanks.”

“Hello Ms Ann. A friend referred your sbd food to me. I am interested in losing weight. If you can still accomodate I want to start this saturday. Thanks.”

” Hi sis ann. I want to continue my sbd for 2 more weeks. I’ve lost about 10lbs in two weeks. Thank you very much.”

Hiatus

Two weeks ago dumalaw kami sa family ng officemate ni kd. Pagpasok namin sa loob ng bahay ay nagkalat ang mga balikbayan boxes. Kung dati ay napakasaya ang feeling kapag nakikita mong nakaimpake na lahat ng gamit pauwi sa pinas, this time ay napakalungkot dahil ang kasama nilang uuwi ay nasa loob din ng kahon at di nila katabi sa loob ng eroplano.

Namatay ang lalaki dahil sa aneurysm, sobrang taas ng blood pressure na naging dahilan nang pagputok ng ugat sa ulo. Nakakalungkot dahil grade six pa lang yung panganay nila at graduation pa naman kinabukasan noong gabing mamatay ang tatay nila. Ilang weeks pa rin silang nag stay dito habang inaayos pa ang mga papeles nang pag-uuwi sa namatay. Nakakalungkot pero sabi nga doon lahat tayo papunta.

Last week naman ay nagkita kami ng isang close friend at nagagalit sa asawa yung babae dahil galing pala silang hospital. Inabot daw ng 180/100 and BP ng lalaki. Kung hindi pa nahilo at sumakit ang ulo ay hindi papa check-up. Medyo naalarma yata ako, parang ang dami yatang highblood dito sa saudi, sa kinakain kaya?

Last Wednesday naman pag-uwi ni kd from office ay masakit daw ang ulo nya, nakikita ko na parang di sya mapakali. Paglabas namin noong hapon para mamili (may catering kc ako ng Thursday), para raw syang nahihilo. So sabi ko deretso na kaming hospital para matingnan rin sya. Ang tagal nang kulitan namin dahil ayaw nya. Sarado na sa out patient dept kaya sa ER na lang kami tumuloy. Kinunan sya ng BP, 140/100 medyo mataas daw pero baka raw may halong nerbyos kaya pinagpahinga muna sya. Maya-maya, may pumasok na nurse dala yung pang ECG, utos daw ng doktor.

KD: Miss, ano resulta?
Nurse: Sorry sir, bawal po kami magbigay ng information.
KD: Sige na. Promise hindi ko sasabihin sa doktor na sinabi mo.
Nurse: Sensya na po sir. Hindi po talaga pwede.
KD: Siguro hindi mo lang alam basahin yan kaya kunwari ayaw mong magbigay ng info.
Nurse: Ma’am. Ang kulit po ng asawa nyo. (naka smile naman)
Me: Ahh..Oo..in born yan…hehehe.

After few minutes, isang nurse na naman ang pumasok. Kukunan daw sya ng dugo for testing. Sabi ni kd “Teka lang sandali, ano ba sakit ko?” Kaya nga po kukunan ng blood para ma test sabi ng nurse. Oo nga naman, di na lang kasi sumunod…hehehe. After 10 minutes dumating ang doktor, may konting abnormality raw sa heart beat kaya kailangang mag stay ng 24 hours sa hospital for observation. Kailangan syang ma confine overnight. Kinabitan ng dextrose ang kamay, ang daming reklamo…hehehe. Natatawa na lang ang mga nurses na halos mga pinay rin.

Sinundo ko ang mga bata dahil iniwan ko lang sila sa waiting room ng ER habang inaasikaso si kd.Pagkakita sa dada nila na naka dextrose ay nag-iyakan at di ko alam kung paano patatahimikin. Sya pa nga naman ang nagdrive papunta ng hospital tapos ngayon nakahiga na sa hospital bed at naka dextrose pa. Pinakamalakas ang iyak ni Josh kaya sya yung nilapitan ko. Sabi ko everything is fine, ok lang si dada, gusto lang nakasiguro ng doktor na wala nga syang sakit kaya kailangan syang mag stay for 24 hours. Sagot ba naman, “It’s not about dada. I’m crying because I can’t buy my PSP game, right you promised after dada’s check-up we will buy my new game?” Tawanan ang mga nurses sa loob. Natawa na rin kami dahil akala ko si kd ang iniiyakan. Sabi tuloy ni tin2, “Josh, don’t you love dada? We can buy naman the game some other time di ba?” Ok daw bukas na lang daw paglabas ni dada sya bibili.

Nakalabas din naman kinabukasan si kd dahil normal naman daw lahat ng results. Inulit yung ECG nya at wala naman palang problema. Kinukulit nya kasi yung nurse sa unang ECG kaya siguro namali sa una. Baka nga kung di ako kasama nun eh napasagot na nya yung nurse…hehehe. Aliw na aliw kasi si kabayan sa kakulitan ni kd.

Ang resulta, salamin lang pala sa mata ang problema. Kailangan nya ngayon magsalamin dahil lumabo na ang mata sa kakablog. Kaya ngayon pahinga muna sya sa blog. Ako na lang muna…hehehe.

P.S.
Visit my food blog for SBD updates-Day 5

SBD

Happy Easter to All!!!
Pls visit my food photo blog for SBD(pinoy style).

Ang tagal ko rin palang walang update. I’ve been very busy for the past few days because of my new business (sabi ni cess). Actually catering pa rin naman pero ibang level nga lang. Three weeks ago ay nag email sa akin ang isang kaibigan at nagrerequest na baka pwede ko raw silang ipag prepare ng whole package ng meals. It means from breakfast, lunch and dinner. At the same time may naka attached na files , yun daw ang gusto nilang package.

Medyo matrabaho ang package meal nila dahil South Beach Diet pala yun. So, nag searched muna ako sa internet about SBD, naghanap sa mga supermarket kung available lahat ng ingredients. Halos nasa market naman lahat kaya lang malaki rin pala ang diprensya sa price ng mga low fat products. Dapat kasi lahat nang gagamitin ay low fat, from cheese, mayonnaise, ham, oil (olive oil), salad dressing, etc…

Mabuti na lang andyan si Gracita at Deedee na maraming alam about SBD. So, last Saturday ay nag start na ako. Nanibago ako sa skedyul, ang hirap din pala. Una ay 8 persons lang sila then lately may mga humabol pa. It’s my 4th day pero di pa rin ako adjusted sa time. Nawalan ako ng time sa blogging…hehehe. I can’t even bloghop. Sabi nga ni tin-tin, it’s about time to forget about blogging.

Kahit nagagahol na ako sa time lagi pa rin sa tabi ko ang camera kahit sa celphone lang. Kaya may mga pix pa rin to share.

Ito yung breakfast nila na halos umiikot lang sa eggs everyday. Omelette w/tomatoes,red pepper,onions and mushrooms. Celery and cucumber juice sana yan, kaya lang ang hirap kayang mag juice kaya fresh na lang nila kainin with cheese.

sbd1-small.jpg

Eto naman yung lunch, lapu-lapu fillet w/ mayonnaise, parsley,olives and cucumber. May kasama rin syang vegetable salad.

sbd3-small.jpg

Eto naman ang dinner. Shrimps w/parsley and cucumber. Meron din syang vegetable salad.

sbd2-small.jpg

Ganito ang vegetable salad na kasama ng lunch and dinner. Tomatoes, olives, white onions, red pepper, cucumber, mint leaves, lettuce and cottage cheese.

sbd5-small.jpg

I bought different flavors of salad dressing para di nakakasawa na same lang everyday.

sbd4-small.jpg

Yan yung menu for day 1. Iba-iba sya for two weeks. Kung gusto nyong sumabay mag diet I’ll try to post here the pix of “menu for the day”. I lost 10lbs in two weeks pero hindi sa South Beach Diet….hehehe. Sa pagod yata at puyat sa sunod-sunod na catering.