Subscribe to Apple of my Eyes Subscribe to Apple of my Eyes's comments

Last week napansin ni Josh na parang gumagalaw daw yung isang ngipin nya sa harapan. Nakita ko na lumulusot na pala yung permanent teeth nya pero andun pa rin yung milk teeth. Pinakain ko sya ng apple, binalatan ko lang pero di ko hiniwa para pagkagat nya ay lalong gumalaw yung milk teeth. Ayaw nya kasing magpadala sa dentist.

After 3 days medyo irritated na sya dahil masakit daw kapag tinatamaan ng dila nya. Sabi ko gusto mo ng ice cream? Pero tatangalin ko muna yang beautiful tooth mo. Ang tagal nag-isip…give ko daw sya 10 minutes to think. Naupo sa corner ng sofa at parang may kinakausap. Sabi ko kay kd pakinggan nya kung ano ang sinasabi.

“Don’t worry teeth I know it hurts but we will eat ice cream later ok?” yan daw narinig ni kd panay tapik pa raw sa pisngi nya habang nagsasalita. Maya-maya sabi nya, “Mama, I’m ready!” Kumuha ako ng gauze para i tsek yung ngipin kung pwede na talaga. Di ko pa nahahawakan nagbago na isip nya wag na lang daw. Inilabas ni tin-tin yung ice cream at naglagay sa baso. Si Justin naman nasa tabi ni Josh at todo ang moral support., “It’s ok Josh, ako rin noon ganyan but I did not cry.”

“Ok hindi ko sya tatangalin, tsek ko lang kung pwede na pag hindi pa next time na lang.” Pumayag sya at pagka twist ko sa milk teeth nya ay tinago ko sa gauze. Pinakagat ko sa kanya yung isa pang gauze dahil nagdugo yung pinagtangalan ng ngipin.Hindi nya naramdaman, kaso nung makita yung dugo ay umiyak. Mabilis naman si tin-tin na inabot yung baso na may ice cream. Hihinto kasi yung bleeding sa ice cream. Ok na sana sya kung hindi tinanong ni kd, “Josh, where’s your beautiful tooth?” Sabi nya, “Here! Oh! Where is it?” sabay tayo at harap sa salamin. “Waaahhhh!!! Where is it? Mama, did you remove?” Ang tagal ng iyakan. Tinanong pa kasi eh. Napadami tuloy ang nakain na ice cream.

Sabi ni Tin-tin at Justin sa kanya, “Josh, don’t worry. We will put your tooth under your pillow tonight and the tooth fairy will come and give you money. You’ll see it in the morning.” So, nag share yung dalawa ng mga pera nila at palihim na inilagay sa ilalim ng unan. Paggising ni Josh ay sobrang na excite sa nakita. Kelan daw ba ulit yung susunod na pagpapalit nya ng ngipin.

May nakita akong old pix ni Josh. Natawa lang ako pagkakita sa picture dahil galit na galit sya kay kd dahil doon. Pauwi yata kami ng pinas noon at nagbabagahe kami ng mga boxes. Naglalagay si kd ng mga stickers sa boxes. Si Josh naman nakatulog sa sofa at kahit maingay kami ay walang pakialam. Sabi ni kd chance na raw nya para makaganti kay josh….hehehe.

Mga 3 days kasi before nun ay iniwan ko si Josh sa table na kumakain ng cheeseburger. Si kd naman ay nakahiga sa sofa at nakatulog. Maya-maya narinig ko si Josh, “Hey guys! Come here all of you. Look what I did.” Paglabas namin ay tawa kami nang tawa. Kasi ba naman yung face ni kd ay nilagyan nya ng maliliit na piraso ng cheese. Parang pizza na nakadikit…hehehe. Di man lang nagising habang nilalagyan ng dekorasyon.

Look kung ano ginawa ni kd sa anak nya.

tooth1-small.jpg

Sandstorm

Last Thursday nag deliver kami ng food para sa catering. Medyo malayo yung resort kung saan ginanap yung party. Paglabas namin ng building sinalubong kami ng napakalakas na hangin na may kasamang buhangin. Kung bagyo lang yun sa pinas baka nasa sentro kami ng bagyo sa lakas ng hangin. Yun bang kung medyo mahina ka ay tatangayin ka talaga.

May mga bumagsak na poste at puno sa dinaanan namin. Madilim na ang daan dahil sa sandstorm. Di kami pwedeng magpatakbo ng mabilis, almost zero visibility at delikado talaga. Naka ilang tawag na yung host ng party dahil nga malapit na matapos yung program ay wala pa kami.

Bigla tuloy dumami ang mga humps sa daan dahil tinangay ng hangin ang buhangin mula sa disyerto at naipon sa kalye. Naamoy ko yung mga ulam sa likuran ng car kaya sabi ko kay kd ay tsek nya muna. Bababa sana sya kaya lang di nya mabuksan ang pinto sa side nya dahil nasa side nya ang hampas ng hangin (ganun katindi). Ako na lang ang lumabas ng kotse, tumagilid lang pala yung isang cover.

Lumampas pa kami sa site dahil nga medyo madilim. Papasok pa kasi yun na parang eskinita. Then ang u-turn andun pa sa dulo ng kalye. Lagi pang red yung mga traffic lights kaya almost 9pm na kami nakarating sa resort. Habang nakahinto kami ang gandang pagmasdan ng buhangin na mabilis na umaagos sa daan, parang tubig sa bilis. May dala akong camera pero di ko naalala dahil na rin siguro sa nerbyos sa lakas ng sandstorm.

Pagdating sa resort buti hindi pa tapos ang program pero bigayan na ng mga certificates, last part na. Mabilis namang naayos ang pagkain dahil maraming nag assist. Medyo nahihiya nga ako dahil sa nangyari pero naintindihan naman nila dahil sila rin daw ay nahirapan sa byahe papunta sa place.

sand1-small.jpg

Eat and run na yung ibang mga guests. Sa picture ko lang napansin na hindi na pala nalagyan ng cover yung table. Nakalimutan dahil sa pagmamadali. Pag-uwi namin ni kd ay medyo kalmado na ang daan kaya natatawa na lang kami sa nangyari na para kaming dumaan sa hurricane.

Naranasan din nina Gracita at Deedee ang lakas ng sandstorm that night dahil magkalapit lang kami. Mga 1 hour drive lang ang tulay na pagitan namin, mas malayo pa yata si Kneeko kaya nga lang may immigration sa gitna ng tulay at kailangan ng visa .

Pag nag start na ang sandstorm it means summer is coming. Dusa na naman kaming nasa middle east.

I’ll be very busy this weekend, may raket na naman sa catering. Dance recital kasi ng isang grupo na nagtuturo ng sayaw sa mga kabataan. Everytime na may catering ako ay tuwang-tuwa ang mga bata dahil nagluluto pa lang ako ay kumakain na sila. Ang hirap nilang pigilan sa pagkain. Kung problema ng ibang parents yung pagpapakain sa mga anak nila, ako naman ay kung paano sila pipigilan.

Nilagnat nga si Josh 3 weeks ago yata yun. Akala ko mawawalan ng appetite dahil nga may sakit. Sabi ba naman, di ba dapat nga raw yung maysakit ay pinapakain talaga. (Oo nga naman.)

Nag-aayos ako ng mga files sa pc at the same time ay ni scan ko yung mga old pictures namin. Sobrang dami na kasi ng mga albums dito sa bahay at balak ko na ipa cargo sa pinas. Noon kasi konting galaw lang may picture na agad. Dito kasi once na nagpadevelop ka ng pictures may libreng film na binibigay kaya yung camera di nawawalan ng laman. Buti nalang nauso ang digital camera, piliin na lang yung gustong ipa develop.

Nakita ko yung mga old pictures ng mga bata. Ang gandang tingnan yung development nang paglaki nila, sabay inaalala yung mga panahon na hindi na pwedeng ibalik. Pansinin nyo si Josh, ang payat nya noong baby pa sya. Hindi ko na namalayan yung bigla nyang pagtaba.

2000

time2.jpg

2001

time6-small.jpg

2002

time5-small.jpg

2003
time7-small.jpg

2004

time1-small.jpg

2005

time3-small.jpg

2006

time4-small.jpg

Napapanood nyo ba yung Princess Charming sa GMA? Kung saan everytime na may nangyayaring hindi maganda kay Charming ay nakakaramdam ng kaba yung tunay na nanay nya. Yun daw yung tinatawag na attachment sa mga magkakadugo or taong malapit syo. Naitanong kasi sa akin ni tin2 kung totoo raw ba yun. Sabi ko oo dahil mag-ina sila at kapag may nangyayari sa mga anak ay nararamdaman ng nanay.

Noong last day ng pasok nila medyo namumutla silang dumating sa bahay. Tanong agad ni tin2, “Ma, kinabahan ka ba?” Sabi ko hindi naman, baket may nangyari ba? Biglang umiyak, siguro daw hindi ko sila tunay na mga anak. Medyo nataranta ako at kinabahan kasi nga ayaw magsalita. Mahabang paliwanagan tuloy kasi nga hindi naman talaga ako nakaramdam ng kaba. Sabi ko na lang na kasi nga hindi naman sila talaga nasaktan o naaksidente kaya siguro wala akong naramdaman na kaba.

Nabangga pala yung service nila at hindi pa sila naka seatbelt kaya medyo nayanig sila sa sasakyan. Umiyak nga raw si Josh dahil tumama yung ulo sa upuan sa harapan nya although malambot naman yun at di naman daw nasaktan. Pagdating ni kd ay worried syempre at tinawag si Josh.

KD : Josh, come here. Nasaktan ka ba?

Josh : No . But I think my brain is not working now.

KD : Ok testing. What is your name?

Josh : Joshua!

KD : 2 +2?

Josh : That’s easy! 4!

KD : 4 + 4?

Josh : 8

KD : 8 X 7?

Josh : Hhhmm… Dada! I told you my brain is not working now. (sabay talikod na)

Sino kaya ang nayanig ang brain , yung tatay o yung anak…hehehe.

Noong isang araw naman , nag ring ang phone (landline). Pag hello ko wala namang sumasagot pero may nagsasalita sa kabilang linya, english and arabic ang usapan. Baka wrong number lang kaya binaba ko na. Tsek ko sa kabilang phone na may caller id, nakita ko naka register yung cel number ni kd. Return call ko sana sya pero pag-angat ko ng phone andun pa rin yung tumawag kanina. Kaya ginamit ko yung cel ko pangtawag. Nag riring naman yung cel ni kd pero walang sumasagot (5X ko sya tinawagan). Nag text na lang ako.

Pinakinggan ko na lang yung mga nag-uusap sa landline dahil kinabahan na nga ako. Then puro numbers ang naririnig kong usapan. Ka chat ko that time si rems at tanong nga nya kung kinakabahan ako? Sabi ko medyo. Pray daw kami. Naisip ko kasi bakit nagbibilang sila? Ano yun hospital? CPR? Lalo akong nag worry. Hindi ko na binaba yung phone, nagising si tin2 at nakinig na rin.

Sabi ni tin2 baba ko na raw kasi parang meeting lang yung usapan. (Nakakaintindi kasi sya ng arabic). Maya-maya tumawag na si kd sa cel ko at pasahan ko raw sya ng load. Naubos daw yung kanyang load di nya alam kung bakit. Pag ka tsek nya sa dialled numbers, sya nga yung tumawag dito. Nagtataka lang ako bakit nung tumawag ako habang naririnig yung usapan sa meeting ay nag riring naman yung cel nya? Ilang beses ko nang ibinaba yung landline pero hindi na cut yung tawag. Noong mag text ako ay narinig daw nya yung ringing tone kaya nag return call sya.

Ninerbyos talaga ako nun but I thank God at wala naman palang masamang nangyari. Nakakaramdam rin ba kayo ng kaba kapag may nangyayaring hindi maganda sa taong malapit sa inyo?

Injured

Tuloy pa rin ang walking and jogging namin everyday. Pero last Wednesday balik kami sa normal na pasyalan sa mall at rides. Nakasanayan na kasi iyon ng mga bata. Pero di kami nagtagal dahil parang nagsawa na rin sila sa mga rides, wala naman kasing bago. May nakita kaming isa pala na gusto raw nilang subukan. Bago lang pala ito sa mall, yung wall climbing. Nakalagay kasi up to 10 yrs old pwede pa.

kudu7-small.jpg

Disappointed lang si Justin at josh kasi ayaw silang tanggapin. Kahit anong pilit ni kd dun sa pana ayaw talaga, problem daw. Baka raw di makayanan ng wall….hehehe.

Kaya nagtuloy na lang kami sa corniche ulit para sa regular walking/jogging. Ayaw ni Josh, pagod na raw sya. Sinuhulan ni kd ng Mcdo para sumama. Pag nakarating sila sa 2000meters ay pakakainin sila sa Mcdo. Pumayag , parang may pakpak yung mga paa…hehehe. Pagdating sa 2000meters ayaw nang bumalik, (andun kasi sa 100meters ang Mcdo). Pero merong fastfood na malapit dun at pwede na rin daw yun.

kudu1-small.jpg
kudu3-small.jpg

Tagal ng pagkain…….

kudu2-small.jpg
kudu8-small.jpg

Nagulat si Justin at napaurong sa table dahil akala nya ay mababasa sya ng tubig. May naglilinis na sa glass ng fastfood. Tsek namin yung time almost 1am na pala. Di namin napansin yung oras dahil marami pang tao sa labas.

kudu9-small.jpg
kudu4-small.jpg

Ready to go na si Josh………

kudu10-small.jpg

After namin kumain ay naglakad pa kami ng 2000meters pabalik naman sa parking. At least bumaba man lang yung kinain.

Kuha ito noong saturday, nauuna kasi sila lagi sa amin pag jogging. Biglang nawala si josh, di ko matanaw. Yung dalawa lang ang nakatayo sa medyo malayo. Paglapit namin ni kd ay nagpapahinga pala sa bench. Tutal daw malayo pa naman kami kaya nahiga muna sya.

kudu6-small.jpg

Sunday night naman nakarating lang kami ng 1500meters, ayaw na talaga ni Josh kaya bumalik na rin kami. Sa pagtakbo nya ay lumusot yung paa nya sa isang hindi pantay na daan. Nadapa , ang lakas ng iyak. Di maitayo agad ni kd kasi ang bigat. Na sprain yata yung right foot nya at hindi mailakad eh ang layo namin sa kotse. Kung pwede lang sana syang buhatin, nakuha sa tyaga kahit mabagal at paika-ika ay naglakad. Sabi ni kd pag nailakad hanggang sa parking ay punta kami ng mcdo. Pinilit ni Josh maglakad kahit nakikita kong hirap sya. Pag may nagtatanong kung napano sabi ni kd “injured” lalong nagagalit…hehehe. Kaya pagdating sa parking walang lusot si kd nag mcdo kami. Hay…paano kaya papayat itong mga to.

Kahapon di kami nakalabas. Masakit daw talaga paa ni josh. Hinawakan nga ni kd sumigaw ba naman si josh, “ahhh…dada…ouchhh…my beautiful foot.” Di mo tuloy alam kung masakit nga kasi patawa pa eh. Sabi ko kelan ka pwedeng maglakad, sagot ba naman, “Mama, just give me 100 days.” Sabi ni kd pwede na raw yun basta paunti-unti lang. Dinig pala 100meters, sabi ko 100days daw! Nauuwi sa tawanan pag si Josh ang humihirit.