Nag-uusap kami ni kd noong isang gabi dahil eleksyon na naman sa pinas. Pinapakita kasi sa tfc yung lipatan ng partido ng mga pulitiko. Uso na naman daw yung prutas na “balimbing.” Ano raw ba yung balimbing sabi ni tin2. Prutas kako yun na kahit anong side ang makita mo ay pareho din ang hitsura. Kumbaga sa tao ay baligtaran. Pwedeng kakampi sa yo at pwede ring kakampi sa kaaway mo. Kaya sya madalas ikumpara sa mga pulitiko kapag panahon ng eleksyon.
Nasa supermarket kami last wednesday at nagulat ako dahil first time ko makakita ng prutas na balimbing dito. Tinawag ko si tin2 at pinakita sa kanya yung prutas. Bibilhin ko sana para matikman nya na balimbing na nga ay maasim pa…hehehe. Pero nagulat ako sa presyo at ang bilis ko syang ibinalik sa lalagyan. Try nyo i zoom para makita ang price. Imagine sr79/kl (P1100). Ano kaya kaibahan ng lasa nito sa ibang balimbing?
Naintriga na rin ako na i tsek yung ibang mga katabing gulay o prutas. Gulay ba ang balimbing? Andun kasi sya sa stall ng mga vegetables. Mas lalo akong nagulat sa presyo ng isang ito na hindi ko alam ang pangalan. Yung Katabi ng balimbing na mukhang pokemon monster na kulay red. Kilala nyo ba yan? Ang presyo ay SR82/kl (P1150). Nakita ko hawak ng isang arabo, hindi ko alam kung binili or na curious lang din sa presyo.
Kaya naisipan ko na kuhanan na rin lahat ng picture yung mga iba pang gulay na andun. Tulad nitong mga ito. Akala ko sa malayo ay mga lansones kaya nilapitan ko. Mga patatas pala na ewan bakit hindi lumaki…hehehe. Pag binalatan mo tong mga ito ano pa kaya ang matitira?
Regular price SR3/kl (P42)
Bonsai potato SR24/kl (P330)
Yung mga kulay orange naman na nakaplastic ay mga carrots na hindi rin yata lumaki. Nakakain na rin si Josh ng ganoong carrots sa isang restaurant ng compound na kinainan namin dati. Nagustuhan nya ang lasa at nakailang kuha rin sya. Tinikman ko rin pero wala rin namang kaibahan sa malaking carrots, medyo malambot nga lang talaga at siguro natutuwa sya na kinakain yun ng buo.
Regular price SR5/kl (P70)
Bonsai carrots SR28 (P390)
Ito naman hindi bonsai. Kung tutuusin kapareho lang sila ng mga normal na kamatis na nakikita ko rito. Hindi ko rin alam kung ano ang kaibahan ng lasa at kakaiba rin ang presyo. May nakita rin akong mga bonsai na kamatis , di ko nakunan ng picture kasi binawalan ko si Josh at binuksan yung isang balot at kumuha ng isa, paglalaruan daw nya eh SR24/kl din ang price.
Regular price SR5 (P70)
Tomatoes(pix) SR24.95 (P350)
Mapapansin mo ang kaibahan ng isang prutas o gulay dito sa lalagyan. Kapag mahal ay nakabalot na kaagad ang mga ito. Kapag nasa normal price lang ay nasa ganitong lalagyan lang.
Pansin nyo ba yung mga camote? Sr8/kl (P112). Medyo mahal sya kumpara sa pinas no?
May ripe mangoes din dito pero iba talaga ang lasa ng mangga natin sa pinas. Maganda lang silang tingnan na akala mo masarap pero yung laman sa loob ay magaspang at parang maraming ugat-ugat , basta hindi tulad ng mangga sa atin.
Ito namang mga pinya galing Davao. SR6/kl (P84). Pag bumili ka babalatan na nila, ipapasok nila dun sa isang parang machine at paglabas ay pwede mo na syang ilagay sa lata….hehehe. halos naubos na yung pineapple sa dami ng nawala. Hindi ko lang makunan ng picture dahil hindi pinoy yung salesman.Kaya si tin2 na lang ang model ng mga pinya.
***Thanks to Nang Ethel for my new layout. Thank you! Thank you!****























