Una kong nabasa itong tag na ito kay Ghee. Sabi ko sana wag makarating sa akin dahil ang hirap mag-isip ng isasagot. Then after few days nasa tagboard ko si Ethel at sabi nga nya ay may tag sya sa akin…waaahhh…yung iniiwasan kong tag pala.  Sinagot ko na rin dahil babazookahin ako ni Nang Ethel kapag di ko ito ginawa.
5 secrets daw kaya heto…….
1. Noon kapag may kumukuha sa akin na muse sa basketball unang request ko ay pants dapat ang isuot ko. Kaya lang minsan napilitan akong magsuot ng shorts dahil kulang daw sa budget yung team at di kaya yung pants. Mayroon kasi akong bakuna sa hita at nakikita sya kapag maigsi ang shorts na suot ko. Noon daw kasi sabi ng nanay ko ay sa hita binabakunaan ang mga bata. Kulay puti naman sya at di masyadong halata sa malayo kaya lang kapag ganoong okasyon na ikaw ang muse natural lang na mapapansin sya. Hindi ko alam kung paano ako inalagaan ng nanay ko noong bata ako at di ako nagkapeklat sa legs pero bakit di nya naisip yung ipinaturok nyang bakuna sa hita ko…hehehe.
2. Noong 4th year highschool ako ay may ka penpal kami ng isang friend ko. Di pa uso ang email at text noon. Nakipagkita kami sa kanila (EB na tawag ngayon). Kaya lang nakakahiya mang sabihin ay kami pang mga babae ang nagpunta sa Bulacan para i meet sila…hehehe. Hindi yun alam ng nanay ko until now at di malalaman kasi di naman nya alam na may blog ako….hahaha!
3. First job ko after graduation ay sa isang textile company sa Caloocan. After office work ay binibisita ko ang mga modista sa shop. Nakikipag-usap ako sa kanila para makita rin yung mga tinatahi nila. Hindi ko alam na tomboy pala yung isa na laging nagbibigay sa akin ng miryenda. Minsan sabi nya pag may nagugustuhan daw syang babae ay todo porma raw sya at laging white pants ang suot nya. Kinabukasan nagulat ako naka white pants na sya at ayaw na akong tantanan. Natakot ako kasi lagi syang may nakasukbit na maliit na parang icepick sa pants nya. Naka isang sweldo lang ako sa company ay nagpaalam na ako agad.
4. After kong manganak kay Justin ay nahirapan akong magpapayat. Inabot ako ng 150lbs . Kaya sabi ko I have to do something. Uminom ako ng slimming tea at mukhang effective sya. From 150lbs ay naging 115lbs na lang ako. Marami nga ang nagtaka dahil ang bilis ko daw nakapagpapayat. Nahihiya akong sabihin na dahil sa slimming tea, epekto kasi nun ay lagi ka sa banyo. Basta kapag kumain ka ay cr ang kasunod. Kaya lang di ko masyado na enjoy yung pagiging slim ko kuno dahil nabuntis ako kay Josh agad…hehehe.
5.Last year ay nagkaroon kami ng communication ng isang dating kaibigan dito. Umalis sya ng saudi noong maliit pa si Tin2 at nagpunta ng Canada then ngayon ay nasa US na. Lagi ko syang nakaka chat sa YM. Noong una ay puro kwnetuhan lang at kumustahan dahil more than 2 yrs din namin syang nakasama sa grupo rito. Then later on ay iba na yung mga sinasabi nya. Noon pa raw andito sya sa saudi ay crush na nya ako pero dahil married na nga ako ay tahimik lang sya. Sabi ko dapat di na lang nya sinabi sa akin ngayon. Unang-una ay family friend namin sya, pag nalaman kako yan ni KD syempre alangan namang matuwa yon. Ginawa ko tinanggal ko sya sa YM ko at blocked ko yung name nya.
Dati kase noong bagong dating pa lang ako rito. Isang friend ng kasamahan namin sa flat ang laging pumapasyal dito sa bahay. Syempre dahil kaibigan nila ay pinakikisamahan din namin. Kaya lang napapadalas ang punta at minsan kahit wala yung mga kasamahan namin sa flat ay andito sya. Minsan nag doorbel sya ng tanghali, hindi ko pinagbuksan dahil wala si KD. Pagdating ni kd sinabi ko sa kanya. Kinausap nya yung mag-asawa na ka share namin. Sabi nung babae , “pasensya na kasi nagsabi sa akin na may gusto raw kay ann, sabi ko mahiya naman sya dahil may-asawa na yung tao at pag nalaman ng asawa ay siguradong magagalit.†Syempre nagalit nga si KD dahil feeling daw nya ay parang hindi sya nirespeto, itinuring na kaibigan tapos ganun pa ang gagawin. Para raw nakakalalaki ang dating. Mula noon ay di na nagpakita sa amin yung lalaki.


Â
Â
Â
Â
Â
Â
 